NASA kama na siya kasama si Bithia, ngunit iniisip pa rin niya ang kanilang usapan ni Fergus buong maghapon. Mahirap paniwalaan na handa ang binata na maghintay sa kanya at magbigay ng pangako na babalik. Nang dumating ang umaga, nagising siya at nanatiling nakahiga. Tamad pa siyang bumangon. Wala siyang pasok sa eskwelahan, at ngayon nga'y ang araw ng pag alis ni Fergus papuntang America. Mahirap ang mag isa. Napakalungkot na nasa isang malaking bahay nga siya. Wala naman siyang kasama maliban kay Manay at isang driver. Hindi rin tumatawag sa kanya ang kanyang daddy gaya ng ipinangako nito bago ito umalis patungong America. Ni kumustahin man siya ay hindi na nito ginawa. Napilitan din siyang tumayo. Naisip niyang kesa maburyong siya sa bahay nila, kung puwede naman siyang lumabas kasam

