Kabanata V

1058 Words
Hinatid kami ng bagong driver nila sa school. Nakakapanibago lang kasi hindi nalang basta nakatingin sa akin ang mga estudyante. Pinagbubulungan na din nila ako. Hindi ako sanay sa ganto, hindi ako sanay na maraming matang nakatingin sa akin at hindi ako sanay na binibigyan ng atensiyon. Yumuko ako at mas binilisan ang paglalakad. Dumiretso ako kaagad sa classroom at umupo. Maging sa loob ay nasa akin ang atensiyon nila. May nagawa ba akong mali? o dahil talaga ito sa paghatid sa akin ni Kris? Iyon nalang kasi ang naiisip kong dahilan. Dela Marcel siya at bawat galaw niya ay may mga matang nakamasid. "Ano mo si Kris?" kumurap ako at tinignan ang nasa harap ko. Kaklase ko siya sa subject na ito pero hindi naman kami nag-uusap o kahit simpleng bati kaya nagtataka ako na kausap niya ako ngayon. "Ano?!" kunot noong tanong ko. "Ano mo si Kris? bakit ka niya hinatid dati dito? Bakit nakasakay ka sa kotse nila?" sunod sunod niyang tanong. Mas lumakas ang boses niya kaya pati ang mga kaklase namin ay napatingin at naghihintay na ng sagot ko. "Anak ako ng driver nila" sagot ko. Iyon naman ang totoo. Tumaas ang kilay niya sa akin. "So kapag anak ng driver hinahatid sa room?" sarkastikong sabi niya. Hindi ako sumagot. Hindi ko din naman kasi alam kung bakit nga ba. Nagbulungan sila. Pinabayaan ko nalan. Wala naman akong mapapala at kapag pinatulan ko ay alam kong lalala lang din. Punasok na ang teacher namin kaya nanahimik sila. Itinuon ko nalang doon sa itinuturo ang atensiyon ko. Malapit na ang finals. Kailangan manatili akong scholar para sa susunod na taon. "Using these formula, you can easily get the Midpoint of a line..." nag-solve ng ilang problem si Ma'am hanggang sa nagpa-quizz siya. Madali lang naman iyon. Mahirap lang i-analyze minsan ng mga word problems pero once kasi na nakuha mo na ay madali nalang. Pagkatapos ng klaseng iyon ay nagpunta na ako sa susunod kong klase hanggang sa mag-lunch break na. Hindi parin nawawala ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Ang hirap talagang mapadikit sa Dela Marcel. Nanguha ako ng pagkain tsaka binayaran at upo sa gilid kung saan walang gaanong makakakita sa akin. "Iyan 'yong sinasabi nila?" "Yeah. Maganda naman pero mukhang inosente" "Anong nakita ni Kris diyan" Kinagat ko ang labi ko at tahimik na kumain. Binibilisan ko nalang dahil ayoko sa mga naririnig ko. Paano nagagawa nang mga artista na gumalaw habang pinag-uusapan sila? Ang hirap kasi at ang pinagkaiba lang namin ay negative comments ang naririnig ko. "Nandito ka lang pala!" mabilis na umangat ang tingin ko. Siryoso ang mukha ni Kris. Butil butil ang pawis sa kaniyang noo. "Bakit?" marahas siyang huminga at umupo sa harap ko. Kinuha niya ang bottled juice na binili ko kanina at uminom Halos maubos na iyon ng ilapag niya. Ngumuso ako. Akin iyon, e. "What's wrong?" tanong ko. Kung wala lang kami sa school ay kanina ko pa siya sininghalan. Ayokong madagdagan ang pagtsitsismisan ng ibang estudyante. "Why? Really? F*ck! Sinabi ko sa'yong sa amin ka sumabay ng lunch break!" inis na sabi nito. Hindi naman ako pumayag! Sinabi ko pa ngang kaya kong kumain mag-isa. "H'wag mo kong mamura-mura! Sinabi kong hindi ako sasabay!" inis kong sambit. Ngumisi siya at umiling. "Hindi kita minumura. Ayaw mo, okay. Dito lang din ako" inirapan ko siya. Bahala siya. May sarili naman siyang isip, hindi ko nga lang alam kung ginagamit niya. Nilagay ko sa isang gilid ang kubyertos. Tapos na ako at nauuhaw na ako. Tinapunan ko ng tingin si Kris. Nakanguso lang ito at nakakibit balikat. Kumaen na kaya siya? Tumayo ako. Napansin kong nilingon niya ako pero hindi ko pinansin. Naglakad ako papuntang counter at muling bumili ng bottled juice bago lumabas. "Saan ka pupunta?" halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Bakit nandito ka? Sabi mo doon ka lang?" taas kilay kong tanong. Nagkibit balikat pa ako pero ngumisi lang siya sa akin. "H'wag ka ngang ngumisi!" nagpapapadyak pa ako sa inis. Hindi ko alam kung bakit ako inis na inis sa ngisi niya! Para kasing walang gagawing tama. "Bakit?" tinaasan niya ako ng kilay. Kinagat niya ang labi niya upang mapigilan siguro ang ngisi pero halata parin kay nakakainis. "Ewan ko sa'yo!" inirapan ko siya at tinalikuran. "Bakit ang sungit mo sa'kin!" "Asha sungit!" Hindi ko pinansin lahat ng pang-asar niya. Hindi ko na napansin kung saan na ako nakarating dahil sa inis sa kaniya. "Asha masungit! Asha masungit!" kinamot ko ang batok ko at hinarap siya. "Hindi ako masungit! Makulit ka kasi! Bakit ka ba sumusunod sa akin! Wala ka bang pasok?" pinamaywangan ko siya. Nagtaas siya ng dalawang kamay pero nanatiling nakangisi. "Wala po. Training ng varsity. Masungit ka" sagot niya. Doon ko lang napansin na hindi nga siya naka-uniform. Puting V-neck, jersey shorts at Jordan shoes ang suot niya. Nag-iwas ako ng tingin. Simple ang suot niya pero ang gwapo niya. Ugh! Hindi na kataka-takang maraming nagkakagusto sa kaniya. "Hindi sabi ako masungit! Bakit ka nandito kung may training kayo!" pinagpapalo ko siya ng bottled juice na hawak ko. Ginagaya niya kasi ang bawat buka ng labi ko at nilalagyan niya pa ng nakakalokong ekspresyon. "Sungit!" ibabato ko na sana ang juice sa kaniya pero sumenyas siya na hindi na niya gagawin. "Ikaw makulit! Ano ba kasing kailangan mo sa akin at parati mo akong inaasar! Hindi naman kita pinapansin!" frustrated kong tanong sa kaniya. Sumiryoso ang mukha niya at umiwas ng tingin. "Iyon nga ang gusto ko" mahina niyang bulong. Ang alin? "Gusto mong naaasar ako? Gusto mo iyon? Ang sama mo naman!" naningkit ang mata ko. Umiling naman siya at laglag ang panga niya sa sinabi ko. "I'm not! Hindi ang maasar ka ang gusto ko!" aniya. E ano? Kung hindi iyon, ano? "Bakit hindi mo nalang sabihin kung anong gusto mo?" para matapos na itong kabaliwan niya. "Ikaw! Gusto ko nga ng atensiyon mo! Gusto ko pinapansin mo ako! Gusto ko hinahanap mo din ako! Gusto ko gusto mo din ako!" nalaglag ang panga ko. Ano daw? Tinitigan ko lang siya hanggang sa mamula ang leeg niya hanggang sa tenga niya. Umiwas siya ng tingin sa akin at ngumuso. "Kaya pansinin mo ako, a. H'wag mo ako i-ignore para di kita kulitin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD