6

1501 Words
"BITHIA! I want to talk to your father. Hindi ko na nagugustuhan itong mga pinaggagawa mo. Ilang beses ko ng pinapalampas ang mga kalokohan mo. But, this time, I will not tolerate your wrong doing!" "Ma'am, sorry na po. Wala po kasi si daddy sa bahay. Nasa Hong Kong po siya for business meetings," paliwanag niya. Nahuli siyang naninigarilyo sa hallway. Ang malas naman na siya lang ang nakita. Sa dami nilang andoon na nagpapalipas ng oras, siya lang ang naaktuhan. "I don't care. Papuntahin mo siya rito sa school at kailangan ko siyang makausap," may diing sabi ni Mrs. Gonzales kay Bithia. Napayuko siya at lumabas na ng faculty. Nilapitan siya ni Mary at hinagod ang likod. "Anong sabi sayo ni Mrs. Harrison?" nag aalalang tanong ng kaibigan. Paano niya sasabihin sa Daddy niya na kailangan nitong pumunta ng school nila? Tiyak niyang magagalit na naman ito sa kanya. Wala na nga siyang ginawang tama sa mata ng sariling ama. Lalo lang madidiin siya 'pag nalaman nito ang kanyang kabalastugan. Graduating na sila at sa palagay niya dahil sa nangyari ay 'di siya makakaakyat ng stage para kunin ang kanyang diploma. Naiiyak na tumingin si Bithia kay Mary. "Ipinapatawag si Daddy ni Mrs. Harrison. Malalaman ng Daddy ko na bumagsak ako sa Math. Tapos nahuli pa niyang naninigarilyo ako." "Bakit mo kasi ginawa? Ayaw mo palang malaman ng Daddy mo ang pinaggagawa mo. Alam mo, Bithia, hindi ko rin alam ang gagawin ko sayo. Hindi ka naman ganyan. Matalino ka, e. Inaaksaya mo ang buhay mo pagbubulakbol mo," mga sermon ni Mary sa kanya. Niyakap ni Bithia ng mahigpit kanyang libro. It's her fault. Kaya nangyayari ang mga ito. Wala siyang choice kundi ang sabihin sa Daddy niya. "Huwag mo na akong sermunan. Nakakainis naman, Mary." Maktol niya. Imbes na samahan siya sa pighati niya ay mas lalo lamang siyang nababaon ng kanyang konsensiya. "Natural, kaibigan mo ako. Bithia, ayoko na nakikita kitang ganyan. At mahal kita kaya sinasabi ko sayo ang mga mali mo. Masakit ang mawalan ng ina. Pero 'di dapat inilalagay ang sarili mo sa mga pagsisihan mo dahil lang sa namatayan ka ng ina. May ibang paraa para magdalamhati. Sa ginagawa mo, sarili mo lang ang sinisira mo." Masaganang tumulo ang luha niya. Nakayukong naglalakad si Bithia, palabas ng eskwelahan nila. Nagpaiwan si Mary dahil magre-review pa raw ito. Kaya nauna siyang umuwi. "Bithia..." isang tawag ang nagpahinto sa kanyang sa paglalakad. 'Di siya nag abalang tumingin dito dahil kilalang kilala niya ang boses na 'yon. "I heard what happened. And if you need my help, just tell me." "Hindi ko kailangan ang tulong mo, Fergus. 'Wag mo nga ako ang kulitin mo! Iba na lang, please. Hindi ko kailangan ang simpatya mo." Mariing tanggi niya. Humakbang na siya paalis sa puwesto ni Fergus. Pero hinabol siya ng binata. Hindi talaga titigil, kahit na paulit ulit na tanggihan. "Ako na nga ang gustong tumulong. Itinataboy mo pa. Bithia, please kahit ngayon lang. Matulungan kita sa problema mo, oh." Napatiim si Bithia. Saka humarap sa binata. "Ano bang pakialam mo sa buhay ko? Hindi mo alam ang piangdadaanan ko! Lahat kayo. Lahat kayo ay mga peke! Gusto niyo naman na nasasaktan ako. Di ba?! Fergus, if it will ruin my life. Labas ka na r'on. Buhay ko ito at ako lang ang dapat na nakakaalam ng tama para sa 'kin. So, go away! Hindi kita kailangan!" Galit na galit na bulyaw ni Bithia. "Calm down, Bithia. Wala naman akong nasamang intensyon. I am just willing to help you." Nakakaawa na ba siya tignan? At kailangan na niya ng tulong ni Fergus. "Sinabi ko na hindi ko kailangan ang tulong mo. Bakit ba ang kulit kulit mo? Umalis ka na! Ang laking harang mo sa dinaraanan ko!" Asik ni Bithia at iniwan si Fergus na natitigilan. "WHAT did you do again, Bithia? Ipinapatawag ako ng teacher mo. Puro na lamang ba sakit ng ulo ang ibibigay mo sa akin? Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko sayo. Masyado ka ng nagrerebelde sa akin." Sermon ni Brennan sa anak. Nakayuko lamang si Bithia sa kanyang harapan. Sinabi ni Bithia na ipinapatawag ito ng teacher nila sa principal's office. Pang ilang beses na ba siyang napapatawag sa eskwelahan? Tatlong beses na ito at napapagod na siya kapapangaral kay Bithia. "Hon, tama na 'yan. 'Wag mo ng pagalitan ang bata. Hindi rin naman matututo 'yan kung pinapagalitan mo. Sinisigawan mo pa. She's just a child. Dumadaan talaga sa mga teenager ang pagrerebelde sa magulang," sabat ng kanyang asawa. "Kaya nga hindi ito natututo. Dapat talaga dinidisiplina ang batang 'to. Puro na lamang pakikipagbarkada ang nasa ulo. Ayaw ng mag aral! Magbibisyo na lamang." Nakapeywang na galit na galit pa rin siya. Saka binalingan ang anak niya. "Give me your cellphone." Utos pa niya. Walang pagtutol na kinuha ni Bithia ang cellphone nito at ibinigay sa kanya. "Why, dad?" "From now on, you're not allowed to use your cellphone. You are one month grounded. Bawal kang pumunta sa kahit saan. Depende na lang kung sa school. Hatid sundo ka ng driver to make sure na dumidiretso ka ng bahay after your class. And you will go with me to my office every Saturday. Magtatrabaho ka. Lahat ng gusto mo ay dapat na pagtrabahuhan mo." Napaamang si Bithia. "Daddy, 'wag niyo naman pong gawin ito sa 'kin." Pagsusumamo ng anak niya. Umiling iling si Brennan. "No. Kailangan mong magtanda. I really hope this is the last time that your teacher will call me again to the principal's office." "Pero, dad. Am I not allowed to go with Mary?" "Kahit siya. Hindi ka rin puwedeng sumama kay Mary kapag may group studies kayo. Dito kayo sa bahay mag aral na dalawa. Sana naman maliwanag ang lahat sayo, Bithia. Aalis na ako at pagbalik ko gusto kong datnan kita r'to sa bahay," madidiing sagot niya. "Hon, saan ka pupunta?" tanong ni Freya. "Pupunta ako sa school ni Bithia. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay. Bantayan mong maigi 'yang batang 'yan. At huwag na huwag mong payagang lumabas ng bahay," sagot at mga bilin niya. Tumango ang asawa niya sa kanya. Saka nilapitan ito para halikan sa labi. Napaiwas ng tingin si Bithia. Hindi pa rin siya sanay na nakikitang hinahalikan ng ama ang bagong asawa. Dalawang buwan na rin itong naninirahan sa bahay nila. At wala siyang plano na maging malapit dito. Wala pa ring papalapit sa puwesto ng Mommy niya. At nag iisa lang ito para sa kanya. "Narinig mo naman ang sinabi ng Daddy mo. Now, go to your room. At huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi!" Singhal nito sa kanya. Ganito ang trato ng kanyang stepmother. Sa tuwing umaalis ang Daddy niya. Parang hindi siya anak ng asawa nito kung ituring. "Kung mag utos ka parang ikaw ang Mommy ko, ah. Nawala na ang Mommy ko pero hindi mo maalis ang mga naiwan nito sa amin ng Daddy ko. Masyado kang assuming na magiging reyna ka sa bahay namin. Sorry ka na lang." Napataas ang sulok ng labi ni Freya. "Natatakot ako. Hindi naman ako nakikipagkompetensiya sa Mommy mo. Inuuod na ang nanay mo at ako na ang bagong reyna rito. Hindi ikaw ang prinsesa, ha. Dahil malapit ng dumating ang aming anak." Nabigla si Bithia sa kanyang nalaman. Ibig bang sabihin ay buntis ito? "Hindi maari ang sinasabi mo..." Iiling iling si Bithia habang umaatras. Ngumisi si Freya ng nakakaloko. "Ito na nga, oh. Sa maniwala ka o hindi, nagdadalangtao na ako. At sinong ama? Siyempre ang Daddy mo. Asawa ko na siya, di ba? Bilang na ang mga araw mo rito sa bahay, Bithia," may panunuyang sabi ng kanyang stepmom. Kagat ni Bithia ang daliri saka tumalikod sa ginang. Nagtatakbo siyang pumunta sa kuwarto niya. Nang makapasok sa loob ng kuwarto niya ay napaupo siya sa kama niya. At humagulhol ng iyak. "Mommy, please. Andito po ba kayo? Sana andito kayo para hindi pinakasalan ni Daddy si Freya. Ayoko po sa kanya. Hindi niya ako mahal." Sumbong niya sa hangin sa ina. Natutop niya ang kanyang mukha. Nakatulugan ni Bithia ang kanyang mga pag iyak. Hindi rin ito nakapagpalit ng kanyang uniform. Nagising siya sa malakas na katok sa kanyang pintuan. "Ma'am Bithia, kakain na po. Hinihintay na po kayo ng Daddy niyo sa dining," sabi ni Manay habang malakas na kumakatok sa pintuan. Pupungas pungas pa siya ng mata na bumangon mula sa kama. "Sige po. Magbibihis lang po ako," sagot niya at pumunta sa kanyang cabinet. Pagkarating ni Bithia sa dining ay andoon nga ang Daddy niya. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo, ah," iritado na naman sa kanya ang ama. "Nagbihis pa po kasi ako." Pangisi ngisi lamang ang lanyang madrasta habang kumakain. "Maupo ka na at kumain. Pagkatapos mo, pumunta ka sa library. May pag uusapan tayo." Bigla siyang kinabahan. Masesermunan na naman siya paniyak. Nalaman na siguro ng ama na nahuli siyang naninigarilyo at baka 'di siya maka-graduate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD