Ang sabi nila mahirap umasa sa wala pero ngayon parang mas mahirap umasa sa taong nagbigay sa'yo ng pag-asa na meron pero unti-unting nawawala. Mas mahirap umasa sa taong pinatikim ka pero hindi man lang hinayaang ubusin mo. Kapag sa wala kasi, wala ka namanand talaga dapat na iasa habang sa nagbigay ng pag-asa. . . meron pero unti unti ka niyang nilalaglag. Masakit pero kahit na may magagawa ka, pilit kang umiintindi dahil hindi dapat iyon sa sitwasyon. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala sa coffee shop sa harapan ng bookstore kung saan ako naiyak kanina. Siguro dahil sa pagod? Siguro dahil sa sobrang bigat na ng dala dala ko? Hindi ko na alam. Pakiramdam ko kasi ay punong puno na ako at wala ng paglagyan ang iba pa kaya kusa na itong kumakawala sa mga mata ko. Nakakata

