"Here's the blueprint of the ongoing construction in DM Davao," sambit ko ng makapasok ako sa office ni Toffer. Hinilot nito ang sentido bago sumandal at nilingon ako. Tinawanan ko lamang siya. Lumapit ako sa kaniya pagkaraan at nilapag sa table niya ang blueprint. Agad niya naman iyong kinuha at tinignan. "Do you need anything else?" bahagya niya akong nilingon. "How about the blueprint of DM La Union?" nilingon niya ang kaniyang wrist watch bago binalingan muli, "It's almost 7 pm. Dapat nandito na 'yon," dagdag niya. "The engineer called. He's on the way. It will take half an hour, I guess?" hindi ko siguradong sagot. Tumawag kasi ito kanina at sinabi kung nasaan na ito. Kung susumahin ang oras mula sa lokasyon niya hanggang dito ay treinta minuto nalang, maliban kung may traffic. "

