Nagkulong ako sa kwarto. I asked Toffer to keep his mouth shut. Ayoko ng gumawa pa ng gulo. Ayaw kong mag-alala pa si Tatay pati si Nanay Ysa. Hindi naman na siguro ito mauulit dahil mukhang natakot naman sila kanina ng makita nila si Toffer. Sana.
Tsaka kasi kapag lumabas ako makikita ako ni Nanay Ysa o kaya ni Kris. Ayaw kong makita ang mukha ni Kris. Ayaw ko siyang kausapin. Kasalanan niya naman kasi kung bakit nangyari sa akin ito. Kung hindi niya naman ako nilapita, kinulit, hinahatid sa room ko at kung ano ano pa ay hindi naman mangyayari sa akin ito. Ang tahimik kasi ng mundo ko noon. Simula ng kinausap niya ako nagbago na lahat.
Kinuha ko ang textbook ko at nag-review. Ano kayang idadahilan ko bukas? Tatlong subject ang hindi ko napasukan dahil sa nangyari. Pati ang pag-aaral ko nadadamay na.
Nagulat ako ng kumalabog ang pinto ko. Bigla akong binundol ng kaba. Nanlalamig ang mga kamay ko. Nanatili akong nakatingin sa pinto pero naglalaro ang isipan ko sa mga pwede kong gawin. Tumingin ako sa salamin at sumimangot ng halatang mapupula iyon. Sino kaya iyong kumakatok? Nakahinga ako ng huminto iyong katok ngunit muli lang din itong nag-ingay. Mas malakas pero ngayon ay pati ang seradura gumagalaw na. Naka-lock iyon. Bigla bigla nalang kasi pumapasok si Kris kaya ni-lock ko na. Pwede kayang isipin nila na tulog na ako kung hindi ko bubuksan?
Kinagat ko ang labi ko ng katok parin talaga ng katok. Ginulo ko ang buhok ko at inilagay sa harap ang ilang hibla. Kinuha ko ang unan tsaka niyakap. Natatakpan non ang kalahati ng mukha ko. Tumingin akong muli sa salamin. Mukha na akong bagong gising.
Muli na namang nag-ingay ang pinto kaya lumapit na ako doon habang yakap yakap ang unan ng mahigpit. Binuksan ko iyon at sumalubong sa akin ang asul na mata ni Kris. Ngumiti siya sa akin at akmang aayusin ang nagkalat na hibla ng mukha ko pero umatras ako.
"What-" ang hapdi! Nalukot ang mukha ko pero sinubukan ko uling magsalita. "What do you w-want?" inis kong tanong. Mahapdj ang magkabilang labi ko. Ganun ba kalakas ang sampal ng babaeng iyon para masugat ang labi ko?
"Hindi ka daw bumaba kaninang dinner. Kain tayo?" umiling ako. Akmang aayusin niya ulit ang buhok ko pero pinalo ko ang kamay niya. Kumunot ang noo niya.
"Hindi ako g-gutom. Inaantok na ako. Ikaw nalang" tumalikod ako at isasara ko na sana ang pinto ng hawakan niya ang braso ko at tinignan iyong mabuti. Lalong kumunot ang noo niya. Tinignan ko kung ano iyong tinitignan niya at nanlaki ang mata ko ng makitang may malaking pasa doon. Maliwanag kasi sa loob ng bahay kaya kitang kita.
"Wala iyan. Kumai-" nahinto ako ng makita ang mata niya.
Dumilim ang mga ito na halos hindi na halatang asul ito. Lumunok ako ng ako naman ang tignan niya. Gusto kong tumakbo palayo sa kaniya ng makita ang galit sa mga mata niya. Ibang galit. Hinawi niya ang buhok ko at hinila ang unan ko. Umiwas ako ng tingin ng titigan niya ako. Naramdaman ko ang daliri niya sa baba ko na itinataas niya. Tumigas ang panga niya ng makita ang mga sugat ko.
Sinunod niyang tignan ang kabilang kamay ko. He's busy checking every part of my expose skin. Hindi ako makapag-taray. I've never seen him these mad. Feeling ko kakainin niya ako ng buhay.
"Look at me, Ash" kinagat ko ang labi ko pero imbes na tignan siya ay yumuko ako. "Atasha!" nagbabanta ang boses niya. Bakit ba ako natatakot? Si Kris lang ito! Nasigawan ko na! Natarayan ko na! Ngayon pa ako natakot?
Ano ba Atasha! Kasalanan niya iyan! Siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan kaya dapat patigilin mo na siya sa paglapit sa'yo!
"Ano!" pagsusungit ko. Umirap pa ako upang mawala ang kaonting takot na natitira.
"Masakit ba? Nagamot mo na ba?" tanong niya.
"Malamang masakit! May sugat bang hindi masakit?" Sarkastikong sabi ko.
"Sinong gumawa nito sa'yo?" siryoso niyang tanong. Iniwasan ko ang mga mata niya. Nauubusan ako ng katarayan kapag doon ako tumitingin.
"Ikaw!" sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Pinaglololoko mo ba ako? Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!" nagkibit balikat ako at tinaasan ko din siya ng kilay. Akala niya! Totoo naman na siya ang may gawa nito sa akin! Kung hindi niya ako nilalapitan katulad noon ay hindi talaga mangyayari sa akin ito.
"Hindi rin ako nakikipagbiruan sa'yo! Ikaw may gawa sa akin nito! Kung hindi mo ako nilalapitan sa school hindi iyon makikita ng mga fan girls mo at hindi nila ako aawayin! Kasalanan mo ito" marami pa akong gustong sabihin pero humahapdi ang sugat ko sa labi.
"So sila ang may gawa? D*mn!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ikaw nga ang may gawa! Hindi sila! Ikaw!" pagdidiin ko. Umamo ang mukha niya sa sinabi ko.
"Hindi kita sasaktan. Hindi ko iyan gagawin sa'yo. Can you stop saying that it's my fault?" umiling ako sa sinabi niya.
"It's your fault. Hindi sasaktan? Sinaktan na nila ako dahil sa'yo kaya huwag na huwag ka ng lalapit sa akin sa school o kahit dito. Ayokong mapahamak ulit" kinagat niya ang labi niya at yumuko. Pinaglalaruan niya ang mga daliri niya. Nasaan na ang galit niya?
"Hindi ko naman ginusto iyan a. Hindi ko naman hawak iyong isipan nila. Pagsasabihan ko sila. Huwag naman ganun" lukot na lukot ang mukha niya. Nanahimik ako.
Maging siya ay hindi na nagsalita pa dahil mukhang hinihintay niya ang sagot ko. Hinihintay niyang bawiin ko ang sinabi ko. Kinagat niya ang labi niya ng makitang wala akong balak na bawiin iyon.
"Kumain ka na matutulog na ako" malamig kong sabi.
"Hindi ka parin naman kumakain sabi ni Ate Maya. Kain na tayo, Ash" humuntong hininga ako. Naglakad ako papasok at ijiwan ang unan bago siya nilagpasan. Kukulitin niya lang ako pag hindi ako pumayag. Ibibigay ko nalang ang gusto niya.
Tahimik lang din kami habang kumakain. Pagkatapos ko ay hinintay ko siyang matapos bago umalis pero nakasunod lang siha sa akin. Akala ko pupunta siya ng kwarto niya pero ng pumasok ako sa kwarto ko ay sumunod siya sa akin. Kumunot ang noo ko lalo.
"Ash bakit ka ba sa akin galit? Hindi ko naman ginusto iyon a? Hindi naman kasi ako ang may gawa!" hindi ko parin siya pinansin. Napansin kong inis na inis na siya pero hindi ko parin siya tinapunan ng tingin. Humiga ako sa bed at kinumutan ang kalahati ng katawan ko bago kinuha ang textbook at nag-review.
"Asha" tawag niya. Napansin kong umupo siya sa sofa pero nanatiling nakatingin sa akin at nakanguso. Umiling ako at hinayaan siya.
Hindi ko naman siya inobliga na pumunta rito. Siya ang kusang pumasok, siya rin ang kusang lumabas. Ayaw ko rin naman siyang kausap. Sinabihan ko na rin naman siyang layuan ako e. Kung mangungulit siya, di mangulit siya pero hindi ko siya papansinin.
"Asha kasi pansinin mo nga ako!" frustrated niyang tugon pero hindi ko parin sinunod. Wala naman talaga sa libro ang isipan ko dahil hindi ako makapag-concentrate, nasa kaniya naman talaga ang atensiyon ko dahil tinitignan ko ang bawat galaw niya gamit ang gilid ng mga mata ko.
Nalukot ang kukha niya ng hindi ko siya tignan. Hindi ko alam pero parang nawala ang inis ko sa nakikita kong reaksiyon niya. Para talaga siyang mawawalan kapag hindi ko siya pinansin.
"Kasi naman! Kapag ako hindi nakatulog mamaya tatabi ako sa'yo! Maliligo lang ako, babalikan kita. Hindi kita titigilan hanggat hindi mo ako pinapansin" nagkibit balikat lang ako at ni-lock ang pintong nilabasan niya. Parang makakapasok naman siya.