Revenge

2106 Words
"Ayos ka na ba?" tapik niya kay Jordan nang makitang medyo wala na ang pamumula nito. Tumango ito pero hindi nagsalita, nagising lang ang diwa ng kaibigan niya nang bigla na lang mag ring ang cellphone nito, parang itong nabuhusan ng malamig na tubig sa bilis ng pagdilat kasabay ng pagsagot. "Hello!" balisang saad nito. "Opo ma, pauwi na po ako," buong lambing nitong pagpapaalam. Napapigil na lang siya ng tawa habang pinagmamasdan si Jordan, tila kasi para nanaman itong isang makulit na bata habang kausap ang ina. "May tinapos lang po kasi kaming magkakaklase na project." Pinandidilatan siya nito ngunit sadyang hindi niya mapigil ang hagikgik. "Po?" Nasuntok na lang ni Jordan si Luke sa balikat nang kumawala ang malakas na bungisngis. Isang malalim na hininga muna ang ginawa niya bago magsalita. "Kasama niya po ako tita!" singit niya na lang dito. Halata naman ang gulat nito sa ginawa niya. "Si Luke po!" ganoon na lang ang pagkatulala nito. "Opo," magiliw nitong saad matapos nag ilan pang sandali at halatang nawala na ang takot. "Yes po, pauwi na po kami." Ngisi nito bago babaan ang kausap. "Siraulo ka talaga tol, buti na lang hindi nag-alala si mama," baling nito sa kanya, ganoon na lang ang halakhak niyang muli kaya naman napabusangot na lang ito. "Nawala bigla amats mo ah," asar niya. "Ihatid mo na nga lang ako sa bahay." Suntok nito muli sa kanyang balikat na mabilisan niya naman na naiwasan ngayon. Matapos noon ay agad na lang niyang binalikan ang mga kaibigan dahil halos walang patid na ang naging pagtawag ni Andrew sa kanya. "Tang ina naman pare, magpapaiwan kayo sabay papasundo rin pala kaagad," maktol niya pakalapit ni Andew. Halos alas dose y medya pa lang kasi pero nangungulit na ito, hindi na tuloy siya nakadaan sa condo niya para man lang sana makapaghilamos at palit ng damit. "May kasama kasi tayo!" Paniniko nito sa tagiliran niya, doon niya lang namalayan na may tatlong babae ang nakasunod sa dalawang kaibigan niya. "Ladies, this is our friend, Luke!" pagpapakilala nito. Isang nakakalokong ngiti lang ang gumuhit sa mukha niya nang makita kung paano tumitig ang mga ito sa kanya, sigurado niyang napapayag nanaman ang mga ito ng dalawa niyang kaibigan. "Shall we?" bukas ni Vincent ng pintuan ng kotse, ngiting-ngiti naman sumakay ang mga ito. Akmang sasakay na siya nang may maaninag sa hindi kalayuan, mabilis na umaalab ang kanyang galit na parang bang binibiyak ang kanyang dibdib, kaya napakuyom na lang siya ng palad, nanginginig ang bawat kamao niya sa pagnanais na manakit. "Luke!" alog ni Vincent sa kanya, doon lang siya parang nahimasmasan. "What the f**k man, are you alright?" kunot noo nitong tanong, batid ang pag aalala ng kaibigan dahil sa bahagyang pagkakatulala ni Luke. "Ah! Oo," pilit ngiting sagot niya. "Mauna na kayo, susunod na lang ako," pagtutulak niya rito. Lalo lang tuloy kumunot ang noo nito. "Are you serious?" pigil nito sa ginagawa niya. "Oo, may kailangan lang akong gawin." Buong lapad na ngiting balik niya, hindi niya kasi gustong mapansin nito ang dahilan ng kanyang inis. "Guys, ano ba?" Litaw ni Andrew sa likod ni Vincent. "Luke's not coming," nakasimangot na saad ni Vincent. "What?" gulat na tingin nito kay Vincent sabay sa kanya. "Emergency man." Tig-iisang tapik ang ibinigay niya sa mga ito bago yumuko para humingi ng paumanhin. "Bawi ako next time, promise," paalam niya bago iwan ang dalawang kaibigan na hindi makapaniwala sa ginawa niya. Bakas ang tampo at pagkadismaya sa mga mukha nito, ngunit isinawalang bahala niya na lang iyon, dahil isang bagay lang ang tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na iyon. Patakbong lakad ang ginagawa niya, pero kahit na ganoon ay sinisiguro niyang tago siya at hindi pansin ng mga tao. Ganoon na lang ang panggagalaiti niya habang pinagmamasdan ang kanyang ama na may akbay na dalawang babae na halos hindi nalalayo sa edad nilang magkapatid, kahit tanggap niya na sa sarili na hindi na magkakabalikan ang kanyang mga magulang, hindi niya mapigilan ang matinding inis at galit sa ama dahil sa kawalan nito ng paki-alam sa nararamdaman ng kanyang ina, lalo na at nakikita niya itong nagpapakasaya habang ang ina niya naman ay naninibugho. Nakadama lang siya ng matinding kaba nang makita kung sino ang kasama nito. Sinalubong ito ni ginoong Albueno na ngiting-ngit pang nakipagkamay dito. Ipinakikilala ng kanyang ama ang mga kasamang babae dito, kaya napagtanto niya na ito pala ang sinasabi nito kanina na lang. Maingat pa rin niya itong sinundan hanggang sa sumakay ang mga ito sa kani-kanilang sasakyan na may kanya-kanya ng bitbit na babae. Doon na siya nagmamadali sa pagkilos, sinubukan niya pang kumuha ng taxi para mahabol ito, ngunit wala siyang makuha ng mga oras na iyon kaya napapunas na lang siya ng mukha sa pagkadismaya dahil hindi niya na ito magawang masundan, asar na asar niyang pinagmamasdan ang paglayo ng mga kotse. Nagulat na lang siya sa biglaang paghinto ng isang sasakyan sa kanyang harapan, agad na bumaba ang salamin ng bintana nito. "Get in!" turan nito. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ngunit hindi na siya nagdalawang-isip pa na sumakay dito. Nakadama siya ng pakailang sa katahimikan nila, nahihiya siya dahil sa pagkasangkot ng ama, ngunit hindi na siya nag-atubiling magsalita. Hindi niya gustong mawala ito sa konsentrasyon sa pagmamaneho dahil maaaring mawala sa kanilang paningin ang mga hinahabol, kaya itinutok niya na lang ang kanyang atensyon sa kanilang harapan upang mabantayan ang mga sinusundan. Tiim bagang niyang pinagmasdan ang mga kotseng pumasok sa isang eksklusibong condominium complex. "Mam, ano pong ginagawa niyo, baka mahuli po tayo!" balisa niyang baling dito. Matapos kasi makalayo ng kaunti ang mga sinusundan nila ay siya naman andar nito papasok sa nasabing lugar. Nakakasiguro kasi siyang hindi sila basta-basta makakapasok doon dahil sa mga guwardiyang nakabantay. "Don't worry, I have a friend who lives here," turan nito. Doon lang siya nakadama ng pagkalma, kaya tahimik na lang siya umayos ng upo. "Good evening po mam, saan po sila?" Silip ng guwardiya sa bintana. Agad na lang siyang lumihis ng tingin sa mga ito at hinayaan na lang ang kasama na kumausap dito. "Yes, kay misis Faurer, Tower 2 sa Unit 10B," kaswal nitong paalam. Mabilis silang nakapasok pakabigay nito noon, pero nadismaya siya dahil nawala na ang mga ito sa kanilang paningin. "Don't worry, I know where they're going," saad nito, kumusot na lang tuloy ang kanyang mukha sa pagtataka. "We talked to your dad, he was planning on buying our property here for one of his family member," ngising sambit nito. Agad na lang siyang napasimangot, alam niyang hindi iyon para sa kanya dahil nabilhan na siya nito at sigurado niya naman na hindi iyon tatanggapin ng kanyang kapatid, impossible rin naman maging para sa mama nila iyon dahil ayos na ito sa tinitirhan ngayon. "Looks like it's for someone else," irritable nitong sambit. Sigurado niyang nabatid nito ang iniisip niya kaya mas lalo lang siyang nakadama ng hiya sa ginagawa ng ama. Walang imik na lang siyang sumunod dito hanggang makaakyat sila sa palapag ng sinabi nitong unit, napatigil na lang siya sa harap ng pinto nang buksan nito iyon gamit ang sariling susi. "Don't worry, walang ibang tao dito." Senyas nito sa kanya para sumunod. "Close the door," madiin nitong sambit bago siya iwan. Ginawa niya naman iyon habang nagmamadali itong pumasok sa isang kuwarto. Malaki ang lugar na iyon, tantsa niya ay tatlong unit iyon na pinagsama-sama, makaluma ang desenyo at kaunti lang ang mga gamit, kaya naman malawak sa paningin. Ngunit may kung anong kakaiba siyang nararamdaman sa lugar na iyon lalo pa at may mangilan-ngilan na disenyo ang bawat pinto ng mga kuwarto roon, kaya hindi niya mapigilang kabahan. Dahan-dahan siyang sumilip sa kasama na nakatayo sa harapan ng bintana. Patay ang ilaw sa silid na kinalalagyan nito, kaya naman siguradong hindi kita ang babae mula sa labas. May kaunti lang na liwanag na nagmumula sa isang laptop na nakalapag sa lamesang ilang dipa ang layo mula sa babae. Dahil na rin sa kuryosidad ay pasimple na lang niyang pinagmasdan ang naturang gamit at nagulat na lang siya nang makitang mayroon isang telescope na nakakabit dito. Hindi niya iyon kaagad napansin dahil natatakpan iyon ng kurtina habang nakatutok sa may bintana. Kita niya sa screen na nakatuon ito sa isa sa mga bintana ng katabi nilang condo unit na nasa bandang ibabang palapag. Lumapit