5

692 Words
"Good morning Boss!!" Masayang bati ko ng makita ang pagdating niya. Sinadya ko talagang agahan ngayon para mabawasan ang ikagagalit niya sakin kahit papaano, pansin ko lang kasi parang malaki talaga galit niya sakin eh. Hindi ko naman inaano. Nag taka ako ng biglang nandilim ang mukha niya ng makita ang itsura ko. Kitams! Itsura ko malang nanga-ngasim na itsura siya!  "Diba sabi ko ang skirt mo dapat 2 inch below the knee?" Mahinahong tanong ni Boss pero ang mga mata ay nag babaga sa galit *pout* "Ehh boss, wala akong perang pambili ng bago eh!" Sagot ko habang nag kakamot ng ulo, nag-titiis na ngalang ako sa kwek-kwek at fishball tapos bibili pa ako ng damit. "Kaninong damit ba yan?!" Inis na baling niya sakin "Sa nakababatang kapatid ko po boss! Eto kasi sinuot niya nung may isang competition siya sa school, di na din naman niya ginagamit kaya ako nalang gumamit magka size lang naman kami eh!" Sadya kasing blessed masyado ang kapatid kong si Cindi, kahit 14 palang ay pareho na ang height naming dalawa kung kaya minsan hinihiram ko nalang damit niya. Take note, sa kaniya pa ako nanghihiram, alam mo na pag bunso, Favorite. Napatampal naman si Boss ng noo dahil sa sinabi ko. "Mabuti nalang talaga at nag dala na ako, oh suotin mo!" Sabay hagis ng paper bag na dala niya. Napangiwi ako ng sapul iyon sa mukha ko. "SAKIN NALANG TO BOSS?!" nan-lalaki ang matang tanong ko habang nakatingin sa hawak ko, Inamoy kopa iyon. Gara naman ni Boss! Papel palang ng paper bag makapal na, mukhang mahal! Tapos ang bango pa!halatang di galing sa sm department store lang! "Tss yes" sagot ni boss at pumasok na sa office niya. Mas lalo namang lumapad ang ngiti ko habang nakasunod sa likuran niyang tinabunan na ng pinto. Mabait din naman pala si Boss no?! Diba?! Diba?! Excited akong pumunta sa restroom at sinuot ang binigay ni Boss, pero agad ding napabusangot nang mapag tanto ang itsura ko sa damit. “Ano to joke?” kunot noong isip ko habang nakatingin ako sa sarili ko sa salamin. Mabilis akong tumalikod nang may pumasok akong ka office mate sa loob ng restroom. “Condolence sis” rinig kong sabi ng kung sino. Kunot noong nilingon ko ito at nakita ang isang babaeng worried na nakatingin sakin. “Ha?” takang tanong ko. Napapisik at agad akong kinilabutan nang himasin niya bigla ang balikat ko “Condolence” ulit niya sa sinabi niya. Abat! Buhay pa nga ang pamilya ko papatayin na ng babaeng to! “Hindi ako namatayan!” angal ko. Mukha naman siyang nagulat at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ay sorry” napahiyang sabi niya at lumabas nalang ulit. Napasampal naman ako ng noo ng ma realize ko ang nangyari. Mabilis na nagmartsa ako pabalik sa opisina ni Boss at nakita siyang busy sa ginagwa. "BOSS! ANONG AKALA MO SAKIN LOLA?!"  Agad na nag angat si Boss ng marinig ang boses ko at tumikwas ang isang gilid ng labi "Bagay naman sayo ah! Para kang..." "ANO BOSS?! MUKHANG MANANG NA NAMATAYAN?! BOSS NAMAN! HINDI AKO SI MARIA CLARA PARA PASUOTIN MO NG DAMIT NA LONG SLEEVE, HANGGANG TALAMPAKAN ANG HABA!!" Kinabahan ako ng padabog na tumayo si Boss mula sa kinauupuan niya at tiningnan ako ng masama "Kinikwestyon mo ba ang desisyon ko Ms. Estrada?!" Agad akong napailing ng makita galit na si Boss Totoo naman kasi eh! Ang liit ko na nga! Tapos pasusuotin pa niya ako ng damit na hanggang talampakan sa haba?! ang dumi na tuloy ng dulo dahil sa sobrang pandak ko. Dahil lang sa 3inch above the knee ang skirt ko? Aside sa wala na talaga akong damit, sinadya ko naman talaga yun kasi para hindi ako magmukhang bata at pandak! "Good, subuka mo lang magpalit ng damit i'll fire you immediately" sabi ni Boss at niyuko na ulit ang trabaho niya Binelatan ko muna si Boss at tatalikod na sana nang  "I SAW THAT MS.ESTRADA"  agad akong napatakbo palabas ng office ni Boss dahil sa sigaw niya. Tsk High Blood talaga si Boss lagi, pinag lihi ata ng nanay niya sa sama ng loob -_- -- ✘ R E A D ✘ ✘ H E A R T ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD