Humiga ako sa sarili kong kama at pinakiramdaman ang sarili ko. Wala akong maramdaman. Aminado akong nagulat ako na dumating na siya. Sino ba namang hindi? Ilang taon siyang nawala. Pagkatapos niyang umalis at magiwan ng pasabog na ikakasal na siya at hindi ako ang babaeng pakakasalan niya ay wala na akong naging balita pa sa kaniya. Masyadong masakit para sa akin ang nangyari. Biglang bumalik sa akin ang mga alaalang iyon, noong gusto ko siyang sumbatan at tanungin kung bakit niya nagawa sa akin iyon. Ilang beses kong pinigil ang sarili kong tanungin kung nasaan siya. Pero wala rin naman akong magagawa kahit malaman ko kung nasaan siya. Hindi ko rin naman siya mapupuntahan. Mukhang iniiwas din kasi ng mga Dela Marcel sa akin ang topic na iyon lalo noong buhay pa si Tatay. Ang tanging

