bc

Heartless Jock (Niyari ni Addy #2)

book_age0+
1.1K
FOLLOW
12.3K
READ
dark
possessive
playboy
badboy
drama
Writing Challenge
bxb
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Story of Addy Velasco from Flicker.

Prequel and Sequel.

Scenes are before and after the storyline of Niyari ni Addy Book 1: Flicker

chap-preview
Free preview
S01E01
Regular Season Season 1 Paolo Andrade Napangiti ako nang sa wakas ay makapasok ako sa loob ng St Apollo University bilang isang ganap na estudyante ng paaralang ito. Ngayon ang first day ko sa school at bilang sophomore student ay magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Hindi sa araw na ito nagsimula ang klase kundi noong nakaraang linggo pa pero ngayon pa lamang ako nakapasok dahil kinailangan ko pang ayusin ang mga naiwan kong problema sa dating school na pinapasukan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dahil napakalawak ng school na ito ay nawili ako sa pagtingin sa buong paligid. Sa pagsuri ko sa buong lugar ay hindi ko namalayan na may kasalubong na pala akong grupo ng mga lalaking estudyante. Sa biglaang paglingon ko ay aksidenteng bumangga ang mukha ko sa isang matigas at malapad na dibdib. Mabilis akong napatingala sa may ari ng maskuladong dibdib na iyon. Seryosong mga mata na kasing dilim ng gabi ang sumalubong sa akin. Napatanga ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko alam ang pangalan ng lalaking kaharap ko ngayon pero madalas ko siyang nakikita noon na naglalaro ng basketball at football sa school na pinapasukan ko sa tuwing magkakaroon ng event ang mga schools. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatitig lang siya sa akin na tila ba pinag-aaralan niya ako mula ulo hanggang paa. Maputi ang lalaking ito at hindi maikakaila na napakagwapo niya. Patunay na dito ang mga hindi mapigilang tili ng mga babae noon sa tuwing makakashoot siya ng bola sa ring. Madalas banggitin noon ng mga kaklase kong babae ang pangalan niya ngunit dahil wala naman akong interes sa kanya ay hindi rumehistro sa utak ko ang pangalan niya. "Uh.. Uhmm.. Sorry!" paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "It's okay!" tipid na sagot niya na sinabayan din niya ng isang tipid na ngiti na hindi ko matukoy kung ngiti nga ba na matatawag iyon bago siya nagpatuloy sa paglalakad. "Gosh ang gwapo talaga ni Rave. Nakita mo ba yun? Nakakunot na ang ang noo niya pero mas lalo lang siyang naging cute pagmasdan." kinikilig na sabi ng isa sa dalawang babae na nakaupo sa isang bench malapit sa kinatatayuan ko. "Kaya lang may etchuserang nagpapacute na bumangga pa talaga sa kanya." dagdag pa niya kasabay ng biglang pagtigas ng anyo nilang dalawa habang nakatingin sila ng masama sa akin. "Mas maiinis ako sa kanya kapag si Addy ang nilapitan niya. Baka makasabunot ako ng bakla ng wala sa oras." sagot naman ng isa pa. Hindi ko na lang sila pinansin at mabilis na akong naglakad palayo sa lugar na iyon. Rave Arenas! Tama siya nga si Rave Jensen Arenas ang MVP ng La Consolacion High noon. Silang dalawa ni Adonis Velasco o mas kilala sa pangalan na Addy, ang lalaking nakabangga rin sa akin noon sa hallway na naging dahilan kung bakit natapon ang mga dala kong turon na ibebenta na dapat namin dahil hinahabol siya ng grupo nina Aaron. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may building ng classroom ko. Naglalakad na ako sa may hallway nang mapadaan ako sa isang bakanteng silid at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nasa loob ang isang magandang babae habang nakikipaghalikan siya sa lalaking kasama niya. Napasulyap ako sa lalaki at mas nanlaki pa ang mga mata ko nang makilala ko siya. Napalunok ako nang makita ko kung gaano ka-eksperto ang paggalaw ng mga labi niya habang patuloy siya sa paghalik sa babae. Ilang sandali pa ay naghiwalay na sila at sakto naman na napasulyap sa akin ang lalaki. Mabilis kong naitaas ang kamay ko upang ayusin ang salamin ko saka ako natataranta na naglakad na palayo sa classroom na iyon. Nararamdaman ko pa ang matinding kaba sa dibdib ko habang mabibilis ang mga hakbang ko na naglalakad sa hallway. Hindi ako maaaring magkamali. Si Adonis Velasco ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Marahil ay dahil nahuli niya ako na naninilip sa kanila. Dahil sa kakamadali ko ay hindi ko namalayan na nalampasan ko na ang classroom na dapat ay papasukan ko. Mabuti na lamang at hindi pa ako nakakalayo nang mapansin ko sa registration paper ko ang room number. Magulo ang mga estudyante sa classroom nang pumasok ako doon. Nakakita ako ng bakanteng upuan sa may bandang harapan pero mabilis na inilagay ng babaeng naroon ang bag niya kaya wala na akong nagawa kung hindi maghanap ng ibang mauupuan. Sa may likurang bahagi ay kinawayan ako ng isang lalaki na sa tingin ko ay bading rin saka niya itinuro ang upuan sa tabi niya. Naglakad naman ako doon saka na ako umupo sa itinuro niyang upuan. "Hi!" malambing na bati niya. "New student ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita. I'm Levi." pakilala niya sa sarili niya saka niya iniumang ang kamay niya. Ngumiti naman ako ng tipid saka ko iyon tinanggap. "Paolo." sabi ko. "First day ko ngayon." dagdag ko pa. Nakita ko ang pagpasok sa classroom ng babaeng kahalikan ni Addy kanina saka siya naglakad patungo sa bakanteng upuan na uupuan ko sana kanina. Masaya niyang binati ang isa pang babae na kasalukuyang inaalis ang bag na inilagay niya kanina. "Gosh, Lizzy may ikukwento ako sayo." tila excited na sabi niya. Sa kanila na rin nakatingin noon si Levi na sinulyapan ko sandali bago ko ibinalik sa dalawang babae ang tingin ko. "Hinalikan ako ni Addy. Grabe napakasarap ng mga lips niya. Hindi ko na nga gustong pakawalan kanina. Gosh! Para akong nasa heaven kung nakita mo lang kami kanina." kinikilig na kwento niya. Narinig ko naman na pumalatak si Levi na ikinalingon ko sa kanya. Sumulyap din siya sa akin saka siya napailing. "Arte mo girl. Feeling girlfriend? Samantalang fling ka lang naman ni Addy." nakataas ang kilay na sabi niya. Inirapan naman siya ng babae saka siya nito sinagot. "Tse! Inggit ka lang. Kasi bakla ka. Hindi ka papansinin ni Addy." nakataas din ang kilay na sabi ng babae saka sila nagtawanan ng kasama niya. "Atleast hindi pa ako laspag na kagaya mo." ganti naman ni Levi na lalong ikinainis ng babae. Sasagot pa sana ito pero bigla nang dumating ang professor namin at nagsimula na siyang magklase. Sinulyapan pa ng babae ng nakamamatay na tingin si Levi bago siya bumaling sa harapan. Mabilis na natapos ang unang dalawang subject namin at tahimik lamang ako na nakinig sa introduction ng prof namin. Hindi naman ako nainip dahil kinakausap ako ni Levi pati na rin ang isa pa naming kaklase na babae. Nagpasya kami ni Levi kasama ni Jia na magtungo sa school cafeteria para sa vacant namin. Marami na ang tao doon nang makapasok kami. Bumili lamang ako ng biscuit at tubig dahil nagtitipid ako. Hindi pa kasi araw ng sahod sa part time job na pinapasukan ko. Naawa naman sa akin si Levi kaya kahit na nagpipilit ako na tumanggi ay binilhan pa rin niya ako ng pasta. Wala rin akong nagawa kung hindi ang kainin na lamang iyon kasama ng dalawang bagong kaibigan ko. Hindi ako masyadong nagsasalita pero dahil natural na yata sa dalawa ang kadaldalan ay hindi kami naubusan ng pinag-uusapan. Katulad ko ay mahirap lang din sina Jia samantalang si Levi ay mayaman pala ang pamilya. Kasalukuyan pa rin kaming kumakain nang bigla na lamang nagtilian ang mga