Hindi ko alam kung anong nangyari. Pagkapasok ko ay wala ang mga babaeng umaway sa akin noong araw na iyon. Hindi din ako pinapansin ng mga kaklase ko o kahit tapunan man lang ng tingin. Parang hindi ako nag-eexist sa mundo nila. Hindi naman sa gusto kong pansinin nila ako. Nagtataka lang talaga ako. Kahit kasi hindi nila ako kaibiganin noon ay kinakausap naman nila ako o tinatapunan ng tingin kahit papaano. Bumuntong hininga ako at tinuon ang pansin sa teacher sa harapan. Maging ang mga teachers kong hindi ko napasukan ang subject ay ang alam ay may sakit ako. Nagulat nga ako ng ako ang unang tanungin kanina kung kamusta na ang pakiramdam ko. Ano ba ang nangyayari? Hindi ko dapat iniisip ito pero naguguluhan talaga ako. Maghapon kong inisip iyon. Kung anong nangyari, kung bakit kung um

