Habang naglalakad ako palayo sa kaniya, parang dinudurog ang puso ko. Lalo akong nabasa sa ulan dahil sa bagal kong maglakad kahit na ilang metro nalang ang layo ko sa bahay. Halos hindi ko iyon makita dahil panlalabo ng mga mata ko. Kahit kasi sobrang sakit na, gusto ko paring lingunin siya. Gusto ko paring tignan siya at alamin kung nasasaktan din ba siya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Dalawa lang naman ang magiging sagot kung lumingon ako, ito ay kung nasasaktan siya o ako ang masasaktan dahil hindi siya nasasaktan. Sa pagkakataong ito ay mas pinipili ko ang sarili ko. Pinipili kong huwag ng alamin pa dahil sa takot na mas masaktan kapag hindi nga siya nasasaktan. Alam kong mali na iyon ang isipin ko pero iyon lang kasi ang alam kong mararamdaman niya sa nangyayari sa amin. Na dapa

