3

562 Words
"I said formal office uniform Miss Estrada, sa office ka pupunta hindi sa club!" Napatalon ako ng marinig ang boses ni Boss sa likod ko Paano ba naman nag aayos ako ng mga gamit dito tapos biglang may mag sasalita sa likod mo, hindi lang pala salita kundi bulyaw, try niyo kung di kayo magugulat Napahawak muna ako sa dibdib ko at huminga ng malalalim para pakalmahin ang sarili bago tiningnan ang suot ko "ayos naman po itong damit ko boss ah!" Ni head to foot muna niya ako bago sumagot "ang formal office wear dapat yung skirt 2-inch below the knee hindi 3 inch above the knee! Mukha kang Senior na kumakain ng kiddie meal! At ano ba yan? Di ka ba marunong kung ano size mo?" "Alam po boss!" "Ehh bakit sobrang sikip niyang damit mo?!" "Tama lang po tong size ko! Saka hindi to masikip boss! Saka maganda kaya! Na eemphasize ang curves ko!" Sabay flex ng bewang kong maliit. Syempre sagana sa kwek-kwek at fish ball lang eh. Di bale pag nakasahod ako magpapa cornbeef talaga ako.   Tiningnan naman akoni boss na para ba akong tinubuan ng 3 ulo. "I expect you wearing the EXACT uniform tommorow Ms. Etrada" at dinuro pa ako bago tumalikod na sakin si Boss *pout* meron ata si Boss Bumalik na lamang ako sa trabaho tutal na introduce na din naman sakin ng isang nag tratrabaho dito yung trabaho ko dapat, kanina habang di pa dumadating si Boss Maya maya ay nag ring ang katabi kong phone kaya agad ko itong sinagot "Good Morning Nicky Estrada secretary of Primce Iago, President of Iago Manufacturing services, It's 9:32 in the morning and now im talking to you, please state how can i help you?" "WHAT THE HELL?!" Muntik ko ng mabitawan ang phone ng marinig ang bulyaw ni Boss sa telepono. Kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine kona ang nanlalaking butas ng ilong niya sa boses niya palang. "Ay boss! Ikaw pala! Bakit ka pa po tumawag? Andito lang naman ako sa labas ng office mo eh!" "Inuutusan mo ba ako Ms. Estrada?!" Umiling iling naman ako na para bang nakikita niya ang ginagawa ko "Hindi po boss, nag sasabi lang po ng totoo, sayang kasi ang load" Narinig ko namang bumuntong hininga si Boss sa kabilang linya "come inside the office now" "Ok Boss!" Dali dali ko namang binaba ang Telepono at umalis na para pumasok sa Office ni Boss "Buy me a coffe in Starbucks just say my name and they know the order, eto ang pera" Inabot ko naman ang perang binigay ni Boss at binilang "Boss kulang po"  Nag angat naman siya ng tingin mula sa ginagawa niya at kinunotan ako ng noo "Bakit kulang?!" Bakas ang inis sa boses niya. Napangiwi naman ako. May temper issues talaga tong si Boss, di marunong mag salita nang di naninigaw "Ohh chill boss! Hihingi lang ako ng dagdag para sa pamasahe ko" "Wala, lakarin mo nalang malapit lang naman" yun lang at binalik niya na ulit ang attention sa trabaho niya Nag make face muna ako bago lumabas tssss kainis ! Bago ako lumabas ng Building ay nag tanong muna ako sa guard kung saan ang pinakamalapit na Sb dito "Ay ineng isang kilometro pa ang layo nun!" Wow! Nahiya ang 1 kilometro sa malapit na sinasabi ni Boss. So sino mag-aadjust yung malapit or yung starbucks?  -- ✘ R E A D ✘ ✘ H E A R T ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD