4

433 Words
Lawit ang dilang naka balik ako sa building at hindi lang halos, kundi lahat ng taong nadadaanan ko sa office ay napapatingin sakin Pano ba naman! Pudpod na ang stockings ko kakatakbo tapos hawak ko sa kabilang kamay ko ang sapatos ko sa kabila naman ay ang Coffee ni boss. Sobrang init pa naman sa labas at wala akong dalang payong kaya paniguradong namamasa na ang kili-kili ko sa pawis. Walang katok katok na pumasok ako sa office ni boss "b-boss e-eto na p-pinabili mo" putol putol na sabi ko habang hinahabol ang paghinga Hindi man lang siya nag angat ng tingin "lagay mo lang diyan" utos niya sakin sakto namang pag lapit ko sakanya ay ang pag tunog ng tiyan ko kaya nakuha ko ang atensyon ni Boss "What the hell happened to you?!" Gulat na sigaw niya ng makita ang itsura kong sabog ang buhok at gusot-gusot ang damit. Napangiwi siya nang makita ang sobrang dumi ko nang paa. "IKAW BA NAMAN BOSS! LAKAD TAKBO ANG 1 KILOMETRO PAPUNTA TAPOS ANOTHER 1 NA KILOMETRO PABALIK EQUALS TO 2 KILOMETERS, KAYA NIYO PA BANG MAGING MAGANDA?!" Dumilim naman ang anyo ni sir sa pag sigaw ko sakanya T^T  "Dont you dare raise your voice at me Ms. Etrada" Yumuko naman ako at humingi ng paumanhin "And it wasnt my fault that you were stupid enough to believe me when i told you to walk!” Napapalatak naman ako "eh sabi mo sir dapat kong sundin lahat ng sinabi mo?!" napamewang na sabi ko. Sasagot ka pa sana ulit si sir ng bigla ulit tumunog ang tiyan ko kaya napahawak ako dito, nakalimutan kong hindi pa pala ako nakakain simula ng dinner kagabi. Sarado na kasi sila Aling Tinay kaya di na ako naka bili ng kwek-kwek at fish ball. Ubos narin ang itlog na ninakaw ko sa nangitlog na manok ni Mang Kanor. "Are you hungry?" Nag paawang tumingin naman ako kay Boss "Oo boss! Gutom na gutom na ako! Hindi pa ako nakakain ng dinner, breakfast at lunch" Malay natin baka tinanong ako ni Boss para bigyan niya ako ng pagkain ! Or di kaya I libre at pakainin ako :D "Oh" sabi ni Boss sabay tingin sa relo niya Yun lang oh lang?! "Hintayin mo nalang ang Lunch Break malapit na lang din naman " parang gusto ko tuloy abutin ang pinakamalapit na bagay na maaabot ko at ibato sa kaharap ko. Nangi-ngitngit na tumalikod nalamang ako at mabigat ang paang umalis na. GUTOM NA AKO EHHH! TAS WALA PA AKONG PERA HUHU. ANG GANDA KO NAMANG PULUBI. -- ✘ R E A D ✘ ✘ H E A R T ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD