Kabanata VI

1228 Words
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay basta nalang niya ako hinila. I remain silent. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Para akong tinakasan ng katarayan ko. Hindi ko rin naman kasi alam kung siryoso ba siya o hindi. Knowing Kris? Maraming nagkakandarapa sa kaniya. Sino ba naman ako para magustuhan niya? Wala lang siguro siyang makulit kaya ako ang napili niyang kulitin ngayon. "Bakit ang tahimik mo?" umirap ako pero hindi nagsalita. Huminto siya sa gym. Hindi ko siya tinanong kung anong gagawin namin doon. "Asha!" kinamot ko at batok ko at tinignan siya ng masama. "Atasha kasi! Isusumbong na kita kay Nanay Ysa! Naiinis na ako sa'yo a!" panakot ko pero nginisihan niya lang ako. Umirap ako at inagaw ang braso ko na hawak niya. Lumingon ako sa buong gym. Wala namang katao tao sa loob maliban sa mga co-players niya, ang coach nila at ang team manager. Lahat sila nakatingin sa aming dalawa. "May klase pa ako! Pinagod mo pa akong maglakad papunta dito! Tsk!" inirapan ko siya. "Ang sungit mo talaga!" binato ko sa kaniya ng tuluyan ang bottled juice bago siya iniwan doon. Nanggigigil ako sa inis. Gusto siyang tirisin hanggang sa mawala lahat ng inis ko sa katawan. Mabuti nalang talaga at wala pa ang teacher namin ng makarating ako sa room. Kung hindi talagang isusumbong ko na si Kris kay Nanay Ysa. Sumusobra na siya! Childish na kung childish. Wala na akong pakialam don. Pagpasok ko ng room ay napunta sa akin ang atensiyon nilang lahat. Hindi ko iyon pinansin at naglakad papuntang upuan ko pero may humarang sa paa ko kaya napatid ako at sumalampak sa sahig. Kinagat ko ang labi ko. Tumama ang tuhod ko sa sahig. "Diyan ka bagay! Ilusyunada! Ikaw pa talaga ang nagtataray kay Kris? Sino ka ba sa inaakala mo?" tumingala ako. Hindi ko alam kung sino ang nagsalita o kung sino ang pumatid sa akin. Marami kasi silang nakatayo sa harapan ko. "Sinisigawan niya pa si Kris. Ang alam ko anak lang siya ng Driver nila. Ang kapal ng mukha!" sinubukan kong tumayo pero kumirot ang tuhod ko. Lalong dumiin ang kagat ko sa labi ko. Ang sakit! Hindi pa man ako nakakatayo ay naramdaman kong may sumaboy sa akin. Nagtawanan sila. Gusto kong patulan sila. Gusto kong bumawi pero hindi ko magawa. Scholar ako at kapag nalaman nilang nasangkot ako sa kahit anong gulo ay paniguradong matatanggal ako. Nangilid ang luha ko sa inis. Akala ko matatapos na sila doon pero may lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang mukha ko. Pilit ko iyong tinatanggal pero bigla niya akong sinampal. "Magising ka sa katotohanang hindi kayo bagay!" tinulak ko siya palayo sa akin. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Maging ang mga mata ko ay nanlaki. Dapat hindi ko iyon ginawa! Nanlisik ang mga mata niya at muli akong sinampal. "How dare you! Ang kapal naman ng mukha mong talaga! You b*tch!" hinila niya ang buhok ko. Napangiwi ako sa sakit. Hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa buhok ko. Napapapikit ako sa sakit. Hindi ko pa nasubukan makipag-away. Hindi rin ako kahit kailan pinagbuhatan ng kamay ng Tatay ko o maging ng Nanay ko. Hindi ko kailan man naisip na makikipag-away ako pero simula ng makilala ko si Kris lahat ata ng hindi ko inaasahang mangyari sa akin ay unti unting nangyayari. Tumulo ang luha ko sa sakit at inis. "What's happenning here?" automatikong nanigas ang katawan ko ng makarinig ng matigas na boses. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. "Toffer. Uhmm" "Atasha?" umangat 'yong mukha ko. Suminghot ako at niyakap ang tuhod ko. Ang sakit ng pisngi ko. Ang sakit ng ulo ko. Ano bang ginawa ko para mapunta ako sa ganitong sitwasyon? "Who did these? Ikaw ba? Bakit niyo ginawa ito?" tumaas ang boses ni Toffer. Tinulak niya ang mga babaeng nakatayo sa harapan ko at lumapit sa akin. "Wala man lang pumigil sa inyo? Anong klase kayong mga tao?" Inangat niya ang mukha ko. "Hey, Ash. It's okay. Don't cry" nagmura ito ng lalo akong umiyak. "Patay" bulong pa nito bago ako tinayo. "If Kris finds this out, you're all dead!" kung ano ano pa ang sinabi nito habang nilalabas ako sa room. Kumapit ako sa braso niya. Yumuko lang ako ng makitang may mga nakatingin na naman sa akin at pinagbubulungan ako. May lumapit sa amin at hinawakan ako sa kabilanb braso. "Ash? Anong nangyari Honeyloves?" "Dunno, Babyloves. Nakita ko lang na pinagkakaguluhan iyong room nila. Siya pala iyon" Muli akong nanghina ng kumirot ang tuhod ko. Nanlalabo na anb paningin ko. "Honeyloves! Buhatin mo na si Ash. Dalhin natin sa hospital!" "As you wish" Imbes na sa hospital ay pinilit ko silang iuwi nalang ako. Ayaw nilang pumayag pero pinilit ko sila. Wala naman silang nagawa kung hindi ang sundin ako. Mabuti nalang at walang tao sa Mansiyon nila. "Gusto mo ba tulungan kitang magpalit?"  umiling ako at pumasok na sa Cr ng kwarto ko. Nang tuluyan ko ng maisara ang pinto ay saka ako muling humikbi. Umupo ako sa sahig at umiyak. Gusto kong magsumbong kay Tatay pero wala naman siya at dahil doon ay mas lalo akong hindi pwedeng magsumbong. Ayokong pagalalahanin pa siya. Ilang minuto palang ako doon ay may kumatok. "Ash, okah ka lang ba?" boses ni Yxel iyon. Tumango ako bago sumagot. Pinunasan ko ang luha ko at unti unting tumayo. Binuksan ko ang shower at naligo. Pagkatapos ko doon ay nagpalit lang ako ng   shorts at T shirt. Nasa labas parin ng Cr si Ash at Toffer paglabas ko. "Uhm. Sorry. Hindi na rin kaho nakapasok dahil sa akin" umiling si Yxel at inalalayan ako papuntang bed kahit na sabi kong kaya ko. "Nonesense. Ano bang nangyari? Inaway ka nila?" kinuwento ko sa kaniya lahat. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Sinabi ko lahag sa kaniya na para bang isa akong batang nagsusumbong sa Nanay niya. Iniwan kami ni Toffer kaya malaya kong nasasabi kay Yxel lahat. "Tsk. Akala nila ganun nalang iyon! Kapag nalaman ito ni Kris patay silang lahat! Ang kakapal!"  Sabi nito. Naghikab ako at pinanuod siyang inis na inis. "Magpahinga ka na Asha" sinunod ko ang payo niya. Nagising ako ng sobrang hapdi ng pisngi ko. Akala ko mag-isa ko lang sa buong kwarto pero hindi pala ako iniwan ni Toffer at Yxel. Nasa sofa sila, nakahiga si Yxel sa mah dibdib ni Toffer habang si Toffer naman ay nakayakap ang mga kamay kay Yxel. Niyakap ko ang unan ko. Toffer and Kros may be twins but Toffer is better than Kris in any way. Hindi ito makulit at mas lalong hindi ito babaero. Si Yxel nga lang ata ang babae para rito. Bumuntong hininga ako ang sumandal sa head board ng bed. Speaking of Kris. Siguro mas magandang layuan ko nalang siya. Mapapahamak lang ako kapag patuloy ko siyang papansinin. Mababa palang ang mga tinamo kong sugat kumbaga sa ibang nalilink sa kaniya dati pero ayokong humantong doon. Makakasama si Kris sa akin. He's way too high for my reach. _________ May page po ako sa w*****d. DIYOSANGWRITER w*****d. May group din po ako pero wala pang Admin pero pwede kayong mag-join. DIYOSANGWRITER STORIES. Kasabay ko pong ina-update ang HIS POSSESSION at HATING HIM dito. Sana po basahin iyon din ang mga iyon. Thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD