Mas lalong hindi iniwan ni Kris si Toffer. Ngayon, wala na siyang oras sa lahat dahil buong oras niya ay nasa kapatid na niya. Kung hindi namin siya lalapitan at bibigyan ng pagkain, hindi na siya kakain. Kung hindi namin siya pipiliting maligo, hindi na siya maliligo. Hindi na siya pinapapasok ni Tatay Uno sa company nila. Hindi ko gaanong maintindihan kung anong nangyayari pero sa pagkakaintindi ko sa mga balitang lumalabas, nasa masamang estado ang kumpanya nila na siyang mas lalong nagpalala sa sitwasyon nila. Nahihirapan akong lapitan siya. Nahihirapan ako sa sitwasyon naming dalawa pero sabi ko nga iintindihin ko siya. Iintindihin ko ang takot niya at ang pagmamahal niya sa kapatid niya kahit pa sabihing kapalit non ay ang paunti unting pagkawala niya sa hawak ko. Hindi ko isisin

