Kiron POV
Hingal kong tinakbo ang natitirang distansya ng kung saan ako ibinaba ng tricycle at ang MRT Station. Late nanaman ako nito malamang sa usapan namin ng girlfriend ko. Kung bakit kasi ngayon pa nasira ang gripo sa inuupahan kong bahay. Kinailangan ko tuloy na mag-igib sa poso ng tubig para may panligo ako. Eh anng haba pa ng pila. Hindi ko tuloy maiwasang mainis.
Pagdating naman sa bilihan ng ticket ay ay si ate cahier ay parang hindi man lang nakikita na ang haba na ng pila. Kung kumilos siya ay napakabagal. Pinigil ko na lang ang sarili ko. Ilang sandali pa ay nakabili na din ako ng ticket ay dali dali akong nagtungo sa platform upang hindtayin ang pagdating ng train.
Pagdating sa Ortigas Station ay nagmadali akong bumaba at lakad takbo kong tinungo ang pinag-usapang lugar kung saan kami magkikita ni Roxy.
Ilang taon na din kami ni Roxy. Balak ko na nga siyang yayain na magpakasal kung hindi lang nagalaw ang ipon ko. Nagkasakit kasi ang mommy niya kaya tinulungon ko siya sa mga gastusin. Ito din ang dahilan kung bakit madalang lang kami magkita dahil busy ito sa kanyang trabaho. Kaya ginagawa ko ang lahat para sa tuwing nagkikita kami ay mabigay ko ang mga gusto niya.
Nang malapit na ako sa lugar kung saan kami magkikita ay agad ko siyang nakita. May kausap ata siya sa telepono kung kaya naisipan ko siyang gulatin.
“As usual, late nanaman siya.” Dinig kong reklamo niya. “Kailangan kong hintayin kundi nganga ako mamaya.” Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin kaya hinayaan ko na muna siya. Aatras na sana ako para bigyan siya ng privacy ng matinig ko muli ang sinabi niya.
“Ano ka ba friend, Kailangan ko si Kiron para mabili ko ang gusto ko no. Sa tingin mob a makukuha ko yung condo ko ngayon kung hindi dahil sa kanya? Buti na lang matalino ako friend, sinabi kong naospital ang mommy ko. Ayon abot agad ng cash.”
Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. Hindi ko kasi nakilala si Roxy na ganoon. Anghel siya sa paningin ko. Yung mga kilos at pananalita niya sa tuwing kaharap ko siya ay isang palabas lamang.
Mabilis akong umalis sa kinaroroonan ko. Ayaw kong manatili doon dahil namamayani ang galit ko. Kung mananatili ako doon ay baka makalimutan kong babae siya. Nang makalayo na ako ay napaupo na lamang ako sa isang bench at doon ko pinakawalan ko ang frustration kong dala dala.
Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko alam kung bakit nararanasan ko ito. Wala akong naaalalang taong naagrabyado ko. Sa totoo nga niyan ay ako ang madalas na napagtitripan. Mapa sa trabaho man o sa kalye. Si Roxy lang nga ang naging maganda sa buhay ko. Tapos malalaman ko na fake din pala siya. Hindi ko tuloy mapigilang kaawaan ang sarili ko.
“Masyado naman akong pinagkakaisahan ng tadhana.” Sambit ko.
“Ba’t mo naman nasabi?” Otomatiko akong napalinngon sa nagsalita. Ngayon ko lang napansin na may mamang pulubi palang nakaupo sa di kalayuan kung saan ang bench na inuupuan ko.
Dala marahil ng frustration at sama ng loob ay na ikwento ko ang mga nangyari. Masyado na kasing mabigat at kailangan kong mailabas.
Nakinig naman si kuyang pulube. Hinayaan lang niya akong magsalita. Kahit papaano ay unti-unting gumagaan anng loob ko.
“Marahil ay hindi dito ang kapalaran mo.” Sagot nito na higit kong pinagtaka dahil iba ang boses niya. Naalala ko tuloy yung reality show na madalas kong panoorin sa TV. Kaboses kasi niya.
“Big Brother?” Nagawa ko pang magbirp niyan kahit nadudurog ang puso ko.
“Kung sakaling mabibigyan ka na mabuhay muli mananatili ka ba rito?” Seryosong tanong ni Kuya Pulube.
“Sa totoo, kung meron lang akong mapupuntahan ay ayoko na dito. Kung sakaling mabubuhay ako uli, mas gugustuhin kong mabuhay sa ibang mundo naman. Yung mararamdaman kong importante ako. Yung may purpose ako bilang tao. Pakiramdam ko kasi, isa lang akong joker dito.” Huminga ako ng malalim at tumingin sa kausap.
Agad kong kinuha ang wallet ko at kinuha ang dalawang libong piso doon at binigay ang pera sa kanya.
“Kuya, bumili ka nang pagkain at ng kailangan mo. Wag mong pangyoyosi o pangrurugby yan ha.” Bilin ko sa kanya bago pa man ako tumayo. Muli akong humigit ng malalim na hininga bago maglakad muli. Kung saan ako papunta ay hindi ko alam.
Naisipan kong aliwin ang sarili at e-pamper ang sarili. Lagi na lang akong tumutulong at naloloko kaya napagdesisyonan kong gastusin ang pera ko para sa sarili ko. Nagbook ako ng isang kwarto sa isang five star hotel. Bago pa man ako magcheck in ay namili naman akong mga gamit at damit. NNaisipan ko din magpaayos ng sariling look. Gusto kong simulant ang buhay ko na pinapahalagahan ang sarili.
Papunta na ako ng hotel ng mapansin ko ang batang patakbo takbo habang hawak hawak ang isang bola gamit ang dalawang kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bata.
“Buti pa ang mga bata, laro lang ang naiisip.” Nasambit ko habang patuloy sa pagmamasid dito.
Napansin kong tinawag ng isang babae na sa tingin ko ay ina ng bata. May kausap sa telepono yung babae na hindi man lang nabahala na malapit siya sa daan at kasama pa ang anak nito. Sa kabilang banda naman ay sa hali na lumapit ang bata ay nagtatatakbo ito palayo sa babae. Maya maya pa ay nabitawan nito ang bola. Agad akong tumakbo nang makitang tatawid ang bata upang kunin ang bola. Eksakto namang may mga mabibilis na sasakyang parating.
Nataranta na ako dahil sa pwedeng mangyari ang bata. Mabilis akong kumilos para sagipin ang bata. Dahil alanganin nang tumigil ang sasakyan at anu mang sandali ay mababangga at mababangga nito ang bata. Kung kaya tinulak ko nang malakas ang bata upang sa halip na siya ang mabangga ay ako ang mabangga na siya namang nangyari.
Sa lakas ng impack ng pagkakabangga ay nnaramdaman ko ang pag-angat sa ere. Nagsimulang kumalat ang sakit sa aking katawan. Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa sahig kung saan unang bumagsak ang ulo ko. Nawawalann na ang ng pakiramdam. Ni hindi ko nga marinig ang mga nagkakagulong mga tao. Marahil ay ito na ang hudyat na mamamatay na ako. Ano’t anu pa man ay hindi ko pinagsisisihan na sinagip ko ang bata.
Sinubukan kong hanapin ang bata. Gusto kong malaman kung ligtas ba siya. Malapit nang pumikit ang mata ko. Nauubusan na ako ng hangin sa katawa at hindi na makagalaw ay katawan ko. Bago pa man tuluyang magsara ang mata ko ay nakita ko ang batang karga karga ng umiiyak na babae. Lihim akong nagpasalamat dahil hindi napaano ang bata. Sa puntong iyon ay tuluyan ko nang isinara ang aking mga mata. Kung sakali mang hindi na ako makadilat pa ay masaya akong mawawala sa mundo. Kahit papaano ay naging makabuluhan ang huling sandali ng buhay ko.
“Sa totoo, kung meron lang akong mapupuntahan ay ayoko na dito. Kung sakaling mabubuhay ako uli, mas gugustuhin kong mabuhay sa ibang mundo naman. Yung mararamdaman kong importante ako. Yung may purpose ako bilang tao. Pakiramdam ko kasi, isa lang akong joker dito.” Narinig ko ang sarili kong nag sasalita. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil wala akong makita. Pakiramdam ko ay nakapikit ako.
“Nagsisisi ka ba?” Agad kong nakilala ang boses na iyon. Siya yung pulube kanina. Hindi ko man siya makita.
“Hindi.” Maikli kong sagot. “Masaya akong nailigtas ang bata”.
“Masaya akong marinig iyan. At sana sa pagmulat mo ay magustuhan mo ang handag ko sa iyo.”
Pagkasabi noon ay unti unti kong natatanaw ang liwanag. At nang tuluyan nanag mabukasan ko ang mata ako ay ibang mundo na anng ginagalawan ko. Ibang mga tao ang nakapaligid sa akin. At higit sa lahat, ibang pangalan na ang tawag nila sa akin.
“Kyuu, gutom na ba ang mahal kong Prinsepe?” Rinig kong tanong ng taong hindi ko kilala pero familiar siya at magaan sa pakiramdam.
Pero bakit hindi ako makapagsalita? Ano nangyayari at bakit tila malalaki ang mga taong nasa paligid ko. Napansin ko din na may roong nagbabo sa paraan ng aking pananalita. Naguguluhan ako.