5

1748 Words
HAPON, nang malapit na si Bithia makarating sa bahay nila. Nagtataka siya na parang maraming sasakyan at may mga tao rin ang nasa labas. Parang may iniusyoso ang mga tao sa loob na mas pinagtakhan niya. Mayroon din sasakyan ng ambulansya at isang police car ang nakatigil sa harapan ng gate. Mahigpit na niyakap niya ang kanyang libro at nagtatakbo papasok sa loob ng bahay nila. Hinahabol niya ang kanyang paghinga na napahinto nang makita ang ama. Nakayuko itong nakahawak sa sintido habang nakaupo sa sopa. May pulis na nakatayo sa harapan nito, parang kinakausap ang daddy niya. Naguguluhan siya. "Ano bang nangyayari?" ang tanong ni Bithia sa isip. Naglakad siya palapit sa Daddy niya. Tila nahihirapan siyang ihakbang ang mga mata. "Daddy..." Napatunghay ng ulo ang Daddy niya sa kanya. "Bithia...." sambit nito at pinalis ang luha sa mata. Agad na tumayo si Brennan at nilapitan ang anak. "Ano pong nangyayari r'to? Bakit po ang daming pulis sa loob at labas ng bahay natin?" Natatarantang mga tanong niya. "Anak, 'wag kang mabibigla..." Napaamang si Bithia. "Ano po ba 'yon, Daddy?" Hindi na siya makahintay sa isasagot ng ama. At 'di na siya makahinga sa sobrang kaba. Umiiyak ang ama sa kanyang harapan. Nang may dumaan na parang mga paramedics. Buhat nila ang stretcher na may nakahigang tao. May tabon itong puting kumot kaya 'di niya mabanaag ang mukha ng nakahiga sa stretcher. Napadako ang kanyang mata sa mga paa nitong hindi natakpan ng kumot. Biglang tumulo ang luha. Nanlalaki ang mga mata niyang binalingan ang ama. "W-Wala na ang M-Mommy mo. She left us. And I don't know what happened to her." Gumuho ang mundo niya sa narinig. Napakapit si Bithia sa braso ng daddy niya. Nanghihina ang mga tuhod na parang anumang oras ay bibigay o matitimbuwang. "Wait!" Umiling iling na sigaw niya. "Daddy, hindi totoo 'yan. Kilala ko si Mommy. Hindi niya tayo iiwan!" Hindi siya makapaniwala na iiwan talaga sila ng Mommy niya. Naglakad papunta sa stretcher si Brennan at nakapalikit na tinanggal ang kumot sa mukha ng asawang si Dana. Natutop ni Bithia ang kanyang bibig saka napahagulhol ng iyak. Habang pailing iling pa rin. "She's not my Mommy, Dad! Nasa kusina lang siya. She baked cookies. Alam ko. Sandali at pupuntahan ko po," maangmaang niya na ang Mommy niya ang nakahiga na wala ng buhay sa stretcher. Akma na siyang aalis ng hablutin siya ng ama at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Bithia. Hindi ko naprotektahan ang Mommy mo. I'm really sorry." Malakas na umiyak si Bithia habang yakap ng ama. "No, Daddy! Hindi po siya si Mommy. Buhay ang Mommy ko. Mommy..." Humahagulhol siya na ang mata ay nasa ina. Walang nagawa ang mga iyak ni Bithia. Tuluyan ng nawala ang ina at nakaburol sa isang chapel. Simula kahapon ng malaman niyang wala na ang ina ay halos pagbagsakan siya ng langit at lupa. At ngayon ay halos 'di na siya makaiyak sa sobrang dami ng iniluha niya kahapon. Hindi rin siya umaalis sa tabi ng kabaong ng ina. Ayaw niyang umalis doon dahil ayaw niyang hindi makita ang ina. Sa isang iglap ay nawalan siya ng ina. Nawalan siya ng palaging nagluluto ng paborito niyang cookies. Wala na ring mag aalaga sa kanya. Sumasalubong sa kanya sa tuwing umuuwi siya ng bahay galing school. "Bithia, take a rest. Ako na ang magbabantay sa Mommy mo," sabi ni Brennan. Walang pahinga ang anak niya at nag aalala siya na baka ito magkasakit. "I don't need to take rest, dad. Gusto kong dito lang ako sa tabi ni Mommy ko. Baka hindi ko na siya makita 'pag umalis ako." Nilingon niya ang coffin ng ina. Malayang tumulo ang luha niya. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na wala na talaga ito. "I know na nasasaktan ka. Masakit din sa akin na nawala ang asawa ko. Pero, ayoko rin nawala ka sa 'kin, Bithia. I can't take it if I lose you too." "Don't worry, dad. Kaya ko pa po at hindi ako mawawala sa inyo. Tinuruan ako ni Mommy na maging strong," matapang na tugon niya saka pinunasan ang mga luha sa mata. Napaharap siya sa kanyang ama. "Ano pong lumabas sa investigation sa katawan ni Mommy? Ano raw po ang sanhi ng ikinamatay niya?" dagdag niyang mga tanong. Wala siyang alam sa totoong kuwento ng pagkawala ng ina. Ni hindi niya alam na may dinaramdam itong sakit para pumanaw ng hindi man lang nagpapaalam sa kanila. Kumuha ng upuan si Brennan saka inilagay sa tabi ng anak. Naupo siya saka hinawakan ang kamay ng anak. Napabuntong hininga siya. "Your mom died in natural cause. Inilihim niya sa atin na maysakit siya. Ayon sa doktor na tumingin sa kanya, may cancer ang mommy mo. Three years she suffered secretly from pain. Ayaw niyang ipaalam sa atin na maysakit siya. Kilala mo ang mommy mo na masayahin, mahilig magluto, maalaga at mahal na mahal tayo. Pero dahil sa sakit niya ayaw niyang magdusa tayong dalawa na nakikita siyang iginugupo ang katawan ng sakit niya." Napalingon si Bithia sa kanya. "Tanggapin na lang natin ang nangyari sa Mommy mo. Pinili niyang isekreto ang sakit niya. And she peacefully left us." Napayuko si Bithia. Tumulo na naman ang mga luha niya. Parang ang hirap paniwalaan na hindi magsasabi ang Mommy niya na maysakit ito. Ang sigla nito noong pumasok siya sa school. Ipinagluto siya ng masarap na almusal. All of a sudden, she is dead. Parang wala lang, iniwan sila. Gan'on lang. "Ang hirap pong tanggapin na wala na si Mommy. Naisip ba niya ako? Sana sinabi niya para naalagaan ko siya. Naibalik ko sana ang mga nagawa niya para sa akin. Sasabihin ko sa kanya, everyday that I love her so much. Ngayon, mawala na siya. Hindi ko malaman kung bakit siya umalis ng gan'on kabilis. Kailangan ko pa si Mommy sa buhay ko, Daddy. I want to celebrate my birthdays with her beside me. Maka-graduate, sasamahan niya ako sa pag akyat ko stage. I want to get married that she's here. Lahat 'yon hindi na mangyayari kasi iniwan na niya tayo. It's so unfair! Nagdusa siya sa sakit niya pero hindi niya man lang nai-share ang lahat ng sakit." Hinanakit niya. Nakakatampo. Ang dami niyang mga plano sa buhay na 'di na makakasama ang ina. Inihilig siya ng Daddy niya sa balikat niya. Saka hinagod na inaalo ang balikat niya. "Everything will be alright, Bithia. Isipin mo na lang na need na rin ng Mommy mo ang magpahinga." Napaangat bigla ang tingin ni Bithia sa sariling ama. Kung magsalita ito ay parang pabor pa ito na nawala ang Mommy niya. Hindi gan'on kadali ang mga sinasabi nito na tanggapin na lang. Kailangan ng magpahinga ang ina dahil sa iniindang sakit. "Dad, bakit kayo ganyan magsalita? Parang hindi n'yo asawa ang namatay, ah." Tila hindi niya nagustuhan ang huling tinuran ng ama. "I didn't mean anything, Bithia. Ang ibig ko lang sabihin ay hindi biro ang sakit na cancer. Tiyak na nahirapan ng husto ang Mommy mo sa sakit niya." ISANG taon ang lumipas. Ipinagluksa ng ni Bithia ang pagkawala ng mommy niya. Hindi pa rin naalis sa kanya ang biglaang pagkamatay ng ina. At eksaktong araw ng kamatayan nito, kasama niya ang daddy niya. Magkakaharap silang tatlo sa isang sikat na restaurant. Ang daddy ni Bithia ang pumili ng lugar at hindi alam ni Bithia na may iba pa silang kasama. Akala niya ay ise-celebrate nila ang third-year death anniversary ng mommy niya. Ngunit may iba pa palang plano ang kanyang ama. "Who is she, dad?" Napatingin ang daddy niya sa babaeng katabi nito. Saka muling tumingin kay Bithia at tumayo para tabihan ang anak. "You know, anak, your mother died a long time ago. One year has passed, but still, she is the love of my life. But one day her. I saw your Tita Freya. Same as how I look to your mom's eyes. Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan dahil bata ka pa. She is Freya Bellamy, and she is my wife. She's your stepmother." Mahabang pakilala ni Brennan sa bagong asawa kay Bithia. Nanlaki ang mga bilog na mata ni Bithia. "You got married, d-dad?" Tumango ito sa kanya bilang sagot. "Bakit hindi niyo po sinabi sa akin ang bago kayo magpakasal?" Brennan sighs. Tumayo at muling tinabihan ang asawa. "I'm sorry, baby. Mahal ni daddy ang tita mo. At wala na akong ibang paraan para matanggap mo siya ng mas mabilis. Dahil alam ko kung gaano mo minahal ang mommy mo." Napaluha si Bithia sa mga salitang binitawan ng ama. "Hindi na po na importante ang mararamdaman ko? Bakit kailangan ngayon niyo lang sasbihin? I'm fifteen years old, hindi na po ako bata." Mas napahaguhol siya ng malakas. "I'm sorry, Bithia. Patawarin mo si daddy. But I promised your Tita Freya will love you the same as how your mom loves you." Umililing-iling si Bithia. Hindi nga nila isinaalang-alang ang damdamin niya. Umalis ang ama ng halos mag-iisang linggo. Tapos ay uuwi na may kasama ng asawa. Gusto nilang tanggapin niya agad ang sitwasyon. She adores her mom so much. Kaya noong mamatay ito ay halos gumuho ang mundo niya. Napakabata pa niya noong mawala ito sa sakit. She knows how her father suffers. Nakita ng dalawang mata niya iyon. Pero isang taon palang na namatay ang mommy niya at ito agad. May ipinalit agad ang daddy niya. "I really don't know, dad. Nagdesisyon kayo para sa buhay niyo. Para lamang maging masaya kayo. Hindi pa po ako nakakamove on sa pagkawala ng mommy ko. One year, isang taon palanv po siyang nawawala sa atin. Sana man lang naghintay kayo ng mga five years bago naghanap ng bago." Napasinghap si Freya. Nahihiya siya at napayuko ng ulo sa narinig sa mismong anak ni Brennan. "Bithia! Remember that I am still your dad. Igalang mo naman ang asawa ko." "You didn't even respect my mom by marrying that woman. Paano ko siya irerespeto?" Mariing napatiim si Brennan. Malakas niyang sinampal ang anak. "Wala kang galang. Nasaktan din ako noong mawala ang mommy mo. I love your mom so much, alam mo 'yon! Pero wala na siya, magpapatuloy pa rin ang buhay ko. Ang buhay nating dalawa. At ito nga, mahal ko si Freya. Sa ayaw at sa gusto mo, rito na siya titira sa bahay." Napaawang ang bibig ni Bithia. Pinunasan ang mga luhang umagos sa mata. Hindi naman niya mababago ang desisyon ng daddy niya sa gusto nitong mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD