Mabilis akong umalis sa lugar na iyon. Siniguro ko na nakawala din ako kay Levin. Huminto lang ako ng makaramdam ng pagod. Nasa likuran ako ng building. Si Kris... He lied to me. Sobrang daming pumapasok sa isipan ko. Almost negative. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ramdam kong may mali. Lalo na nitong mga nakaraang araw. Alam ko kahit na hindi niya sabihin. Base sa mga galaw niya. Sa mga lumalabas sa labi niya. I don't want to put a meaning on everything but I just can't ignore it. Lalo na sa nalaman ko ngayon. Kailan pa siya hindi pumapasok? D*mn. Kung ano man iyon. I know I need to trust him. Lahat ng pinakita niya. Lahat ng pinaramdam niya alam ko totoo. Walang dudang totoo lahat iyon. Hindi naman siya maghihintay at magpapakahirap ng ilang taon kung lolokohin niya lang ako.

