Mas naging hectic ang schedule niya ng mga sumunod na araw. Simula nang maging kami ay mas lalo siyang naging busy. Nase-sense ko na may problema sa kumpanya nila. Hindi na ako nagtanong kasi gusto ko siya nalang ang magsabi sa akin. Hinatahatid niya parin naman ako sa school kapag umaga at hinahatid pauwi. Minsan, sinasabayan niya ako sa pagkain pero minsan lang dahil pinipilit ko siyang sa malapit sa company nalang nila maglunch kasi malayo ang school doon. Pabalik balik na siya kung sakali. Ihahatid niya ako kapag umaga at papasok na rin siya pagdating ng alas dies ay papasok siya sa work tapos babalik siya kapag lunch, after lunch naman ay babalik na naman siya sa work tapos susunduin niya ako ng hapon. Masyado na siyang napapagod kaya hindi ko na rin siya tinitext kapag gabi dahil a

