8

1672 Words

"MAUPO ka na muna. Ipagluluto kita. What do you like to eat?" masiglang tanong ni Fergus. Inilinga ni Bithia ang mata sa kabuuan ng kubo. Kompleto sa gamit, may kuwarto at may maliit na TV sa sala. Napabaling siya sa binata. Ang lawak pa rin ng ngiti nito. Masayang masaya na pumayag siyang kahit isang araw ay iparamdam niyang gusto niya ito. "I-Ikaw na ang bahala. 'Di naman ako pihikan sa pagkain." "Alright. Ako na ang bahala. And I hope you will like it. First time ko itong gagawin sa isang babae. Si Mama lang ang nilulutuan ko," sabi nito na napatitig kay Bithia. Saka tumalikod dito at pumunta sa kusina. Nagulat siya. Totoo bang first time nitong paglulutuan ang isang babae? Girlfriend nito si Nina, ibig sabihin ba niyon ay hindi pa rin siya nakakatikim ng luto ni Fergus? Ang nasa i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD