bc

The Lost Prince of Minokawa

book_age16+
190
FOLLOW
1K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
sweet
bxb
serious
royal
another world
superpower
rebirth/reborn
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

Rise From The Ashes: King from Nobody Entry

Kiron died in an accident in the modern world and when he opened his eyes again, he is now in the other world. He is not Kiron anymore but he is now called Kyuu. He is now leaving a new life as Kyuu in the strange land called Himaya.

Kyuu grows up in a Barrio with his father who is so overprotective of him. Despite this, Kyuu has still positivity in life. With the help of his childhood friends, he was able to learn how to fight and do certain things. Until one morning, Kyuu sneaks into the forest to hunt some meat and his awakening happened. His Bagani power manifested and able to claim an Anitong Anima without knowing.

chap-preview
Free preview
Prologue: Ang Pagbagsak ng Kaharian ng Minokawa
“Kamahalan, kailangan na po ninyong lisanin ang palasyo. Dumadami na ang sumasalakay sa atin.” Tinig ng isa sa mga Heneral Oro ng Kaharian ng Minokawa. “Hindi ko pwedeng iwan ang aking nasasakupan. “ Tugon ng hari. Tumingin ito sa pinamalapit na bintana. Natanaw nniya ang mga kawal ng kahariang nakikipaglaban sa mga kawal ng Consejo ng Banal. “Ngunit kamahalan, kayo lang at ang prinsipe ang magiging pag-asa n gating mamamayan sakaling masakop tayo ng mga kalaban.” Wika naman ni Aramis, ang Punong Tagapayo. Natigilan ang Hari nanng bang gitin ng Punong Tagapayo ang kayang anak. Hindi dapat madamay ang kayang anak sa digmaang ito. “Aramis, kunin mo ang aking anak at ilayo mo siya rito.” Utos ng Hari. “Siya ang magiging pag-asa ng kaharian.” “Ngunit kamahalan…” Sasagot pa sana si Heneral Oro subalit kumumpas na ang Hari. Senyales na may roon siyang tinatawag na Anitong Anima. Mula sa kawalan ay lumitaw ang dalawang Anitong Anima na nagkatawang lalaki. Sina Avira, ang ibong sumisimbolo sa kaharian, ang mitikong ibong Minokawa at Hugo, isa mitikbong Adarna. “Kamahalan, sinamo ninyo kami?” Si Avira. “Bakit hindi pa kayo lumilisan kamahalan?” Tanong naman ni Hugo. “Wala nang panahon. Makinig kayo.” Anang Hari. “Sa mag oras na ito, isinasalin ko ang inyong kapangyarihan sa aking anak. Proteksyonan ninyo siya at alagaan upang sa takdang panahon ay siya ang magtataguyod ng ating pinaglalaban.” Kasabay ng tinuran ng hari ay ang paglipat ng animoy gintong sinulid mula sa noon g hari patungo sa noo ng natutulog na prinsipe. “Kamahalan! Sumusugod na ang mga kawal ng Kaharian ng Umalagad sa silangang bahagi ng kaharian.” Pag-uulat ng isa pang Heneral. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng Hari. Alam niyang mahihirapan ang kanyanng mga kawal at Bagani na mapuksa ang mga kalaban. Kilalang magagaling sa paggawa ng sandata ang mga taga-Kaidalman. “Aramis, Lumisan na kayo. Sa Kanluran, dumaan kayo sa kanluran. Hindi kikilos ang Kaharian ng Alkohnost.  Magmadali kayo.”  Nagdadalawang isip man ay kiumilos si Aramis. Naglaho naman ang dalawang Anitong Anima at nagpatiuna sa tatahaking daan ng taong may gala sa batang tagapag mana. “Heneral Oro, siguraduhin mong makalayo ang ating mamamayan sa lugar na ito. Siguraduhin mong ligtas ang limang pinunu.” Muling utos ng Hari. “Kamahalan, Hayaan ninyo akong lumaban at kayo na ang sumama sa mga Pinunu. Nang sa ganoon ay maligtas din kaya.” Nagsusumamong pakiusap ni Heneral Oro. Hindi nito maatin na iwan ang kanyang Hari na haharap sa kapahamakan samantalang siya ay maliligtas kasama ng mga pinunu. “Ako ang Hari ng Minokawa, nasa pangangalago ko ang kaligtasan ng aking nasasakupan. Ngunit hindi ko din kayang iwan ang aking mga kawal at baganing nakikipaglaban at nahaharap sa kamatayan.” Mula pa noong una ay inuuna nan g hari ang kapakanan ng nakakarami at ng kanyang nnasasakupan. Ito ang dahilan kung kaya mas madami ang kanyang tagapanalig kung ikukumpara sa Consejo ng Banal. “Kamahalan, sa oras na masiguro ko ang kalagayan ng mga pinunu at kanilang nasasakupan ay babalik ako upang sumali sa pakikipaglaban.” Ani ni Heneral Oro. Kasama ng Limang Maharlikang Bagani ay sinamo ng mga ito ang kanilang Anitong Anima upang sumanib sa kanilang katawan at mamayani sa kanilang kaloobang lakas sa tulong ng kanilang ispiritwal na lakas. Kumintab ang kanilang mga kasuotan at nagsilitawan ang mga baluting handog ng kanilang mga Anito. Panghuli ay ang paglabas ng kanilang mga pakpak.  At sa hudyat ni Heneral Oro ay lumipad ang mga ito patungong hilaga. Naiwang mag-isa ang Hari ng Minokawa.Muli siyang bumulong at tinawag ang isa pang Mitikong Anito, si Chupchip, ang ibong Garuda. Lumitaw ito sa wangis ng binatilyo. “Gabayan mo ang mga Pinuno, Sa oras na masiguro anng kanilang kaligtasan ay sundan mo ang aking anak. Siya ang susunod mong pagsisilbihan.” Utos ng Hari. “Masusunod kamahalan.” Tumakbo ang binatiyo at tumalon sa bintana. Ngunit bago pa ito bumulusok paibaba ay nagbagong anyo ito sa orihinal niyang anyo. Ang Ibong Garuda. Sa pag-alis ni Chupchip ay binuksan naman ng Hari ang kanyang palad at nagsambit ng dalangin. Kuminang ang kanyang palad at unti-unti niya itong itinaas. Sinamo niya ang isa sa kanyang makapangyarihang Anito. Isang Banal na Anito, ang Panginoong Ibon ng Ulap at Langit. “Miragus, ang kaharian ay nasa bingit ng kanyang katapusan, ipagkaloob mo sa amin ang iyong suporta at kapangyarihan! Sigaw nito. Sa ilang sandali ay dumilim ang kalangitan. Kasunod ng iyak ng makapangyarigang ibon. Nagsimulang kumulog at kumidlat nagpayanig ng buong kaharian. Unti-unting pumatak ang ulan na nagpabasa kalupaan. Nagpatuloy ang mga kawal ng kaharian sa pagdepensa sa silangan at timog. Umihip ang hangin na nagpapataboy sa mga kalaban kasabay sa pagtama ng kidlat sa kanilang tinutungoan. Ngunit batid ng Hari ng Minokawa na Nagsisimula pa lang ang laban dahil hindi pa lumasabas ang mga Baganing Banal ng Consejo. Maging ang Limang Santong Bagani nito. “Mga Bagani ng Minokawa, magsihanda!” Sigaw ng Hari. Inilagay ng Hari ang kanyang magkadikit na kanang hintuturo at hinlalato sa kanyang noo at tinawag ang natitira pa niyang mga Anitong Anima.   Bilang Hari ng Minokawa at tagapangalaga ng mga Anitong Anima ay pinagkalooban siya ng labindalawang Anitong Anima ng mga Anitong Gabay upang mapangalagaan ang balanse ng bawat mundo.  Ang Mundo ng Tao, Mundo ng nga Anito at Mundo ng Kaidalman. Sa pagtawag ng Hari sa kanyang mga Anito ay kuminang ang katawan ng Hari. Magkasabay na lumabas ang kambal na Mitikong Tigre, at sumanib sa kanyang magkabilang binti. Lumabas din ang Mitikong Tagak, Mitikong Agila at Mitikong Sari Manok. Sumanib ang Mitikong Tagak sa kanyang kaliwang balikat, sakanyang didib ang mitikong Aguli at sakanyang noo ang Mitikong Sarimanok. Binuo ng limang Mitikong Anito ang ginintuang baluti ng Hari. Mula sa kanyang likod naman ay lumabasa ang kanyang Punong Anitong si Kachira, ang Mitikong Ibong naglalagablab, Ang magsisilbing pakpak at sandata ng Hari. Lumabas naman ang isa pang Anitong Anima. Isa itong Mitikong Usa na may pambihirang sungay. Nagpalit anyo ito sa pana at ang pang huling Anito Anima na isang Mitikong Lobo ay nagpalit anyo sa isang sibat. Naramdaman ng hari ang malakas na pwersa na papalapit sa kanila. Umangat siya mula sa kanyang kinatatayuan at tinungo ang tuktuk ng kanyang palasyo. Umangat naman ang apat pang natitirang Baganing Heneral. Bawat isa sa kanila ay may pakpak din. Bawat Maharlikang Bagani ay pinagkakaluoban ng Hari ng Anitong Anima na kabilang sa pamilya ng Minokawa. Bawat pwesto ay may katumbas na uwi ng pakpak. Ang mga pakpak ng mga Heneral ay nagmula sa mga Mitikong Agula. “Kamahalan, ang mga Bagani ng Consejo ay kumikilos na.” Wika ni Heneral Alreo “Kamahalan, Napahina ng Panginoong Miragus ang kalaban sa silangan umaabanse ang ating mga kawal sa ngayon.” Pag-uulat ni Heneral Bragais “Namataan na ng ating Maharlikang Bagani ang mga Santong Bagani ng Consejo. Papalapit na sila Kamahalan.” Nag-aalalang alerto naman ng Heneral Sharan. “Kamahalan, Nakahanda na po ang mga Maharlikang Bagani sa inyong utos.” Wika naman ni Heneral Linawon “Hindi dapat makaapak ang sino man sa Consejo sa palasyo. Simulan ang pag-atake!” Madiing utos ng Hari. “Masusunod, Kamahalan!” Sabay-sabay na sagot ng mga Heneral. Ang mga Heneral ay nagsibalik sa kanilang nasasakupang Maharlikang Bagani ay binigay ang hudyat ng pagsugod. Ang mga Maharlikang Bagani sa pangangalaga ni Heneral Alreo ay unang sumugod. Sila ang mga Baganing mahuhusay sa espada’t patalim. Pumwesto naman sa mga kakahoyan ang mga Maharlikang Bagani sa pamumuno ni Heneral Bragais at nag pakawala ng mga nagliliyab na palaso. Tumulong naman sa silangan ang mga Maharlikang Bagani ni Heneral Sharan. Samantalang nasa bungad naman ng kaharian ang natitirang Maharlikang Bagani kasama ng kanilang Heneral na si Linawon. Patuloy naman ang ulan, kulog at kidlat sa kalangitan na gawa ni Miragus. Nasa toktok lamang ng Palasyo ang hari. Nagpapakawala din ito ng palaso gamit ang kanyang pana at ang kapangyarihan ni Kachina. Sa kabila ng mga kaganapan sa kanyang paligid ay hindi maiwasang mangamba sa kalagayan ng kanyang anak. Hindi niya akalaing hahantong sa ganito ang kanyang panawagan sa Consejo ng mga Banal. Nasasaktan siyang isiping wala na ngang ina ang kannyang anak ay maaaring pati siyang ama ay mawawala din. Bumalik sa kasalukuyang kaganapan ang Hari. Nakita niyang nakikipaglaban na ang kanyang mga Bagani sa mga Bagani ng Consejo. Ang kapangyarihang hawak ng mga Santong Bagani ay katumbas ng kapangyahihang taglay ng kanyang mga Heneral. Kung kaya alam niyang mahihirapan ang Consejo na sakupin ang Kaharian. Ngunit isang tagpo ang nagpagulat sa kanya. Ang mga nangamatay na kawal ay binabalutan ng itim na usok at muling nabubuhay ngunit wala na ito sa kanilang katinuan. Dahilan upang umatras ang kanyang mga hukbo. Agad na bumaba ang Hari sa bungad ng palasyo kung nasaan ang natitirang Maharlikang Bagani. “Kamahalan, ang Idalmon.” Sambit ni Heneral Alreo. Datid niya ang ibig nitong sabihin. Isinamo ng punong Consejo ang kapangyarihan sa Idalmon upang palakasin ang kanyang pwersa. Isa lamang ang ibig sabihin noon. Nagbukas ng lagusan ang Punong Consejo. Ngunit nagtataka siya kung paano iyon nangyari. Ngunit bago pa niya maisip ay may tumawa na sa kanyang likuran. “Nagustuhan mo ba ang handog ko, Kamahalan?”  Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino ang nagsalita. Ang kanyang gintong Baluti ay unti-unting baging itim. Kulay ng mga opisyal ng Consejo ng Banal. “Traidor!” Sigaw ni Sharan at akmang susugurin ang traidor na Heneral. Ngunit bago pa man ito makakilos ay agad na tumama ang palaso sa kanyang balikat. Ngayon lang napagtanto ng hari na ang mga Maharlikang Bagani na nasa pangangalaga ni traidor na Heneral ay napapaligiran na sila. Pumalibot naman ang natitirang Heneral at mga bagani nito sa Hari upang protectahan siya. “Wala na kayong magagawa pa mga hangal! Ilang sandali pa ay masasakop na ng aming hukbo ang buong Minokawa! Sumoko na kayo!” Pagbabanta nito. Pero bago pa man makakilos ang mga traidor na Bagani ay agad na kumilos si Miragus upang protectahan ang kanyang pinaglilingkuran. “Makinig kayo, Sa oras na gawin ko ang ritwal ng paglilinis. Gusto kong lisanin ninyo ang kaharian.” “Ngunit kamahalan, ang ritwal na paglilinis ay …” Hindi na tinapos pa ng isang Heneral ang sasabihinn dahil sinisimulan nan g Hari ang ritwal. Nakaluhod na ito at sinasambit ang dasal.  “Sa takdang panahon, muling tatayo ang Kaharian ng Minokawa at itutuloy nito ang ating laban. Hanggat hindi pa nangyayari iyon, pilitin ninyong mabuhay nang malayo sa kapahamakan.” Bilin ng Hari habang patuloy na dumadaloy ang dugong nagmumula sa kanyang pulupulsohan.  Isang palakas na huni ang bumalot sa buong paligid na nagmumula sa kaulapan. Kasabay nang pagkawala ng mga Baganing nakapalibot sa Hari kasabay nito ang unti-unting pag liwanag ng kalangitan. “Pinakawalan mo si Miragus upang masalba ang mga natitirang mga tapat sa iyo. Pero sa iyong sarili may sasalba pa na?” Humalakhak ang Traidor na Heneral na para bang sigurado na ang kanyang panalo. “Dakpin ang Hari!” Utos nito. Ngunit sa halip na kumilos ay unti-unting nagsitumba ang mga tauhan nito. Agad namang lumipag ang Traidor na Heneral upang tignan ang nangyayari. Nanlaki ang mata nito nang mapagtantong ang mga pinakawalang palaso ng Hari kanina ay parte ng paglilinis. At bago pa niyang subukang tumakas ay kumawala sa kanyang katawan ang Anitong Anima na pinagkaloob sa kanya ng Hari. Mahuhulog  na sana ito ngunit may pwersa na parang kumuna sa kanya  at sa isang pikit mata ay nasa sahig na siya ng Capitolyo ng Consejo. Nakita niya ang kanilang Pinuno na inaalalayan ng isang kapwa niya Santong Bagani. Mukhang pati ang kanilang pinuno ay apektado din ng paglilinis.   Samantalang ang lupain ng Minokawa ay patuloy na nalilinis. Nawawala ang bakas ng Idalmon at ang mga bangkay ay kinakain ng lupa. Nagsitubuan ang mga kahoy. Samantalong ang mga buhay ang tinatanggalan ng kakayahang maging bagani. “Kamahalan, hayaan mong gamutin kita.” Pagsusumamo ni Kachina. “Mawawalang saysay ang paglilinis kung hindi matutuloy ang sakcripisyo.” Mahinang sagot ng Hari. “Kamahalan…” Bumalik sa tunay na anyo si Kachina. Kasabay noon ang pagkalas ng mga Anitong naging baluti sa katawan ng Hari. Nagsilitawan ang mga anitong Gabay. “Hinihiling ko sa mga gabay na naririto, patnubayan ninyo ang aking anak.” Hirap man ay naisatinig niya ang kanyang hiling. “Sa pagkakataong handa na siya sa kanyang tungkulin ay ihahandog ko ang aking mga baluti. Patnubayan nawa siya ng may lalang.” Naluluha itong tumingin sa kalangitan. “Aking anak, patawad sa maaga kong paglisan.” Sa isang apartment naman ay nagising naman sa kanyang pagkaka himbing ang isang binatilyo. Habol hininga itong bumangon ay dali daling kumuha ng tubig. Agad siyang uminom upang mahimas masan ng kaunti. Hindi niya maintindihan ang napanaginipan niya. Malakas ang kaboy ng kanyang dibdib habang inaalala niya ang mga pangyayari sa kanyang panaginip. Sinasabi ng kanyang isip na lahat ng iyon ay panaginip lamang ngunit sa kanyang puso ay nakakaramdam siya ng kung ano na hindi niya maintindihan. Ramdam ng kanyang dibdib na may katotohanan sa kanyang panaginip. Inubos niya ang tubig sa baso at muling sinubukang matulog. Ngunit hindi na siya dinalaw ng antok hanggang mag-umaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.3K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook