Umupo ako sa sahig at kumuha ng mga librong malapit sa akin. Binasa ko ang mga likod nito. I need some distractions. Simula ng gabing iyon ay hindi ko na kinakausap o pinapansin si Kris pero tuwing nakikita ko ang frustrated niyang mukha at natutuwa ako. Kaya imbes na lumayo ay pasimple ko siyang tinitignan.
Hindi na ako ginugulo ng mga fan girls niya. Nakikita ko parin ang masama nilang tingin sa akin o maging mga bulungan nila. Okay lang sa akin iyon basta h'wag na nila akong sasaktan physically.
Kinuha ko ang isang makapal na libro bagk tumayo. Nagpaalam naman akong lalabas ako kay Nanay Ysa. Gusto niya pa nga akong pasamahan pero nagpumilit akong mag-isa nalang ako.
Binayaran ko iyon sa counter bago lumabas ng bookstore. Ito lang naman talaga ang bibilhin ko kaya umuwi din ako kaagad. Pagbukas ko ng pinto ay sakto namanb papalabas si Kris. May hawak itong skate board. Tinignan ko lang siya bago umiwas ng tingin. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa asul niyang mata.
Lalagpasan ko na sana siya pero hinarangan niya ako. Nakangisi na siya sa akin ngayon pero pinanatili ko ang walang emosyon kong mukha. Naiinis talaga ako sa ngisi niya.
"Sama ka sa akin, Atasha" inirapan ko siya at sinubukang lagapasan siya pero iniipit niya lang ako para hindi makapasok. Hindi naman ganun kalakas ang pagkakaipit niya pero sapat na para hindi ako makapasok. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumuso siya at hinayaan ako makaalis pero nakasunod naman sa akin. Akala ko ba may pupuntahan siya?
"Atasha kasi. Sumama ka na sa akin. Hindi kita kukulitin doon" umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Isasara ko na sana pero hjnarang niya agad ang isanb kamay niya. Umirap ako at hinayaan siya. Tinanggal ko ang doll shoes ko at nilagay sa lalagyanan bago umupo sa kama at nilabas ang librong binili ko.
Binuklat ko iyon at sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng libro. Ililipat ko palang sa first page nang biglang nawala ang libro sa mga kamay ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang mabilis na lumabas si Kris sa kwarto ko. Sinundan ko siya. Nahihirapan akong tumakbo dahil sa suot kong pants.
Dumiretso siya sa kwarto niya kaya pumasok din ako. Sumalubong sa akin ang pamikyar na pabango ni Kris. Kung gaano naghuhumiyaw sa pink ang kwarto ko, asul na asul naman ang sa kaniya. Nakita ko siyang lumabas sa isang pinto sa kwarto niya at nakangisi. May hawak siyang T shirt na parehas ng suot niya.
"Where's my book Kris?" pinigilan ko ang sarili kong sigawan siya. Ako na naman kasi ang talo kapag ako ang nainis.
"Sa loob?" lumapit ako sa kaniya at bubuksan sana iyon pero naka-lock naman. Kinamot ko ang batok ko at hinarap siya.
"Buksan mo ito!" umiling siya at umupo sa gilid ng kama niya. Kinagat niya ang labi niya habang nakatingin sa akin. Inirapan ko naman siya.
"Kris!" muli lang siyang umiling.
"Ayaw. Sama ka muna sa akin" naningkit ang mga mata ko. Gagawin niya talaga lahat para mapasama ako kahit ayaw ko.
"Ayaw ko rin kaya ibalik mo na ang libro ko!" kulang nalang magpapadyak ako sa inis. Para naman kasi siyang walang naririnig. Ang kulit kulit kasi.
"Kapag sumama ka sa akin ibabalik ko iyon sa'yo" sinamaan ko siya bg tingin.
"Sa'yo nalang iyong libro ko! Kainin mo a!" inis kong singhal bago siya tinalikuran. Sana hindi nalang ako bumili kung hindi ko rin naman pala mababasa.
"Sige. Ipapahingi ko kay Ishi. Mahilig iyon sa libro" inis na linapitan ko siya at sinabunutan. Napupuno na talaga ako sa kaniya! Imbes na masaktan ay tawa lang siya ng tawa sa akin. Hawak hawak niya ang bewang ko na parang inaalalayan pa ako.
Binitiwan ko ang buhok niya. Namumula ang puno ng tenga niya hanggang sa mukha at leeg. Iniling niya ang ulo at kinagat ang labi.
"Akin iyon! Bakit ko ipapahingi. Ako ang bumili, ibalik mo na kasi sa akin. Nakakainis ka na a!" ngumuso siya at nagkibit balikat. Nanahimik siya. Akala ko ibabalik na niya pero ngumisi lang siya at inabot sa akin ang t shirt na hawak niya.
"Isuot mo ito. Sama ka sa akin. Ibabalik ko sa'ho tapos hindi kita guguluhin ng isang araw" kinuha ko iyon at hinampas sa katawan niya bago umalis. Wala na din naman akong choice. Okay lang sana kung nabasa ko na iyong libro pero hindi e. Ang tagal kong pinag-ipunan iyon.
Bumalik ako sa kwarto ko at isinuot iyong damit. Doon ko lang napansin na may print pala iyon. Hindi kasi halata kanina. Dela Marcel. Iyon ang nakalagay. Kinagat ko ang labi ko.
Pagkalabas ko at nakaupo siha doon at may dalang shoes.p na parehas ng sa kaniya. Kinunutan ko siya ng noo. Lumingon siya sa akin. Tinuto niya ang space sa tabi niya na parang sinasabing doon ako umupo na siya namang ginawa ko. Ayoko ng makipagtalo sa kaniya ngayon.
Nagulat ako ng umupo siya sa sahig at kunin ang paa ko. Inilayo ko iyon pero nahawakan niya.
"Ano na naman!" singhal ko.
"Huwag ka muna mag-sungit. Hindi pwede ang doll shoes sa pupuntahan natin. Itong ganitong shoes ang pwede" sabi nito.
"Kanino iyan? Tsaka ako na magsusuot!" Tanggi ko pero sinuutan na niya ng sox ang paa ko na iyong sole lang ang natatakpan babo pinasok ang ang sapatos. Napansin kong ngumisi siha ng saktong sakto iyon sa paa ko.
"Ang galing ko talaga!" wika pa niya. Napatitig ako sa mukha niya nb tignan niya ako at ngitian. Kinindatan niya pa ako bago sinunod ang isang paa ko.
Hindi ko alam pero bakit parang ang saya saya niya? Ang amo ng mukha niya. Kung hindi lang dahil sa piercing niya sa kaliwang tenga ay magmumukha siyang inosente. Sana ganiyan nalang siya, iyong nakangiti at hindi nakangisi.
Pagkatapos niya ay tumayo siya at nilahad ang kamay sa akin. Inirapan ko iyon pero tinanggap din. Mahigpit niya iyong hinawakan. Napansin ko ang pagngiti niya ng gawin niya iyon. Nababaliw na ata ito.
Kinuha niya ang skate board niyang nasa sahig at hinila ako pababa. Nakasalubong namin si Yana na nakikipaglaro sa iba pang Dela Marcel na babae.
"Mag-date kayo kuya?" tanong ni Dyka. Lumapit naman si Ishi sa amin. Itinaas nito ang pekeng salamin bago kami tinignan ni Kris mula ulo hanggang paa bago muling umakyat at tignan ang kamay kong hawak ni Kris. Hindi ko alam kung bakit ako nailang sa tingin ng batang iyon. Kinukuha ko ang kamay ko kay Kris pero mahigpit niya lang iyong hinawakan.
"Confirmed. Magdate sila. Ingat po" sabi ni Ishi bago bumalik ka kinauupuan.
Umiling si Kris at hinila ako palabas. Hindi man lang niya tinama iyon. Hindi naman ako makikipagdate kay Kris.
Sumakay kami sa isa sa mga kotse nila. Hindi ko tinanong kung saan kami pupunta. Napakacolorful ng harapan. Nagkalat ang pintura.
Kumunot ang noo ko pero hindi ako nagtanong. Lumabas ako at hinawakan niyang muli ang kamay ko bago pumasok doon. Maging sa loob ay colorful ang print hanggang sa tuluyan na kaming makapasok. Hindi ganun karami ang tao pero lahat sila may hawak na skate board. May ilang nakasakay na doon. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga ginagawa nila, iyong pinapaikot ang skate board at kung ano ano pa.
Nagtago ako sa likod ni Kris ng tumingin ang iilan sa amin.
"Oy Dela Marcel!" Nakipag-high five siya sa mga lumapit sa kaniya.
"Si Asha pala" nginitian nila ako, may ibang kumaway sa akin.
"Doon lang kami" tinanguhan siya ng mga iyon. Pumunta kami sa gilid kung saan may bleachers. Walang gaanong tao doon.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kaniya.
"Tuturuan kitang mag-skate board" kumunot ang noo ko at mabilis na umiling. Hindi nga ako marunong mag-bike! Skate board pa kaya.
"Ayoko. Ikaw nalang!" Umiling siya at binaba ang skate board sa floor. Tinignan ko siya at sinabing ayoko pero mukhang desidido na siya and knowing kris, gagawin niya lahat ng paraan para makuha ang gusto niya.
Sinuutan niya ako ng helmet at iba pang safety gear.
"First, kailangan mo munang i-balance ang sarili mo sa board" tinignan ko iyon at kinagat ang labi ko bago tumingin kay kris.
"Hindi nga ako marunong. Paano pav nalaglag ako!" singhal ko.
"H'wag mo kasing isipin na malalaglag ka. Kapag iyon ng iyon ang iisipin mo talagang hindi ka matututo. I-enjoy mo lang. Tsaka hindi kita pababayaan. Kung malalaglag ka sasalubin kita" sumimangot ako pero sinunod siya.
"Huwag mo muna ako bitawan!" kinakabahang sabi ko bago pinatong ang dalawang paa sa skate board. Gumagalaw iyon ng kaunti kaya mahigpit ang hawak ko sa dalawang kamay ni Kris.
"Huwag kang tumingin sa baba. I mean huwag parati" tumango ako. Sa kaniya ako tumingin.
"Bibitawan kita, kay? Huwag kang matakot" tumango ako. "Kapag nagawa mong i-balance ang sarili mo, pwede na kitang turuan ng gumagalaw iyan"
Katulad ng sinabi niya. Tinuruan niya ako. Noong una ay hawak hawak ko ang kamay niya kahit gumagalaw iyon board hanggang sa nawala na nga ang takot ko at kaya ko ng pagalawjn iyon mag-isa.
Kahit na nasusungitan ko siya kapag pinipilit ko abg gusto ko ay hindi naubos ang pasensiya niya sa pagtuturo sa akin. Ilang beses akong muntok ng natumba pero parati niya akong nasasalo.
Nginitian ko siya ng maabot ko na ang kabilang pader. Hindi pa ako marujong umikot. Hanggang sa pag-shift ng riding position habang gumagalaw ang naituro niya sa akin. Bumalik ako sa kaniya at pumalakpak. Ang saya din pala. Ang saya din pala kasama ni Kris.
"Nakita mo? Kaya ko na patakbuhin iyong skate board mo" sabi ko sa kaniya. Tumango siya habang nakangiti. Tumingala siya. Wala kasibg bubong ang lugar na iyon.
"Wala ng sun. Baka hinahanap na tayo" sani niya. Nawala ang ngiti ko. Gusto ko pang mag-skate e. Tinignan niya ako pero umiwas ako ng tingin.
"Balik nalang tayo dito. Tuturuan pa kitang mag-turn tapos tuturuan kitang gumawa ng mga stunt" lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya.
"Promise? Babalik tayo dito?" Tumango siya at inalis ang helmet ko bago nilagay sa likod ng tenga ko ang buhok ko.
"Pinky swear?" Sabi ko bago tinaas ang kanang kamay ko. Umiling siya bago inabot ang kamay ko at magkahawak-kamay na umalis.
______________
Ito po muna ang huling update ko dito. Tatapusin ko muna ang LOVE ME AT MAYBE.
☺☺☺