babae sa kabilang mesa na nakaagaw sa atensyon ko. Sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinitingnan nila at mula sa entrance ng cafeteria ay nakita ko sina Addy at Rave kasama ang tatlo pang lalaki na naglalakad patungo sa counter. Gwapo si Addy. Hindi iyon maipagkakaila. Nakadagdag pa sa looks niya ang maangas niyang dating samantalang si Rave naman ay kabaligtaran ni Addy kung physical features ang pagbabasehan. Kung kayumanggi ang balat ni Addy, maputi naman si Rave at mapapansin sa kutis niya ang bahagyang pamumula ng balat niya dahil galing sila sa initan. Napasulyap pa si Addy sa gawi namin at nagtama ang mga tingin namin. Nakita ko pa ang bahagyang pagtaas ng sulok ng kanyang labi dahilan upang makadama ako ng bahagyang pagkailang. Mabilis akong nagbawi ng tingin saka ko na inikot sa tinidor na hawak ko ang pasta na kinakain ko. "Pumasok na ang mga campus jocks. Hay, sana mapansin ako ng kahit isa man lang sa kanila." kinikilig na sambit ni Jia. Napasuyap naman ako sa kanya at kita sa mga mata niya ang labis na paghanga sa mga heartrob ng school. "Bakit naman?" usisa ko. "Pangarap ng halos lahat ng kababaihan dito sa campus ang mapansin ng grupo na iyan." sagot ni Jia. "Napakasarap talaga ni Rave. Sana naging babae na lang ako para magkaroon man lang ako ng chance na mapansin niya." bulong naman ni Levi habang pinagmamasdan ang gwapong lalaki na nasa counter na ngayon. "Sana ako kahit si Addy na lang." tila nananaginip na segunda pa ni Jia. Tumingin ako sa gawi ng mga lalaki na umagaw ng pansin ng lahat at nakita ko ang paglingon ni Rave. Nagtama ang mga mata namin ngunit kaagad din naman iyong nalihis mula sa akin. Napakagwapo ni Rave sa suot niya at talaga namang bumagay sa kutis niya ang itsura niya. Naagaw pa ng malalim na dimples niya ang atensyon ko nang ngumiti ito sa sinabi ng isa sa mga kasama nila. Muli na naman akong sinulyapan ni Addy saka na siya tuluyan na napangisi habang naglalakad sila patungo sa isang bakanteng mesa. Matapos ang vacant namin ay nagtungo na kami sa susunod na klase namin. Mabilis din namang natapos ang klase namin. Nagyaya pa na gumala si Levi. Dala raw niya ang sasakyan niya kaya kahit saan namin gustong pumunta ay pwede kami. Ngunit may pasok ako sa trabaho at hindi ko masyadong hilig ang mga ganung bagay. Kailangan kong magdoble sikap lalo na ngayon na ako na rin ang tumatayong breadwinner ng pamilya. Kaya kahit na anong maaari kong pagkakitaan ay hindi ko palalampasin. Naglalakad na ako palabas ng campus. Nauna na sina Jia at Levi sa kotse. Malapit na ako sa may main gate nang mapahinto ako dahil nakasalubong ko si Addy kasama ang isa niyang kaibigan. Nakangiti siya ng makahulugan habang nakatitig siya sa akin at pareho silang nakahinto at hindi gumagalaw. Nagulat pa ako nang bigla na lamang niyang itaas ang kamay niya sabay turo niya sa akin gamit ang hintuturo niya. "Hoy ikaw, halika dito." maangas na utos siya sa akin na ikinagulat ko. Napakurap ako dahil hindi ako makapaniwala na kinakausap niya ako ngayon. Mabilis akong naglakad na palabas at sinubukan ko silang lagpasan ngunit nang mapadaan na ako sa tapat nila ay mahigpit na hinawakan ni Addy ang braso ko na ikinasinghap ko sabay sulyap sa gwapong mukha niya. Muli ay madidilim na mga mata ang matiim na nakatitig sa akin. "Kinakausap kita hindi ba? Bakit mo ako nilalagpasan? Hindi ko ba ako kilala ha?" maangas na sabi niya kasunod ng paghila niya sa braso ko palapit sa kanya. "Akala mo ba hindi kita natatandaan? Ikaw yung naninilip sa amin kanina ni Roan diba?" sabi niya na nagpabilis sa t***k ng dibdib ko. Holyshit! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

NINONG III

read
416.9K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook