4

1565 Words
MALALIM na iniisip ni Bithia ang sinabi ni Fergus. Kanina pa siya wala sa sarili habang nakaupo katabi ng kaibigang si Mary. Nasa gym sila ni Mary at nanonood ng basketball game ni Fergus. Kalaban ng school nila ang nasa kabilang school lang nila. Napabuntong hininga siya. Napalingon ang kaibigan niya sa kanya. "Ang lalim naman 'non, Bithia. Anong problema? Panay ka buntong hininga d'yan," tanong ni Mary at tiningnan siya ng may pagtataka. Napapaisip din ito sa iginagawi niya. "Wala lang." Walang ganang sagot niya. Napaismid si Mary sa kanya. Ramdam nitong mayroon siyang itinatago. Si Fergus lang naman ang palaging gumugulo sa isip niya. Take note, ha. Siya ang parati nitong ginugulo. Kahit anong taboy niya ay mapilit pa rin ang binata. "May wala bang ganyan, kung makabuntong hininga ka naman. Parang may pinaghuhugutan. Ano bang pinag usapan niyo ni Fergus kanina?" curious na tanong pa nito. Napatagal ang usapan nila. Lalo lang tuloy siyang naalibadbaran dahil naalala ang sinabi nito sa kanya. Napahinto silang magkaibigan nang makarinig ng malakas na sigawan mula sa crowd. Napaangat ang tingin niya sa lalaking tinitilian ng mga estudyante. Nagtitilian ang mga babae at pangalan ni Fergus ang mga isinisigaw. Napa-roll ang mata ni Bithia. "Ano bang meron ang Fergus na 'yan at gustong gusto siya ng mga babae sa school?" Kibit balikat niyang tanong saka napaharap siya sa kaibigan. "Hindi lang sa school natin maraming nagkakagusto kay Fergus. Pati na sa ibang mga school. Sikat na sikat kaya siya. Ewan ko nga sayo, eh. Wala bang dating sayo si Fergus?" Tugon ni Mary. "Ibahin mo ako sa kanila. Hindi ako magkakagusto d'yan sa hambog na 'yan. Puro yabang lamang ang nasa katawan." Napatingin siya sa mga naglalaro. Nabaling siya sa iba nang natuon ang tingin ni Fergus sa kanya. Ngumiti pa ito sa kanya at saka kumindat. Napaamang siya sa ginawa ng binata. Nilingon niya ang kanyang katabi. Napansin kaya ni Mary ang honawang pagkindat ni Fergus sa kanya? "Grabe ka namang magsalita, Bithia. Ikaw na nga ang pinansin 'nong tao. Sayo nga nakatingin. Napapansin ko kay Fergus, may gusto ata sayo 'yong tao." Napaamang siya sa sinabi ng kaibigan niya. Parang hindi siya makapaniwala na magkakagusto sa kanya ang lalaking 'yon. "Bakit parang ipinagtatanggol mo si Fergus? Papansin lang siya, as if naman papansinin ko siya. Saka 'di magkakagusto sa 'kin 'yon. Ang mga tipo 'non, magaganda at seksi. Ni wala nga ako sa kalinginkinan ng ex niya." Ang gwapo ay para lamang sa magaganda. Hindi siya maganda at chubby din siya. Kaya malayong magustuhan siya ni Fergus. Sobrang pinagtatakhan niya ang mga ipinapakita ng binata sa kanya. Lalo na 'nong sabihin nito na gagawin nito ang lahat para lamang niya magustuhan ito. Nagpapatawa talaga si Fergus. Ang akala siguro ay basta na lamang siya bibigay sa ganoong asta sa kanya. Kahit na maglulupasay pa ito sa harapan niya, 'di siya magkakagusto sa isang palikerong katulad ni Fergus. Malay ba niyang baka nacha-challenge lang ito dahil hindi siya kagawa ng ibang mga babaeng estudyante sa school nila na nagkakandarapa rito. Ibahin niya siya. Napa-tsk si Mary. "Ikaw, Bithia, masyado mong pinapababa ang sarili mo. Maganda ka, medyo mataba ka lang. Konting papayat lang. Marami rin na schoolmates natin ang nanliligaw sayo." Natawa siya ng mahina. Masyadong bilib ang kaibigan niya sa kanya. E, ang mga kaklase nila ay nabubuyo ng barkada. Parati na lamang siyang gustong pagpustahan ng mga ito. Siyempre, dagdag pogi points. Dahil tanging siya palang ang 'di nagkakaroon ng boyfriend. Kahit si Mary ay nagkaboyfriend na rin. "Masyado mong pinapalakpak ang tenga ko. Oo, kaibigan kita. Kaya para sayo maganda ako. Pero ang totoo, hindu naman talaga ako maganda," tugon niya. Napabaling siya sa mga naglalaro. Saka muling tumingin sa kaibigan. "Umuwi na lang tayo. Nababagot akong manood. Ang ingay ingay ng mga babae sa tabi natin." Naalibadbaran lang lalo siya at ang init init kaya sa gym. Kanina pa pinagpapawisan ang kili kili niya. Agad na nagtime out ang coach ni Fergus. Pinupunasan niya ang pawis sa kanyang noo nang napabaling sa gawi ng kinauupuan nina Bithia. Hinahabol ni Fergus ang kanyang paghinga habang nakapamaeywang na tinatanaw ang dalaga. "Fergus!" Sigaw na tawag ng coach nila. Agad siyang napalingon sa coach nila at lumapit sa kanila. "Yes, coach." "What happened to you, Fergus? Ikaw ang team captain pero parang nanlalata kang maglaro. Kulelat ka ata ngayon. Ang mga scores mo 'di maganda Puwede ka bang magfocus muna sa laro? Hayaan mo muna ang mga problema mo out of the ball game! Matatalo tayo sa ginagawa mo," sermon ni Coah Tim. "Sorry, coach." Nahihiyang hingi niya ng paumanhin. Nakasasalay sa kanya ang pagkapanalo ng team nila. Pero nawawalan siya ng gana dahil hindi sumagot si Bithia sa sinabi niya kanina. 'Di siya tuloy makapag-focus sa laro nila. Idagdag pa ang pangungulit ni Nina na nakita niyang nakaupo malapit sa puwesto nila. "Team, double time! Let's do it and we will gonna win. Fight!" malakas na sigaw ni Coach Tim sa kanyang manlalaro. Malakas na bumisina ang buzzer. Tapos na ang timeout na hiningi ng team nila. At bumalik sila sa gitna at kabilang kopokan para ituloy ang laro. Hindi sinasadyang nagawi muli ang tingin niya sa dalaga. Napansin niya ang naglalakad na si Bithia. Mukhang paalis na ito kasama ang kaibigan at 'di na tatapusin ang panonood ng game nila. Naalarma si Fergus. Tumingin siya sa kaniyang coach at nagsenyas ng sub. Napailing na lang ito sa kanyang nais ipahiwatig. "Bakit uuwi na tayo? Ang aga aga pa, Bithia?" sunod sunod na untag ni Mary. Gustong panoorin ng kaibigan niya ang laro nila Fergus. Tiyak na matatalo naman ang mga ito. Saka nag aaksaya lang sila ng oras. Mas gugustuhin niyang matulog na lang sa bahay kesa manood ng laro ng hudas na 'yon! "Kung gusto mong bumalik sa loob. E, 'di bumalik ka. Basta ako, uuwi na. 'Di ko na matagalan ang kayabangan ni Fergus," tugon niya na umirap pa sa kaibigan. Napabuntong hininga na lang si Mary sa kanya. Nabo-bore lang siya sa panonod. Walang thrill, maigi pa na umuwi na lang siya at matulog. Kung andito lang ang Ninong Abel niya, siguro'y namamasyal sila ngayon. Isang buong araw na niya itong hindi nakikita at hindi pa rin siya sanay na wala ito. Ni hindi man lang siya tinatawagan. "Bithia!" sigaw ng tumatakbong si Fergus. Nagkatinginan ang magkaibigan at si Mary ay may mapanuksong tingin sa kanya. Nang makalapit ang binata ay agad nitong hinawakan ang kamay niya. Nanlaki ang mata niya na napatingin sa kamay ni Fergus. Nag angat siya ng tingin at nakatiim na tinignan ito. "Sandali, bitawan mo nga ako," malakas na waksi niya sa kanyang kamay. Kaya nabitawan ito ng binata. "Hindi pa tapos ang game namin. Bumalik ka sa loob, Bithia." "Oo nga naman, Bithia. Gustong manood ng play nila," segunda ng kaibigan niyang hindi niya alam kung totoo ba niyang kaibigan. Ipinapahamak pa siya kay Fergus. "Wala namang kasarap-sarap ang panonood ng game niyo. Maigi pa na matulog na lamang ako sa bahay. May muta pa ako," sarcasm na sambit niya. Naglakad palapit si Fergus kay Bithia. Naaligaga ang dalaga dahil sa nakikitang galit sa mata nito. Napatingin sa kaibigan na humihingi ng tulong ang tingin. Pero ang pahamak niyang kaibigan ay nakatayo lamang at walang ginawa para pigilan si Fergus. "Anong sinabi mo?" hindi nito tinatanggal ang tingin sa kanya. Napalingon si Bithia sa kaibigan niya. Nakita na lamang niya na mabilis itong naglalakad pabalik sa gym. "Mary!" Malakas na sigaw niya. Napapalatak si Bithia nang hindi man lang siya nilingon ng kaibigan. Binalingan niya si Fergus. "Tigilan mo na ako, Fergus. Isusumbong kita sa mommy ko sa ginagawa mo sa 'kin!" Malakas na natawa si Fergus. "Isusumbong mo ako sa mommy mo? Little girl, I would love to meet your mom. I am interested in what you tell your mom about me," pang-aasar na sabi pa ni Fergus. Napapaisip siya kung paano siya ipapakilala ni Bithia sa mommy nito. Napangiti na parang wala sa sarili siya. Naningkit ang mata ni Bithia sa inakto ng lalaking kaharap. Ang lakas talaga ng kompiyansa nito sa sarili na ipapakilala niya si Fergus sa mommy niya. No way! "Feeling mo naman talaga, Fergus. Ang guwapo guwapo mo. Puwes ako, ibahin mo sa kanilang lahat! At ito ang isanisak mo d'yan sa utak mo. Hindi kita gusto! At lalong hindi ako magkakagusto sa katulad mong hambog! D'yan ka na nga, 'wag mo akong susundan!" Naggagalaiti sa galit na sabi ni Bithia. Saka mabilis na tumalikod at umalis sa harapan ng binata. Napapakamot na lamang ng kanyang ulo si Fergus. Hindi niya makuha kung ano ang ikinakagalit ni Bithia sa kanya. Ang hirap magpapansin sa babaeng manhid at tila nagbubulag-bulagan. Hibdi marunong makiramdam sa kanyang paligid at inuuna ang pagsusuplada. Ngingiti ngiting bumalik sa gym si Fergus. Sinalubong siya ng isa sa teammates niya, malapit sa pinto ng gym. "Fergus, kanina ka pa hinahanap ni coach. Ang tagal mo ang laki na ng lamang ng kabila," imporma nito sa kanya. Tumakbo na si Fergus, tiyak na umuusok na rin sa galit si Coach Tim dahil napatagal ang kanyang alis. Habang si Bithia ay bubulong-bulong na naglalakad. Palabas ng eskwelahan. "I hate you, Fergus! I really hate you! Nakakainis ka!" mga sigaw niya sa isipan. Tikom ang kanyang palad ar nanlilisik ang mga mata niya dahil sa sobrang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD