Hindi inakala ng mga gabay na hahantong sa pagkamatay ng dalawa sa kanilang kasama ang ginawa nilang pagtatangkang kilalanin ang batang sa tingin nila ay nagtataglay ng maharlikang dugo. Sinubukan na gamitin ng punong gabay ang kanyang kapangyarihan ngunit madaling nadepensahan ng batang kanilang pinupunyerya ang atake at nagawa panitong ibalik ang kapangyahihan sa kanilang lima.
Sa tindi ng pagkakabalik ay tila naubusan ng pwersa ang punong gabay. Hindi pa nila inasahan ang sumunod na nangyari. Dahil bago pa man sila makatakas ay natikman nila ang galit ng isa sa mga makapangyarihang Anito. Ang Anito ng langit.
Pinamalas nito ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapaulan ng kidlat sa kinaroroonan ng mga Gabay. Ilang sandali din ang tinagal ng pag-atakeng iyon na inakala nilang katapusan nila. Buti na lamang at lumitaw ang Panginoong Minokawa, Panginoong Adarna at ang Panginoong Lumpong.
Agad na kumilos ang Panginoong Minokawa at pinaamo ang nagwawalang Anito. Agad namang nahinto ang kanyang pag-atake. Kumilos naman ang dalawa pang mga Anito upang matulungan ang natitirang Gabay.
“Kung sanay lumisan na lamang kayo sa lugar na ito.” Wika ng Anitong Minokawa. “Hindi sana ay hindi na ninyo natikman ang galit ni Miragus.”
Kasalukuyang binibigyang lunas ng Panginoong Lumpong ang mga Gabay. Swerteng hindi malubha ang natamong pinsala ng Punong Gabay dahil sa dalawang gabay na ginawang pananggala ang mga sarili upang mailigtas ang kanilang pinuno.
“Tanging sa dugong bughaw ng nasirang kaharian ng Minokawa lamang sumasagot ang Anito ng Langit. Paano nangyari na kumikilos siya gayong alam nating matagal nang winakasan ng Consejo ng Banal ang Kaharian ng Minokawa.” Hindi makapaniwalang wika ng Punong Gabay.
“Sumasagot ang mga Anito sa sino man nila naisin. Totoong ang Anitong gaya ni Miragus ay sumasagot lamang sa dati naming panginoon ngunit ngayong malaya na kami ay magagawa na naming pumili ng maaari naming protektahan. Nagkataon lang na ang pinag-iinteresan ninyo ay ang mortal na napupusuan niya.” Sagot naman ng Panginoong Lumpong.
Hindi na nakasagot ang Punong Gabay. Ngunit sa isipan nito ay may kung anong namumuong palaisipan. Ngunit dahil sa takot ay minabuti nitong iwaksi na lamang upang masiguro ang kaligtasan nilang tatlo.
Batid ng Punong Gabay kung anong kapanngyarihan ng anitong sumalakay sa kanila. Kung tutuusin ay kaya sila nitong pulbusin gamit ang iisang kidlat nito.
“Minumungkahi kong lisanin na ninyo ang lupaing ito. Hindi lamang ang Panginoong Miragus ang anitong nananahimik rito. Kung may pagtangi kayo sa buhay ninyo ay huwag na kayong bumalik pa.” Tila may pagbabantang wika ni Panginoong Adarna.
Alam ng Punong Gabay na may katotohanan sa sinabi ng Panginoong Adarna. Nararamdaman niya na sa lupaing iyon ay may mga lakas na nagkukubli na naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Marahil ay dito nanahan ang mga Anito na pinangangalagaan ng kaharian ng Minokawa. At kung sakaling malaman ito ng mga taga-Consejo ng Banal ay tiyak na hindi sila mangingiming sugudin ang parteng ito ng Himaya. Ngunit nakikita niyang hindi magiging madali kung saka-sakali.
Minabuti nalamang ng Punong Gabay na lisanin ang lupain kasama ng dalawa niyang alagad. Sa daan ay mahigpit na pinagbawal sa kanyang kasa na huwag ipapaalam ang nangyari sa kahit na sino man. Binalaan niyo ang mga ito na maaapektohan ang balanseng iniingatan nila kung sakaling may makaalam sa lugar.
*****
Kyuu POV
Mabilis na dumaan ang mga oras. Bago pa man kumagat ang dilim ay dinala ako ni Ama sa kagubatan. Pamilyar ang paligid dahil doon nangyari ang sinasabi nilang pamukaw. May naka ayos na doong mauupuan habang sa gitna nito ay may may sigang nagsisilbing ilaw kasama ang liwanag ng buwan at mga bituin habang. Walang kahit na anong ingay sa paligid maliban sa mga huni ng mga insekto sa paligid.
Pinaupo ako ako ni Ama sa isang parte ng upuan habang siya ay umupo naman sa harapan ko. Dinagdagan nito ng mga sinibak na kahoy ang siga bago niya ako harapin.
“Bago mo harapin ang iyong Anitong Anima ay gusto kong maunawaan mo muna ang mga bagay-bagay.” Pagbasag ng katahimikan ni Ama. “Ang pagiging Bagani ay hindi basta-bastang estado. Kinakailangan mong dumaan sa mga pagsasanay at pag-aaral.”
“Kailangan kong mag-aral para maging Bagani? Pero hindi po ba’t isa na akong ganap na Bagani Ama?” Nalilito kong tanong na ikinalukot ng mukha ni ama.
“Hindi dahil dumaan ka na sa pamukaw ay isa ka nang Bagani. Ang pamukaw ay isang baiting lamang ngunit malayo ka pa sa pagiging Bagani, Kyuu.” Pagsaway nito. “At kahit na ganap kanang bagani ay hindi mo dapat maliitin ang naitutulong ng pag-aaral.”
Natahimik na lang ako. Napagtanto kong may bahid ng kayabangan ang tinuran kong iyon.
“Dahil dumaan ka na sa pamukaw ay kailangan mo namang patatagin ang iyong palakasin ang iyong panloob na lakas upang ganap mong magamit ang kapangyarihan ng iyong Anitong Anima.” Pagpapatuloy ni Ama. “Tandaan mo na ang Anitong Anima ang siyang pangunahing sandata mo maliban sa pisikal mong lakas lalo na kung makakaharap mo ang isa ring Bagani.”
Nagpatuloy pa si Ama. Pinaliwanag niya ang mga antas ng kapangyarihan ng mga Bagani at ang mga uri ng mga Anito.
Ayon kay Ama ang bagani ay may limang antas.
Anang antas – Sibol: Mula sa Pamukaw hanggang matapos ang unang pantas.
Ikalawa antas – Karaniwan: Pagsisimula at pagtatapos ng pangalawang Pantas.
Ikatlo antas – Pinilian: Bunga ng pagsasanay, pagtaas ng antas ng lakas at kayang isamo ang tatlong Anitong Anima.
Ika-apat na antas – Dakila: Bunga ng pagsasanay, pagtaas ng antas ng lakas at kayang isamo ang limang Anitong Anima.
Huling antas – Banal: Bunga ng pagsasanay, pagtaas ng antas ng lakas at kayang isamo ang siyam Anitong Anima o higit pa.
Ang mga uri ng Anitong Anima:
Mandirigmang Anito
Punong Anito
Mitikong Anito
Anitong Banal
“Bago ka makapasok sa Academya ng Unang Pantas kailangan mong marating ang itinakdang antas kung kaya simula bukas ay sisimulan na natin ang iyong pagsasanay.”
Pigilan ko man ngunit hindi ko mapigilang masabik sa sinabi ni Ama. Madalas naman akong sanayin ni Hugo pero mukhang ibang uri ng pagsasanay itong sinasabi ni Ama.
“Ngunit bago pa dumating ang bukas gusto kong ayusin mo ang sarili. Gusto kong mamalandong ka nang malaman natin ang iyong antas.”
Mabilis ko namang sinunod ang sinabi ni ama. Inayos ko ang aking pagkakaupo at ipinikit ang aking mata. Muli kong sinubukang bakantehin ang aking isipan at sinubukang kolectahin ang enerhiya sa loob ko. Maya maya pa ay naramdaman kong may mga enerhiyang nahihigop ang aking katawan mula sa paligid.
Sa hindi ko mapaliwanag na dahilan ay tila nadala ako sa isang kawalan. Sa aking harapan ay nakita ko ang higanteng usa na may sanga-sangang sungay. Yumukod ito na tila nagbibigay galang. Yumukod din ako bilang paggalang. Maya-maya pa ay unti-unting nagbago ang anyo ng usa at nabuo ang isang bulto ng tao.
“Ilakid?” Usal ko nang mapagtanto kong sino ito.
“Pagbati, mahal na Prinsipe. Ako ang Anitong Lumpong. At ako ang iyong Anitong Anima. Ikinagagalak kong ipagkaloob sa iyo ang aking kapangyarihan.” Nahihimigan sa kanyang tinig ang tila ipinagmamalaking niyang maging Anitong Anima ko. Dama ko sa kanyang kapangyarihan ang lakas at tapang.
“Ikinagagalak kong tanggapin ang iyong kapangyarihan.”
Muli akong binalot ng pwersang hindi ko nakikita. Palagay ko ay nanunuot ito sa aking balat. Ang kaninang hindi mapaliwanag na pwersa na nanggagaling sa aking paligid ay pakiramdam ko ay sumasanib sa aking sariling pwersa.
“Mahal na Prinsepe, simula sa araw na ito ang kapangyarihann ko ay kapangyarihan mo na din. Tayong dalawa ay konektado, ang iyong pagdadalawang isip ay magiging akin, kaya sana sa lahat ng bagay na iyong gagawin, ibigay mo ang iyong ganap na determinasyon. Iwaksi ang pag-aalinlangan at ipagkatiwala mo sa akin ang lahat.”
Minulat ko ang aking mata. Bumalik na ako sa kagubatan pero palagay ko naman ay hindi naman ako nawala.
“Kahanga-hanga.” Rinig kong bulalas ni Ama. Agad ko siyang nilingon na may pagtatanong na tingin. “Ang antas ng iyong lakas ay mahahalintulad sa lakas ng mga magsisimula na sa pangalawang pantas.” Hindi maka paniwalang wika ni ama.
“Dahil habang nagbubulag-bulagan ka ay lihim na inihahanda siya ni Hugo.” Doon ko lang napansin na kasama na pala naming sina Avira, Hugo at si Alakid.
Nasa pangkaraniwang anyo sila maliban kay Alakid na hindi nagbago ng anyo maliban sa kasuotan. Suot nito ang kasuotan na gaya ng suot ng dalawa kanina ngunit kulay tsokolate naman ang kulay nito. Nakita kong ngumiti ito sa akin na ginantihan ko naman.
“Ngayong tapos na ang pamukaw at pagsasaisa ay unti-unti nang hihirap ang iyong pagdadaanan.” Si Hugo na may kislap ang mga mata habang sinasabi iyon.
“Ngunit sa ngayon ay oras na para magpahinga muna, Mahal na Prinsepe. Bigyan mo ng oras ang iyong katawan na makipagay sa kapangyarihang taglay mo na ngayon.” Agad na wika ni Ilakid.