"HI! I'm Fergus, and you are?" ang bungad ni Fergus sa batang babae na matagal na niyang pinagmamasdan. Sa palagay niya, mga labing limang taong gulang na ito. Ito ay nakaupo sa isang tabi na tila ayaw makihalubilo sa ibang mga bata. Mayroon itong mga natatanging kulot kulot na buhok na tila ba ito pinakamagandang nakita ni Fergus sa buong buhay niya.
Napatigil ng batang babae sa panonood sa mga batang naglalaro at tumaas ang kilay na tinapunan siya ng tingin. Tila ba may kasamang pagtataka ang mukha nito.
"Hindi ako nakikipag-usap sa mga hindi ko kilala. At may kasama ako, hindi lang siya dumating," mariing tanggi ng batang babae, kasabay ng isang pag-irap.
Hindi napigilan ni Fergus ang ngumiti. May angas pala itong batang ito. Sa una'y akala niya ay nahihiya lamang ito sa ibang mga bata.
"Ah, may kasama ka pala."
"Will you stop, please? Hindi ko sinabi na gusto kong makipagkaibigan sa iyo," mariing sabi ni Bithia.
"Kaya nga ako nandito, para
makipagkaibigan. So, friends na ba tayo?" sabay abot ni Fergus ng kanyang kamay.
Mariin itong umiling ang batang babae at nanatiling nakatalikod. "We will never be friends," sabay layas nito nang walang paalam.
First time niyang maka-encounter ng ganoong klaseng babae. Wala man lang siyang kadating-dating sa dalagang iyon. Nawawala na ba ang kanyang appeal? Mapabata o matanda ay halos gustong kuhanin ang atensyon niya. Halos magkandarapa rin silang pansinin niya.
Napapakamot na lamang ng ulo si Fergus. Habang nakatanaw sa babaeng papalayo.
Fergus Scot Avis, haft American, haft pinoy. Ang kanyang ama ay taga-US Navy na nagbakasyon sa bansa. Doon sila nagkakilala ng kanyang ina. Ang akala ng kanyang mama ay naka-jackpot ito sa kanyang amang Kano. Iyon pala ay mayroong ibang pamilya sa America. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil ayaw na ng Mama niyang maalala pa ang masasakit na nangyari noon.
Umuwi ng bahay nila si Fergus. 'Di na naman niya naabutan ang ina. Palagi itong umaalis at hindi niya alam kung saan pumupunta. Ayaw niyang pakialam ang ginagawa ng sariling ina. Hinahayaan na lamang niya. Mula pa noong bata siya, ganoon na ang takbo ng buhay nila. Ang ina niya ay laging umaalis, at pagbalik nito ay puno ng dala. Wala siyang ideya sa trabaho ng kanyang ina, pero alam niyang ito'y hindi galing sa malinis trabaho, ayon sa mga kuwento ng mga kapitbahay.
Hindi nakita ng mga mata ni Fergus ang marumi at mapanganib na trabaho ng kanyang ina. Hindi rin niya nakilala ang tunay na ama. Ipinagbuntis daw ito ng ina, pero iniwan siya nang hindi pa isinilang. Wala siyang planong tanungin ang kanyang ina tungkol dito. May alam pa naman siya tungkol sa tunay niyang ama, iyon lamang ay limitado lang. Hindi niya ito minsa'y kinulit tungkol sa ama niya. Para sa kanya, hindi na mahalaga kung nasaan ang lalaking iyon o kung bakit ito umalis.
Humiga siya sa kama niya. Hindi na siya nakapagpalit ng damit at napangiti. Nang maalala ang maamong mukha ng batang babae kanina.
Sa eskwelahan, maaga si Bithia pumasok. Kasama niya si Mary habang nagdadaldalan sa canteen.
Isang lalaki ang nahagip ng mata niya na lumapit sa kanila. Tumaas ang kilay niya nang mapagsino ang lalaking iyon. Akalain mong pareho pa sila ng school.
"Hi. Baka puwedeng makiupo," nakangiting tanong ni Fergus na ang mata ay nakatuon kay Bithia.
"Bithia, sino siya?" sikong tanong naman ni Mary sa kanya. Agad na tinapunan ng masamang tingin ni Bithia ang kaibigan.
"Bithia pala ang pangalan mo. Ngayon alam ko na. Sa kabila na lang pala ako, sa ang mga kaibigan ko. Nice to meet you, Bithia," maagap na sabi ni Fergus. Matamis ang ngiti nito bago ito umalis, naiwan na tila nagtataka si Bithia.
May nakakalokong ngiti si Mary Kay Bithia na iripan lang niya. "Hindi ko siya kilala. Nakipagkilala lang kahapon, 'di mo kasi ako sinipot kahapon. Para akong tanga na naghihintay sayo."
"Sorry na. May iniutos kasi si nanay sa akin. Kaya hindi ako nakapunta. Pero guwapo siya. Crush ka ba niya?"
Napaismid si Bithia. "Huh? Wala akong pakialam sa kanya. Saka hindi siya guwapo para sa akin. Ang yababg kaya niya."
Bithia rolled her eyes. Palihim na tinitigan niya si Fergus. Matagal siyang naka-focus sa kanya habang ito'y malakas na nagtatawanan kasama ang mga kaibigan.
Uwian na at mag-isa lang na naglalakad si Bithia. Naramdaman niyang mayroong sumabay sa kanya. Dahan-dahan pa niyang nilingon iyon.
Matamis ang ngiti nito sa kanya at kumaway pa.
"Hi, Bithia. Remember me?" ang sabi ng lalaki na may ngiti sa mukha.
Hindi niya pinansin si Fergus at malalaki ang hakbang na naglakad. Iniwan si Fergus.
Naiwan si Fergus na nagmamasid sa paglalakad ni Bithia. Tila ba ito galit o hindi nasisiyahan sa kanyang presensya. Nang makitang palayo na si Bithia ay hinabol niya ito.
"Bithia! Sandali lang," hinihingal na tawag niya.
Napatigil si Bithia at nakahalukipkip na humarap kay Fergus. "Bakit ba? At bakit ka ba sunod nang sunod?" mataray niyang mga tanong.
"Gusto ko lang naman sumabay. Huwag ka nang magalit, pumapangit ka tuloy," sagot ni Fergus na may ngiti.
Naalibadbaran lalo si Bithia nang makita ang malawak na ngiti ni Fergus. At may halong pagkainis sa presensya ng binata.
"Puwede ba, lubayan mo ako! Sinira mo na ang buong araw ko. Hala, stupee!" sigaw ni Bithia, saka siya agad na talikod muli sa binata.
Napapakamot na lamang si Fergus sa kanyang ulo. "Bakit ba galit na galit siya sa akin?" tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Bithia na nagmamadaling umalis sa harapan niya.
Naghanap si Bithia ng magandang pagkakakubli. Nadaanan niya ang isang pasilyo at doon agad nagtago. "Ano bang kailangan niya at sinusundan niya ako?" nagtatakang tanong niya sa sarili habang patuloy nakasandal sa pader, hingal na hingal.
Sa araw-araw na pagpasok niya sa eskwelahan, lagi siyang kinukulit ni Fergus. Hindi niya maunawaan ang tunay na motibo nito at kinukulit siya palagi. Gayunpaman, pinipilit niyang ignoruhin ang binata para hindi masira ang kanyang araw.
Kagaya ngayon...
"Bithia, I bring snacks for you. Baka nagugutom ka na," sabay abot ng burger at cola sa dalaga.
"No, thanks. Hindi ako nagugutom."
Nakaramdam ng lungkot si Fergus nang tinanggihan ni Bithia ang pagkain na ibinibigay niya. Isiniksik na lamang niya ang kanyang mga kamay sa bulsa at umalis sa harapan ng dalaga.
Nakonsensiya naman si Bithia habang tinitingnan ang binata na lumalakad palayo. Napabuntong hininga siya at pumasok sa loob ng kanilang classroom.
Palabas na si Bithia ng gate ng eskwelahan. Nakakailang hakbang na siya nang walang makitang Fergus na nangulit sa kanya. Napakibit-balikat siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Mommy, I'm home!" tawag ni Bithia sa kanyang mommy nang makauwi siya sa kanilang bahay.
Lumabas si Dana mula sa kusina na may hawak na isang cupcake, mukhang kakabake lang nito.
"Hi, Hija." Matamis na bati ni Dana at hinalikan sa pisngi ang anak. "Taste this, my newly baked cheesecake."
Kinuha iyon ni Bithia mula sa ina at dinala niya sa kanyang bibig, tinikman niya. Napapikit pa siya sa sobrang sarap. "Mommy, ang sarap po."
"Really? Marami akong binake. Ibaon mo bukas sa school. Bigyan mo si Mary."
"Thanks, mom. You're the best. Punta na po ako sa room ko. Maggawa lang po ako ng assignments ko."
Hinalikan lang ni Bithia ang ina sa pisngi at iniwan na niya ito para pumunta sa kanyang kwarto.
Nailapat niya ang likod sa kanyang kama. Ginugulo ni Fergus ang isipan niya dahil sa huling engkwentro nilang dal'wa. Kaya hindi na siya kinulit ng binata kaninang uwian. Pumasok tuloy sa isipan niya ang ginagawa nito sa mga oras na ito. Napailing siya.
"Alisin mo na si Fergus sa utak mo. Hindi siya magandang impluwensya sayo. Dapat nga'y magpasalamat ka at wala ng asungot sa school," malumanay niyang isinasaad sa sarili.
Siya si Bithia Joy Bellamy, nag-iisang anak ng mayamang pamilya at masasabing wala siyang kulang sa buhay. Ang kanyang ama na si Brennan Bellamy ay kilalang negosyante sa bansa. Mayroon silang mga pagawaan ng tela sa iba't ibang panig ng bansa. Ang kanyang ina na si Dana Bellamy naman ay isang simpleng may-bahay lamang. Nag-aasikaso at nag-aalaga sa kanilang mag-ama.
Wala ng mahihilingin si Bithia kundi ang maging buo pa rin ang pamilya nila.
"Bithia, anak. Andito na ang daddy mo," mahinang katok ni Dana sa pinto ng kuwarto nito.
Nagmamadaling bumaba ng kanyang kama si Bithia. Nang marinig ang sinabi ng ina. Isang linggo rin na wala ang ama dahil sa kabilaan na business meetings abroad.
"Talaga po, Mi?" Nakangiting tumango ang mommy niya sa kanya. Mabilis la sa alas kuwatro na tumakbo si Bithia. Excited na siyang makita ang ama at sobrang miss na miss na niya.
"Dahan-dahan lang, anak. Baka madapa ka," saway ni Dana at napapailing ng ulo.
"Sorry, mommy." Nilingon niya ang ina na nakasunod din sa kanya pababa sa hagdan.
Sa baba palang ay kita na niya ang ama na nakaupo sa couch. Malawak na napangiti si Bithia. May katabi itong lalaki na 'di niya maaninag ang mukha.
"Daddy!" Malakas na sigaw niya para makuha niya ang atensyon ng ama.