Chapter 13
Sandali ako natulala. Sa ilalim ng madilim na langit, sa maliwanag na buwan at bituin, muli kong natikman ang matamis nyang labi
Bigla ako natauhan, agad ko sya tinulak at sinampal. Sa lakas ay natabingi ang kanyang muka. Habol hininga ako dahil sa pinaghalong pagkalito at galit na nararamdaman ko ngayon.
Nakaramdam ako ng kaba ng titigan nya ako pailalim, bahagya ako napa atras, pero tinatagan ang sarili.
" pagkatapos mo ako pagmukaing tanga, pagkatapos mo akong lokohin, pagkatapos mo akong baliwin dahil sa hindi ko malamang dahilan, lalapit ka sakin tapos hahalikan mo ako basta. Basta?!! " impit kong sigaw sakanya pero puno ng galit at pagkainis. Hindi sya nagsalita. Nanatiling nakahawak sakanyang pisngi.
Nagsisimula na mangilid ang luha ko at bumigat ang pakiramdam ko.
" bakit ganito miguel ay hindi zion pala" peke akong tumawa " bakit kailangan mo magsinungaling sa akin? Eto ba? Eto ba kapalit ng pagtulong sa akin? Tutulungan mo ako makapasok sa eskwelahan na pinapasukan mo? Para mapantantayan kita ? Pero dahil mahirap lang ako kaya hindi mo ako papansinin na parang hindi mo ako kilala ha ZION! " hindi ko na kaya at tuluyan na ako sumabog.
Lahat ng kinimkim ko ay tuluyan ko ng nilabas, mga dumaan na araw na tiniis ko sa tuwing magkikita o magsasalubong kami na parang hindi ako nagexist sa buhay nya. Sobrang sama ng loob ko.
" pwede mo namang sabihing ayaw mo na ako makita o maging kaibigan man lang, maiintindihan ko kung kinakahiya mo ako, pero hindi ganito ---"
" shut the f**k up ellie " walang emosyon nyang sambit pero di ako nagpatinag
" lalayo ako sayo kung ayaw mo akong nagdidikit sayo! Hindi yung pinapahula mo sa akin kung parte pa ba to ng pan titrip mo--- ano ba miguel bitawan mo ako!!!" pilit ako pumapalag at kumakawala sa mahigpit nyang yakap.
" ano ba ---" ilang segundo bigla na lang ako napahiwalay sakanya, ang bilis ng pangyayari dahil sa isang iglap nakita ko na lang sa sahig si miguel.
" don't you dare touch her Zion!" pagbabanta ni jigs habang matalim na nakatitig kay zion. Ngumisi naman ito at pinunasan ang dumugong labi habang nakaupo sa sahig.
" paano kung ayoko? " pang aasar pa nya. Akmang susugurin sya ulit ni jigs kaya mabilis ko syang hinawakan sa braso.
" tama na jigs, u-umuwi na lang tayo " maya maya ay bumagal na ang mabigat nyang paghinga kaya niluwagan ko na ang mahigpit kong hawak
" what's happening here?" isang malambing na boses ang nagpawala ng tensyon sa pagitan namin lahat.
Agad tinulungan ni angel si zion na nakaupo sa sahig. " wala nagkatuwaan lang " sabay tayo nya. Agad ko hinila si jigs papalapit sa motor. Mabilis akong sumakay, pero habang papaalis kami ay ramdam ko ang mabigat na titig sa akin ni zion.
Dumaan ang ilang araw pero wala akong ziong nakita. Nagaalala man ay pilit ko sinantabi ito.
" pagkatapos siguro ng taon na to sa amin na lang ako ulit magaaral " basag ko sa katahimikan namin ni jigs habang nakatambay sa loob ng music hall. Pinatawag kasi lahat ng members dahil may gaganaping battle of the bands dito sa university.
Napatingin naman sa akin si jigs na busy kanina sa pagtipa ng kanta. " ha??!! Bakit? Diba scholar ka naman dito? " nagpawala ako ng hininga.
" dahil kay mig-- zion... Sya ang sponsored ko sa scholar ko... Siguro tama na tong isang taon na para hindi na madagdagan pa ang utang na loob ko sakanya---" agad nya pinutol ang sinabi ko
" dahil ba to nung nakaraan?. Hayaan mo na yan si zion. Isang taon na lang naman gagraduate na rin yan" mabilis akong umiling. " hindi... Namimiss ko na rin kasi ang magulang ko, and dati kong buhay na tahimik at walang magulo " sabay ngiti ko sakanya.
" forever alone nanaman ako. Ma o. Op ako malamang dito " natawa naman ako, para kasi syang bata na iniwan ng nanay.
Nauna na ako umuwi kay jigs, mag papraktis o mag jajamming pa kasi sila ng dati nyang kabanda. Wala namang naganap doon dahil hanggang ngayon hindi pa rin mahagilap si mig--zion.
Habang naglalakad pauwi ay may humintong kotse sa gilid ko. Hindi ko ito pinansin dahil baka nagpark lang pero habang naglalakad ako ramdam ko na umaandar andar din sya parang sumasabay sya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba. Shete! Eto ata yung nababalita na nangunguha ng lamang loob.
Sa takot ay binilisan ko ang lakad. Pisti pa iskinita pa naman banda sa boarding house ko. Pero bago pa makaliko ay may humigit na ng braso ko akma akong sisigaw ng takpan nya ang bibig ko at hilahin patago.
Pilit ako kumukuwag nang makawala ay humarap ako saknya" m-miguel??" taka akong tumitig sakanya. " iikaw? Ikaw yung sumusunod sa akin? " ngumisi naman sya.
" bwisit. Bitawan mo nga ako. Uuwi na ako---" hindi nya ako pinakinggan kundi hinila nya pa ang braso ko at hinatak papuntang kotse nya.
" ano ba miguel. Kidnapper ka talaga " bigla nya ako pinapasok sa loob at nilagay ang seatbelt, tiningnan ko sya ng masama hanggang makaupo na sya sa driver seat.
" ano nanamang trip to? Pwede ba tigilan mo na ako---" hindi pa rin sya nagsasalita at binuksan ang radio at tinodo ang volume nito. Napahalukipkip ako binaling ang tingin sa bintana.
" practice that song ellie " kunot noo akong napatingin sakanya " ano?"
" tayo ang partner sa darating na battle of the band kaya wag mo ako pahiyain " saad nya habang patuloy sa pagdrive
" sino nagsabi sayong tayo ang magkapartner? Hindi ako sasali dyan---"
" wag ka na makulit. Nakapag submit na ako. Kaya weather you like it or not lalaban tayo " huminto sya sabay baling ng tingin sa akin. " this is my first time na sumali sa school kaya pumayag kana "
Napangisi naman ako. " alam mo sinungaling ka talaga, sumali nga kayo sa baranggay namin tapos sasabihin mo first time mo sa school "
" yeah sumali ako just to impress you " sabay drive nya ulit, hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nya at napailing.
Pumasok kami sa isang subdivision. Bumaba kami sa isang bahay na 2 storey house pero malawak. Modern style. Malawak na garden ang unang bubungad. Grabe american style lang ang peg.
Sumalubong samin ang isang magandang babae na parang kasing edad ni mommy. Humalik si mig-zion sa pisngi nito at tinawag na mommy.
Ah so kaya pala familiar ang babae kasi sya yung nakita ko sa picture.
" hi po, magandang hapon po" bati ko ng tumingin sya sa akin. Ngumiti naman sya sa akin.
" hi ija, you look familiar. Nagkita naba tayo?" ngumiti naman ako ng parang nahihiya at saka umiling " well i guess namimiss ko lang sya" sabay tawa nya. Naguguluhan naman akong nakatingin sakanya.
" come in. Feel at home kami lang ng anak ko dito " saad nya habang papasok kami sa loob. Namangha naman ako sa linis at kaaliwalas ng bahay nya. Grabe mukang yayamanin talaga.
" mag prapractice lang kami ni ellie mom, dalhan mo na lang kami ng pagkain sa taas " napatingin ako kay miguel dahil sa sinabi nya. Kinabahan ng bigla nya ako hatakin paakyat.
" t-teka lang miguel saan moko dadalhin " nangangatal na ang boses ko sa sobrang kaba. Papunta kami sa isang kwarto. Hinatak ko ang kamay ko " a-anong gagawin natin dyan. May balak kang masama sakin no? " ngumisi naman sya sa akin at halatang nagpipigil ng tawa.
" sumama ka sakin para malaman mo kung anong gagawin nating dalawa " sabay ngisi nya ulit. Lalo akong kinabahan. omg hindi pa ako handa isuko ang bataan.
Tawa sya ng tawa habang ako ay hatak hatak nya papasok. Hanggang sa buksan nya ang pinto. Bumungad sa akin ang isang music studio, napanganga ako. Kumpleto sa gamit, mula sa acoustic guitar,base,electric drum, electric drum, piano at mga mic na pang recording. Oh edi ikaw na may budget.
" yan, yan ang gagawin natin... ano bang iniisip mong pagpapraktisan natin " sabay tawa nya napayuko na lang ako dahil sa kahihiyang pinagiisip ko. Jusko grabe na siguro kapula muka ko.
Umiwas na lang ako sakanya at nilibot ang paningin sa kabuuan nito. Sa mga napapanood ko lang sa youtube nakikita yung ganitong studio.
" okay ba sayo to" sabay patugtog nya ng Just give me a reason. " yan sana kantahin natin sa battle of the band " anito.
" bakit yan " tanong ko habang nakaiwas ng tingin. Nahihiya pa rin ako eh. Tsk.
" napapanahon?" Napatingin ako sakanya. Napapanahon? Ano kaya yun.
" bakit ako pinili mo. Bakit hindi yung kabanda mo... Wala kabang kaibigan " patuloy ko. Ngumisi naman sya.
" bawal kaba piliin?. Wala namang nagmamay ari sayo kaya pwede kita angkinin " kunoot noo akong napatitig sakanya. Anong pinagsasabi nito?
Lumapit sya sa akin sabay hatak ng kamay. Ako naman si gaga sunod din naman. Edi ako na marupok.
Pinatabi nya ako sakanya. As in sobrang lapit. Nagdidikitan na nga balat namin.
" watch this " sabay play nya sa music video sa laptop nya. " lalagyan natin ng acting para kakaiba " saad nya na parang naeexcite sa mangyayari. Hindi ko sya sinagot nagpatuloy lang ako sa panonood.
Bumalik ako sa ulirat ng magsalita ulit sya. " ano okay ba sayo yan? " umiwas ako ng tingin lapit naman kasi ng muka nya sa akin. " bahala ka " walang emosyon kong sagot.
Napatingin naman kami sa pinto ng bumukas ito. Napaayos ako ng upo ng pumasok ang mommy ni miguel. Nakakaintimidate ang ganda ng kanyang ina, kamukang kamuka nya ang anak nya. May mailan ilan na itong puting buhok pero bakas pa rin ang pagiging sopistikada nito.
Ngumiti sya sa akin, may dimple din ang kabilang pisngi. " mag meryenda muna kayo zion" sabay baling nya ng tingin sa akin " ellie po. " mabilis kong sagot. " ellie " ulit nya.
Orange juice at baked cookies ang meryenda. Natakam ako. Mahilig din mag baked amg mommy, madalas eto ang bonding namin lalo na kapag walang pasok ang daddy. Haaay namimiss ko na talaga sila.
Inabot kami ng gabi kakapratis. Hidni pa rin namin makuha kuha ang tyempo dahil sa hindi ko kabisado ang kanta, hanggang sa nagaya na ako umuwi dahil maaga pa bukas ang pasok
" salamat po tita, ang sarap po ng gawa nyong cookies " sabay ngiti ko.
Inalok na nya kami na doon na maghapunan pero mabilis na tumanggi si miguel.
Hinawakan nya naman ang kamay ko. " thank you... you can come back here anytime ellie, parang anak na din kita " naguguluhan akong napatingin sakanya. Muli ako nagpasalamat at umalis na.
Sa kotse na ako hinintay ni miguel. Bastos na bata hindi man lang nagpaalam sa nanay nya bago umalis. Tumingin muna ako sa nanay nya bago sumakay ng kotse.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Nagiba nanaman mood ng kuya mo.
" kayo lang ng mommy mo sa malaking bahay na yun?" Basag ko sa katahimikan.
" sya lang magisa dinadalaw dalaw ko lang " malamig nyang sagot. Napatingin naman ako sakanya. " asan ang daddy mo? " sandali sya natahimik
" house" maikli nyang sagot
" san ka nakatira " tanong ko ulit.
"sa bahay namin"
" saan bahay nyo " napatingin sya sa akin sabay balik ulit ng tingin sa kalsada.
" bakit ang dami mong tanong " naramdaman ko naman na parang hindi nya nagustuhan ang pagiging chismosa ko. Bibig ko kasi walang preno.
" mom and dad are separated. " bigla nyang sabi. Hindi ako nakapagsalita. Nakonsensya tuloy ako dahil sa pagiging chismosa ko.
" humiwalay na si mommy ng bahay kasama ng bago nyang kinakasama. Lagi rin naman sila nagaaway ng daddy kaya mabuti na maghiwalay na sila " sunod sunod nyang kwento. Nanatiling tikom ang bibig ko.
" pero ang unfair no, ang bilis makahanap ng kapalit ng mommy. Parang ang dali lang kalimutan ng pinagsamahan nila ni daddy. " sabay tawa nya, pero alam ko panlabas lang yon para pagtakpan ang mabigat nyang saloobin.
" I don't f*****g care kung sino yung bagong kinakasama ng mommy, it's just wala rin ba syang pamilya? I'm still wonder kung sino yung poncho pilato na yun na biglang susulpot sa buhay namin " ramdam ko ang galit sa puso mi miguel dahil sa bawat salitang lumalabas sa bibig nya ay halatang may sama ng loob ito sakanyang ina.
" kaya ba... hindi ka umuuwi doon sa mommy mo? Hindi kaba nagaalala na magisa lang sya? " lakas loob kong tanong. Alam kong wala ako sa posisyon para mangelam sa buhay nya. Kaso nilalamon ako ng kuryosidad ko tungkol sa buhay nya.
" kasama naman nya lalaki nya okay na sya don. Sometimes weekends wala sya kaya yun yung time na nadadalaw ko ang mommy " tuluyan na akong tumahimik. Ang bigat pala ng nararanasan nya ngayon.
Pero di talaga matahimik ang bunganga ko. " kaya ba hindi mo ako pinapansin nung mga nakaraan " wala sa sarili kong tanong. Nakaramdam nanaman ako ng inis ng maalala nung mga panahong kung snobin nya ako parang hindi nya ako kilala.
Bahagya sya natawa. " sorry ellie, i want to focus on my study, alam ko naman kapag nahumaling ako sayo mawawala nanaman ako sa sarili "
Napatingin ako sakanya " anong ibig mong sabihin " taka kong tanong
" nothing... kanina pa tayo dito sainyo hindi ka paba bababa?" Bumalik ako sa ulirat ng magsalita sya. Kasi naman naguguluhan na ako sa taong to. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa kanto
Inirapan ko sya. " salamat sa paghatid MIGUEL" sabay pinagdiinan ang pangalan nya. akma na akong aalis ng hawakan nya ako sa braso.
" say my name " kunot noo akong tiningnan sya. Dahil nawalan na ako ng gana, hindi ako sumagot at muling aalis sa kotse nya pero bago pa ako makakilos ay hinatak nya ulit ako.
" ano ba miguel " inis kong saad
" i said say my name---"
" miguel.miguel.miguel!! Ano okay na ?" Timpi kong sigaw pinanlinsikan ko sya ng mata baka sakaling malaman nya na naiinis na talaga ako at hindi na ako natutuwa kaso ang loko pangiti ngiti pa na parang naaliw sa tuwing binibigkas ko ang pangalan nya. Abnormal!
" it's sexier if you say
Zion.zion.zion " kasabay nito ang mabilis nyang paghalik na kinabilis din ng pagtibok ng puso ko. Na lalo kong kinagulat ng igalaw nya dila nya sa loob ng bibig ko.
F*ck! Anong nangyayari!!!
Naiwang nakanganga ang bibig ko ng humiwalay ang labi nya sa akin. Habol hininga ako dahil sa bilis ng pangyayari. Anong kalokohan to!!!
Napatitig ako sa mata nya ng muli syang magsalita.
"I'm zion..
" And you are my Rose "