GABI nang ihatid ni Fergus si Bithia. Tahimik lang ang dalaga habang nasa tabi ng binata. Nilingon ni Fergus ito nang itigil niya sa tapat ng gate ang kotse. "So, pano? This is the last time na magkikita tayong dalawa. Siguro naman matatahimik ka na, wala ng gugulo sa'yo. Wala nang mangungulit at mang aasar," sabi ni Fergus. Parang may sama ng loob ang tono ng pananalita nito. "Salamat. Kasi titigilan mo na ako. 'Di ako nababagay sayo, ang isang katulad mo ay dapat lang sa maganda. At 'di sa isang katulad ko na mataba." Napabuntong hininga ang binata. "Where did that come from? Bithia, hindi mo ba nakikita? Bakit ako mag aaksaya ng panahon sayo? And how do I need to tell you that I like you so much? Wala akong pakialam sa itsura mo o kung sino ka pa man. Ang sa akin ay kung sino ang g