na siya para mas mapagmasdan iyon ng mabuti at agad naman na uminit ang dugo niya nang makita ang amang masayang nakaupo at sinasayawan ng kasama nitong babae kanina. Naroon rin ang asawa ng kasama niya na nakikipaglampungan naman sa kapareha nito habang naka-upo sa sofang naroon. Napalingon na lang siya ng marinig ang teleponong naka-speaker phone, tinatawagan na pala ng babae ang asawa nito, kaya pinagmasdan niya na lang sa monitor kung paano lumayo ang lalake sa mga kasama para sagutin ang tawag. "Hey love!" magiliw na sagot ni ginoong Albueno. Napapangisi na lang siya sa tuwa sa kaalaman na walang kamalay-malay ang mga ito na nirerecord nila ang mga nangyayari mula sa kinaroroonan. "How's the deal going dear?" buong lambing na saad naman ng kasama niya rito. Binalingan niya na lang tulog ang babae, parang masaya kasi ang boses nito kahit na nakasimangot na ito at nagngingitngit habang nakatinigin sa monitor ng laptop. "Well, we're still discussing it, kilala mo naman to si Luther, medyo metikuloso pagdating sa properties niya," magiliw na sagot ng lalake. Napangisi na lang si Luke ng mapait sa palusot nito. Naroon ang kanyang inis dahil kahit na wala na sila sa poder ng ama ay nagagamit pa rin sila nito sa kalokohan. "Matatagalan pa ba kayo?" malambing na sambit muli ng kasama niya. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa lalake, kitang-kita nila sa monitor kung paano nito senyasan ang mga kasama na tumahimik. "Baka umagahin na kami, gusto niya rin kasi tingnan iyong property natin sa tagaytay, he looks interested." Kita niyang huminga ng malalim ang babae habang hinihilot ang sintido nito, halatang nagpipigil ito ng galit ng mga sandaling iyon. "Really, that's nice to know, itutuloy pa ba natin iyong breakfast meeting tomorrow?" pilit kalmadong tanong nito kahit kitang-kita na ang panlilisik ng mga mata nito sa sobrang galit. "Let's just cancel it for now," tuwid na saad ng lalake. Nadinig niya na lang ang malutong na pagkabasag ng hawak ng ginang dahil sa narinig, pinagmasdan niya kung paano ito pumikit kasabay ng sunod-sunod na paghinga ng malalim. "Okay, pupunta na lang ako sa gym then," turan na lang ng babae. Medyo nakadama na si Luke ng takot sa panggagalaiti nito, kahit kalmado pa rin itong sumagot. "That's good, I'll see you tomorrow love," magiliw na saad ng lalake. "Bye dear," huling sambit nito bago babaan ng lalake. Ibinalik na lang ni Luke ang tingin sa screen ng laptop nang mapansin ang isang luhang kumawala sa mata ng kasama kasabay ng pagkakaupo nito sa kama habang napapasapo na lang sa ulo. Halos mapatalon na lang siya sa gulat nang bigla ng ibato ng babae ang telepono nitp sa kung saan. Pasimple niya na lang itong inaninag, kaya napansin niyang pinupunasan nito ang ilang luhang nasa pisngi, nanatili lang siyang parang tuod doon ng padabog itong lumabas ng kuwarto. Panaka-naka siyang sumisilip sa labas ng silid, kabado niyang pinakikinggan kung lumabas ba ito para sugurin ang mga nasa kabila. Nakadama lang siya ng paghinahon nang marinig ang tunog ng baso at pagbukas ng kabinet mula sa labas. Agad na lang siyang bumalik sa may laptop upang doon muling ituon ang atensyon nang marinig ang pagbabalik ng kasama. Mayroon na itong dalang isang baso ng alak nang pumasok sa loob. "What's happening?" baling nito sa kanya bago lagukin ang hawak. Napalunok na lang siya dahil sa kawalan ng atensyon sa pinanood, dahil hindi na niya nakita ang mga sumunod na nangyari dahil patay na ang ilaw sa sinusubaybayan nilang lugar at sarado na ang mga kurtina roon. "Uhm, pu...pumasok na po yata sila sa kuwarto," kabado niyang sagot sa naisip na mga ginawa nito habang hindi siya nakatingin. Nanlaki na lang ang mga mata niya ng ibaba nito ang baso at nagmamadaling lumapit sa kanya. Napaatras na lang siya ng halos ilang dipa na lang ang layo nito sa kanya dahil nabatid niya ang kakaibang panlilisik ng mga mata nito. Mabilis man ang kanyang naging pagkilos ngunit hindi siya gaanong nakalayo dahil sa lamesang nasa kanyang likod. Napasinghap na lang siya, sabay kapit sa mesa ng sakmalin nito ang kanyang pagkalalake, sabay lapit ng mukha sa kanya. "f**k me!" mapang-akit nitong bulong bago ipaglapat ang kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD