WALANG gana si Bithia pumasok sa eskwelahan. Nakaalis na ang Ninong Abel niya kahapon at papunta ito sa New York. Sumama siya sa paghatid sa ninong niya sa airport. Isang buwan din itong mawawala at sigurado siyang sobrang mami-miss niya ito.
"Bithia, hindi ka ba papasok sa eskwelahan? Bumangon ka na d'yan at mala-late ka na," hindi niya namalayang nakapasok na pala ang mommy niya. Nakahiga pa rin siya sa kanyang kama at iniisip ang kanyang Ninong Abel.
"Mi, tinatamad po akong pumasok. Parang, I want to sleep the whole day," ani nito na napapahikab pa.
Naglakad palapit ang mommy niya sa kanya. "Huwag mo akong artehan. Alam ko ang karakas mo na 'yan. Tinatamad ka dahil umalis ang Ninong Abel mo?" Umupo ito sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok niya.
Napairap si Bithia. "No. Hindi po totoo 'yan. Inaantok po talaga at parang pagod ang katawang lupa ko," pagdadahilan niya sa ina. Sana bumenta ang kanyang rason. Iyon lamang ay totoo naman ang iniisip ng mommy.
Marahas na napabuntong hininga si Dana. Ano pa bang magagawa niya? Kesa pilitin niyang pumasok ang anak niya sa eskwelahan. Baka r'on pa ito matulog. Inabot na naman ng katamaran ang kanyang nag-iisang anak. Dahil mami-miss nito si Abel. Napapailing sa sumasagi sa isip niya.
"Alright, baby. Better dito ka na lang sa bahay. Aalis lang kami sandali ng daddy mo."
Nanghaba agad ang nguso ni Bithia at napabangon saka napaupo sa kama.
"Iiwan niyo ako mag-isa?"
"Hindi ka puwedeng sumama. May ka-meeting ang daddy mo na bagong investor. And mommy needs to be there to support your father."
"Papasok na lang po ako sa school. Wala naman ako kasama sa bahay," aniya sa malungkot na tinig.
Napangiti si Dana. "That's the best thing you will gonna do. Hala! Sige na. Bumangon ka na." Tumayo na siya at hinalikan pa muna anak sa noo nito atsaka lumabas ng kuwarto ni Bithia.
Nang makalabas ng kuwarto ang mommy ni Bithia ay bumaba na siya sa kama. Dire-diretsong pumunta sa banyo.
Nasa school na si Bithia. Wala pa rin siyang gana. Nakakulumbaba siya sa desk niya. Habang nag-iingay ang kanyang mga kaklase.
"Hoy! Bakit naman biyernes santo ang mukha mo?" siniko ni Mary ang kaibigan dahil parang namatayan ang mukha nito.
Napaayos ng upo si Bithia at isinandal ang likod sa sandalan ng kanyang desk. "Umalis na kasi si Ninong Abel." Napabuntong hininga siya.
Napa-roll ang mata ni Mary. "Akala ko kung ano na. Ninong mo lang pala. Ang maigi pa para sumaya ka manood tayo ng game sa gym. Balita ko maglalaban daw ang school natin at ang Saint Joseph School. At isa pa, ang captain pala ng basketball ay si Fergus." Litanya niya.
Napaamang si Bithia. 'Lalong ayokong manood. Aasarin lang ako ni Fergus," mabilis na tanggi niya.
"Hala, siya. Ikaw lang ata ang hindi naga-guwapuhan kay Fergus. Ang daming estudyanteng babae sa school natin ang hinahabol siya. At balita ko, ha. Nakikipagbalikan ang ex girlfriend niya sa kanya." Stismis ni Mary.
Napaismid si Bithia sa tinuran ng kaibigan niya. Ang daming alam ni Mary na hindi niya alam kung saan napupulot ang mga stismis na 'yon.
"Hanga na ako sayo. May pagkamarites ka rin, ano? Saka wala akong pakialam kung maraming nagkakandarapa sa kanya. Wala talaga siyang dating sa akin. Mukha kasi siyang unggoy." Palatak niya. Hindi niya maintindihan ang ugali talaga ng kaibigan niya. Ni 'di nga niya alam paano sila naging magkaibigan.
Napakamot sa ulo niya si Mary. Mabilis na napaupo ito sa kanyang upuan nang nasa harapan na ang teacher nila.
Pagkatapos ng isang subject nila ay haft day lang sila. Campus day nila at tatlong araw na wala silang klase.
Nasa corridor ang magkaibigan nang dumaan ang grupo ng mga babaeng nasa fourth year. Apat sila na malakas na nagtatawanan. Magaganda ang mga ito at mukha ring mayayaman. Pero bukod tangi ang nasa gitna. Itim na itim ang buhok nito na mahaba at ang mamula-mula ang pisngi. Ang ganda ng mga mata nito na parang namumungay.
"Nina, nagkabalikan na ba kayo ni Fergus?" dinig nila Bithia na tanong ng isa sa mga babae.
"Malapit na. Alam ko naman na hindi ako matitis ni Fergus. Sa 'kin pa rin ang bagsak niya." At binuntutan nito ng malakas pang tawa.
Nilingon ni Mary ang katabi niyang si Bithia na sinusundan ng tingin ang apat na babae. Habang papalayo ang mga ito sa kanila. Si Fergus ang topic nila, at ang babaeng maganda na 'yon ang dating nobya ng binata. Ang laki ng lamang nito sa kanya. Bukod kasi sa medyo mataba pa, may natural na kulot ang buhok niya na animo'y parang spiral.
Siniko ni Mary ang kaibigan na agad ikinalingon ni Bithia. "Iyon pala ang ex ni Fergus. Maganda siya at bagay sila."
Sumama ang tingin ni Bithia kay Mary. Parang sinabi nitong hindi siya maganda. "Ah gan'on? So, hindi ako maganda. Si Nina, mas maganda siya sa 'kin," nanlilisik ang mata na turan niya at humalukipkip. Teka, bakit siya nagagalit?
Imbis na maalarma ay napangiti ng nakakaloko si Mary. Hindi nagustuhan ni Bithia ang mga ngiting 'yon ng kaibigan.
"Oyy, affected siya. Ibig sabihin ba 'non. Crush mo si Fergus? May gusto ka na sa kinaiinisan mo?" ekserehadang sabi ni Mary.
Nanlaki ang mata ni Bithia sa pakiwari ng kaibigan. "No!" Palatak na ani niya saka umiling-iling. "Mukha niya na magkakagusto ako sa kanya."
"Huwag kang magsalita ng tapos, Bithia. Baka kainin mo ang sinabi mo."
Napa-roll ang mga mata niya. "Hinding-hindi nga ako magkakagusto r'on sa hambog na Fergus na 'yon!"
"Oh, really?"
Natulos sa kanyang kinatatayuan si Bithia nang marinig ang pamilyar na boses.
Sabay na nilingon ng magkaibigan ang kanilang likuran. Namilog ang mga mata ni Bithia nang makita si Fergus na ang lawak ng ngiti at ang lapit ng mukha nito sa kanya.
Napaatras si Bithia. Biglang naghurumentado ang t***k ng puso niya. Napatiim siyang napahawak sa dibdib niya.
Napansin 'yon ni Fergus.
"M-Mali ka ng dinig, Fergus. Hindi ikaw ang ipinag-uusapan namin. Ang Ninong Abel niya ang pinag-uusapan namin ni Bithia. Crush niya kasi ang ninong n'ya," si Mary ang sumagot na makahulugang napatingin sa kaibigan.
Gusto sanang batukan ni Bithia ang kaibigan niya. Pero dahil nasa harapan nila ni Fergus ay sinakyan na lang niya ang alibi nito.
"A-Ah, o-oo. C-Crush ko si Ninong Abel," nahihirapang amin niya.
Matiim na napatingin si Fergus kay Bithia. Inilagay niya ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya saka naglakad palapit sa dalaga.
Inilapit niya ang mukha kay Bithia at pinatitigan ito sa mata. Gusto niyang malaman kung nagsasabi ito ng totoo.
Halos pigilan ni Bithia ang paghinga. Dahil gahibla lang ang layo ng mukha ni Fergus sa mukha niya. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Nang makita ng malapitan ang kulay gray na mga mata ng binata.
"Let's make a deal, Bithia." Kumunot ang noo ng dalaga. "Patapusin mo muna ako bago mo ako tarayan."
Nakatingin lamang si Mary sa dalawa. Pero nang hindi makatiis ay nilapitan niya ang kaibigan. "Bithia, kita na lang tayo sa gym."
Pinaningkitan ni Bithia ng mata si Mary. Saka ibinuka ang bibig na parang sinasabing 'wag siyang iwanan.
"Don't worry, Mary. Sabay kaming pupunta sa gym," saad ni Fergus saka binalingan ng tingin ang dalafang nasa harapan niya. "Bithia will watch my game. Right?"
Naumid ang dila ni Bithia at napatitig muli sa mga mata ni Fergus. Para siyang hinihigop ng mga mata nito na sa lanya lang dapat rumingin. Wala sa sariling napatango siya.
Nareliazed niya lang ginawa niya nang matamis na ngumiti si Fergus. Inipon niya ang lakas saka pikit matang itinulak ang binata.
Parang nagtulak siya ng bato. Dahil hindi man lang natinag si Fergus.
"Ano bang kailangan mo? Saka hindi ako makikipag-deal sa katulad mong mataas ang tingin sa sarili!"
Napangisi si Fergus at napaayos ng tayo. "Baby, you're the one who will benefit in our deal. Pero once na matalo ka. I will claim my prize."
Pamatay ang ngiting ibinigay nito sa kanya. Pero hindi siya nagpadala sa mga ngiting 'yon ni Fergus.
"Sorry. I don't have time for that nonsense deal. Mas maigi pang kay Nina mo na lang ibigay ang deal mo," sabi niya saka tinalikuran na ang binata.
Hinuli ni Fergus ang kamay ni Bithia at napaharap ito sa kanya. Pinagsalikop niya ang mga daliri nila.
Bumaba ang tingin ng dalaga sa mga kamay nila. Saka umangat ang tingin sa kanyang mukha. Napatiim ito at pilit na iwinawaksi ang kamay. Pero mas hinigpitan niya at hindi pinakawalan ang kamay nito.
"Makinig ka lang, baby. Tiyak naman ako na matutuwa ka sa magiging deal natin."
Masamang tiningnan siya ni Bithia. "Okay! But first, get off your hand. Second, don't call me baby! Ang ninong ko lang ang tumatawag ng baby sa akin at ang parents ko," pagtataray nito. Natawa si Fergus. Saka binitawan din si Bithia. "Sabihin mo na ang deal mo!"
Naalibadbaran na ang dalaga sa kanina pang endearment na sinasabi ni Fergus.
"Ang sabi mo, hinding hindi ka magkakagusto sa 'kin?" Tumango naman ito sa kanya. "So, let's make a deal. I will make you fall in love with me after one week. Just seven days, Bithia. Gagawin ko, para magkagusto ka sa 'kin."