Nagising nalang ako na may naglalaro na sa daliri ko. Hindi ko na namalayan kung umuwi ba siya o kahit natulog man lang. "You okay? Masakit pa ba?" umiling ako. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Parang may mali sa kaniya. "What's wrong, Kris?" kumurap kurap siya at umiling. Kinuha niyang muli ang isa kong kamay at dinala sa labi niya bago pinaglaruan. Titig na titig siya doon na parang sinusundan ang linya sa kamay ko. "Hindi kita masusundo mamaya. May meeting ako" tumango ako. Hindi ko naman kasi siya inoobliga na ihatid niya ako. "Okay lang. Magpapasundo nalang ako kay Tatay" tinignan ko ang orasan na nakapaskil sa wall ng kwarto ko bago tuluyang tumayo "Hindi ka pa ba uuwi? May pasok pa tayo" umiling siya. "May damit ako sa kotse.

