INAAYOS ni Bithia ang sarili habang nasa harapan siya ng library. Huminga muna siya ng malalim saka mahinang kumatok sa pinto.
"Come in," narinig niyang sigaw ng ama. Kaya pinihit niya ang seradura para mabuksan ang pinto.
Nabugaran niya ang ama na nasa kanyang swivel chair. Ang kanyang madrasta ay nakaupo sa sopa.
Naglakad siya papalapit sa Daddy niya. Isinenyas nito ang upuan na nasa harapan nito. Naupo siya na mataman na nakatingin sa ama.
Ibang iba na ang sariling ama. Ang dati na mahinahon at mapagmahal ay napalitan ng aburido at palaging galit sa kanya. 'Di na siya magtataka, hangga't nasa tabi nito ang madrasta niya ay hindi na magiging maganda ang trato nito sa kanya.
"We're leaving tomorrow, Bithia. Me and your Tita Freya. Siguro'y alam mo na buntis ang tita mo. Medyo maselan ang pagbubuntis niya. And I don't want to take risks. Kailangan niya ng magaling na doktor at nurse. At napagpasyahan ko na r'on na muna kami. Habang ipinagbubuntis niya ang kapatid mo. Aasikasuhin din namin ang pag aaral ng stepbrother mo sa America. He will come with us also," mahabang litanya ni Brennan.
"You mean, iiwan n'yo ako rito na mag isa? Bakit naman po pati kayo ay iiwan ako? Iniwan na nga po ako ng Mommy ko. Tapos ngayon binabalewala n'yo na ako."
It's so unfair. Ang bastardong stepbrother niya ay mag aaral sa America. Samantalang siya ay mag isa sa bansa. Pakiramdam niya hindi na siya anak ng Daddy niya. Wala na itong pakialam sa kanya.
"Makakasama mo si Manay sa bahay. Siya ang mag aasikaso sayo, Bithia. I should be there with your Tita Freya. Hindi ko puwedeng pabayaan ang mag ina ko. Isa pa, naayos ko na ang gusot mo sa school niyo. At makaka-graduate ka. Ipapadala ko sayo ang lahat ng mga pangangailangan mo," paliwanag ng ama.
Gan'on na lang 'yon. Sapat na lang na magpadala ng pera ang Daddy niya. Parang bagay na iniwan na lang siya, babalikan 'pag gusto ng balikan.
Paano siya mabubuhay ng mag isa sa bahay nila? At pawang katulong lang ang kasama. Kung nasa tabi lang niya ang ina ay hindi niya mararamdaman ang mapag iwanan. Pero iba na ang buhay niya ngayon. Simula noong mawala ang ina ay 'di na niya kakampi ang ama.
"MANAY, sina Daddy po?" tanong ni Bithia. Nasa kusina siya at parang ang tahimik ng bahay.
"Nakaalis na sila. Kaninang alas kwatro ng madaling araw pa. Ang sabi ko nga sa Daddy mo gisingin ka. Nang makapagpaalam sila. Ang sagot ay, 'wag na raw. Maiistorbo raw ang tulog mo."
Parang nakakadurog ng puso na malamang balewala siya sa ama. Pati ang kahit na magpaalam sa kanya ay hindi nito ginawa.
"Puwde niyo po ba ako ipaghanda ng almusal?"
"Abay, oo naman. Sandali at kukunin ko lang ang mga niluto ko. Umupo ka na lang d'yan, Bithia," sagot ni aling Manay.
"Salamat po." Tumango lang ang matandang babae at umalis na sa kanyang harapan para kunin ang almusal niya.
Pumasok si Bithia ng eskwelahan na hindi makangiti. Malungkot ang mukha niya para na lamang siyang iniwan ng Daddy niya. Dahil lang sa magkakaroon na ito ng anak sa bagong asawa.
Nagulat siya ng may humila sa beywang niya. At isinandal siya sa pader. Nakaawang ang labi at nanlalaki ang mata na nakaangat ang tingin sa sobrang tangkad na lalaki.
"I want to be with you today. Huwag ka ng tumanggi, Bithia. Aalis ako at tagal din tayong hindi magkikita," pansin na pansin niya ang lungkot sa mga mata ni Fergus.
"Ano naman ang kinalaman ko kung aalis ka? Wala ako pakialam kahit saan ka pa magpunta!" Angil niya sabay irap sa binata.
Pinipigilan ni Fergus ang magalit sa kanya. Ramdam niya iyon sa bawat buntong hininga nito.
"I do know. Pero gusto kong makasama ka. Ipinaalam na kita sa adviser mo na absent ka today." Napaawang ang bibig niya sa narinig. "Let's go," hila nito sa kanya.
'Di niya napansin na hawak na pala nito ang kamay niya. Iwinawasiwas niya ang kamay para mabitawan ni Fergus. Dahil sa higpit ng kapit ay ni hindi nito iniinda.
Natigilan si Mary nang dumaan sila sa harap ng kaibigan niya. Hila pa rin siya ni Fergus at walang balak na pakawalan.
"B-Bithia, saan ka dadalhin ni Fergus?" nagtatakang tanong nito.
"Hindi ko alam dito sa lalaking ito!"
"Fergus, saan mo dadalhin ang kaibigan ko?!" Bulyaw na tanong ni Mary. Hindi nag abalang sumagot ang binata. At hinahabol na lang sila ng tingin ni Mary habang papalayo.
Pagkalabas ng eskwelahan ay sapilitang isinakay siya ng binata sa kotse nito. Nang makapasok siya sa loob ay umikot naman ito papunta sa driver's seat.
"Put on your seat belt, Bithia," utos nito.
Madilim ang anyo na tinipunan niya ng tingin si Fergus. Saka marahas na napatiim.
"Saan mo ba ako talaga dadalhin? Irereklamo kita ng kidnapping sa mga pulis! Saka minor ka pa. Bakit ka nagda-drive ng kotse?"
"I'm eighteen at nasa legal age para magdrive ng sasakyan. Don't worry, may drivers license at may papers ang auto ko. Sa tingin mo, mananalo ka 'pag kinasuhan mo ako ng kidnapping? Sasabihin ko sa kanila na girlfriend kita at may tampuhan lang tayo," litanya ni Fergus.
Nanlaki ang mata niya.
"Walang hiya ka talaga! Wa kang kasing sama, Fergus. I hate you!" Bulyaw niya.
Hindi pinansin ng binata ang galit niya. Binuhay nito ang makina ng kotse at pinaharurot.
Walang nagawa si Bithia. 'Di rin naman siya hahayaan ni Fergus na makatakas. Nanghahaba ang kanyang nguso habang papunta sila sa kung saan.
"Mapapanisan ka ng laway 'pag hindi ka nagsalita, Bithia." Humalukipkip siya at tumingin sa labas. "Babs, malapit na tayo sa pupuntahan natin."
Napaamang siya sa narinig. Saka nakakunot ang noo na humarap kay Fergus.
Napalunok siya nang makita kung gaano katangos ang ilong ng binata 'pag nakaside view. Abala ito sa pagmamaneho at 'di siya pansin na nakatitig dito.
"Babs? Ano 'yon? At, bakit tinawag mo akong Babs?"
Ngumiti si Fergus. Hindi pa rin siya nito tinatapunan ng tingin.
"Marami na kasing gumagamit ng babes. Kaya babs na lang ang itatawag ko sa'yo. At tawagin mo rin akong babs." Hindi na maalis ang ngiti nito.
"Ang baduy mo. Babs talaga? Saka, ano 'yon, endearment?" Mabilis na tumango ang binata. "Kailan pa naging tayo, aber? May endearment ka na agad. Ako nga ay 'wag mong pinagloloko, Fergus. Isusumbong kita sa Daddy ko!"
Tumawa ng malakas ang binata. Napahinga ng malalim si Bithia. Matutuyuan siya ng dugo sa lalaking ito. Nakakainis!
"Isusumbong mo ako? Para ka namang bata, Bithia. Hindi ko nga maintindihan sa'yo, ako na ang lumalapit sayo. Tinatanggihan mo naman ako parati. Ako na ang palaging gumagawa ng effort para mapansin mo. 'Di mo pa rin ramdam ang gusto kong ipahiwatig. Bulag ka ba? Pipi o bingi?"
"Hindi ako bulag at lalong hindi ako pipi o bingi. Hindi ko rin maintindihan sayo. Bakit ako pa? Ang dami daming babaeng nagkakandarapa sayo sa school. Sa akin mo pa ipinagsisiksikan ang sarili mo," tugon niya sa tinuran ng binata sa kanya.
Napapreno ng malakas si Fergus.
Napasigaw ng malakas si Bithia sa gulat. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang takot. Muntik na kaya siyang mauntog. Napaharap siya sa binata.
"Alam mo, ikaw---" hindi natapos ni Bithia ang sasabihin. Nang makita ang nakayukong si Fergus.
"Yeah, you're right. Ang daming babaeng may gusto sa akin, si Nina gustong bumalik sa akin. Ang dami dami nilang gustong makuha ang atensyon ko, ang puso ko. Pero bakit sa iisang tao lang ako nagkakaganito?"
Naestatwa si Bithia. Tila naumid ang dila at walang salita ang lumalabas sa kanyang bibig.
"I like you. I really, really like you, Bithia. Aalis naman na ako bukas. Sana iparamdam mo sa akin na gusto mo rin ako. Kahit ngayong araw lang. Pagkatapos 'non hindi mo na ako makikita. At hindi na kita kukulitin ulit." Napabaling ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Tila nag iba ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ang namumulang mata ni Fergus.
"Please, Bithia. Kahit ngayong araw lang, maramdaman ko man lang na gusto mo rin ako," dagdag na pagsusumamo ng binata.
Wala sa sariling napatango ng ulo si Bithia.
Agad na sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Fergus. "Thank you," nagitla siya nang kinabig siya ng yakap nito.
Tumigil ang kotseng minamaneho ni Fergus. Hawak nito ang kanyang kamay. Kanina, 'nong pumayag siya ay hindi na nito binitawan ang kamay niya.
"Sandali lang. 'Wag kang lalabas ng sasakyan," ramdam ang excitement at kilig kay Fergus.
Tango lang ang naisagot ni Bithia. 'Di niya maintindihan ang sarili. Napapayag siya ng binata sa bawat naisin nito. Hindi na siya makaangal o makareklamo.
Bumukas ang pinto sa kanyang tabi. Napaangat ang tingin niya sa nakalahad na kamay ni Fergus. Kinuha niya iyon at matamis siyang nginitian nito.
"I hope you will like this place. Pasensiya na kubo lang ito. Dati naming tambayan ito ng barkada. Lumipat na ang mga barkada ko at hindi na sila nagagawi rito," nasambit ng binata.
Inilinga ni Bithia ang mata sa paligid.
"Ang ganda nga rito, Fergus."
Matamis na ngumiti ang binata. Masaya siyang nagustuhan ni Bithia ang lugar.