Kumalat sa university ang iba't ibang balita tungkol sa kanila. May mga nagsasabing iba na ang may hawak ng kumpanya nila. May naririnig din akong bulung bulungan na pabagsak na nga ito. Hindi ko matanggap ang mga balitang iyon kaya mas pinipili kong magbingi-bingihan nalang. Maging si Tatay ay walang maibigay na siguradong sagot sa akin. Siya man ayI naguguluhan din sa mga nangyayari. Naglakad ako papasok sa ospital bitbit ang isang malaking trey na puno ng prutas. Isang linggo rin akong nawala dahil sa exam. Pasalamat nga ako at tuluyan na ngang natapos ang semester. Isang taon nalang at matatapos ko na rin ang kolehiyo. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang kwarto ni Toffer. Pinanood kong maglipat ng number sa floor indicator hanggang sa ito'y huminto. Lumaba

