Chapter 12

1931 Words
Chapter 12 Dumaan ang sabado at linggo na nagmukmok lang sa kwarto. I was expecting na dadalaw si mommy at daddy kaso until now ay wala rin. Huling usap namin ay excited pa sya na puntahan ako. Siguro busy lang kaya nakalimutan. After this sembreak uuwi ako sa amin. Umupo ako tapat ng bintana at tinaas ang mga paa sabay sipsip ng kape habang tinatanaw ang madilim na kalangitan. Wala ng ulan pero ramdam mo pa rin ang sama ng panahon. Parang nakiki ayon sa nararamdaman ko ang langit. Madilim at malungkot, samahan mo pa na masama ang pakiramdam ko. Napasinghot ako ng sipon, hindi dahil sa masamang pakiramdam kundi dahil sa masakit na nararamdaman. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha. Muling naalala ang huling kaganapan Napanganga ako. At napakapit ng mahigpit sa strap ng bag pack ko. Nagsisimula manlabo ang mata. Lumingon ako pero hanggang sa lumabas na sya ng hall ay hindi man lang ako nilingon. Hindi ko ininda ang malakas na ihip ng hangin na may kasamang ambon. " hahatid na kita ellie." Sabay pasilong sa akin ng payong ni jigs, wala kasi akong dala. Hindi ko sya pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad. Nakayuko at nakahawak sa strap ng bag pack, nakakatawa para akong batang binully sa school dahil sa itchura ko. Tahimik kaming naglalakad at walang balak magsalita. Alam ko nakita nya ang pagsnob sakin ni zion. Tinatanong nya ako bakit gusto ko makausap ang dati nyang kaibigan pero napipi ako at nawalan ng lakas para magkwento. Tumunog ang cellphone ko. Notification from messenger, kinuha ko agad dahil baka sila mommy nagchat pero hindi. From jigs *from jigssilog* I got goodnews ;* Agad ako nagtipa. " what?" " secret... basta maaga ka pumasok bukas " pagkatapos basahin. Napasandal na lang ako. Wala ako sa mood makipag lokohan. Akmang ibaba ko na ang cellphone ng mula itong tumunog. Galing kay jigs ulit. Kunot noo akong napatitig sa screen ng phone ng makitang link ang sinend nya. Agad ko inopen ito. Zion Villaverde facebook account nya ang lumabas. Agad ko binaybay ang wall nya. Kinakabahan ako, natatakot ako na baka may iba akong makita sa f*******: nya. Baka may girlfriend itong pinagmamalaki or mahilig sya sa chix. Haist nakakabaliw. Puro shared memes lang naman ang nakikita ko, minsan tagged photos lang mukang wala naman kabuluhan nasa wall nya kaya nagpunta ako ng photos Wala rin naman kakaiba. Kadalasan selfie nya na kita dimple. Bahagya ako napangiti. Cute nya kainis. Saved photos agad ayan! Hanggang sa mapunta ako sa family albums, happy family. Parehas kami only child. Hindi ko alam na Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang pamilya nya, pero 6 months ago na ang huling picture Buong gabi ko pinagnasaan este inistalk ang wall nya, hindi ko tinigilan hanggat hindi ako napupunta mula kailan nya ginawa ang sss nya. Wala masyado kahina hinala. Masyado private tong taong to. Katulad ng napagusapan maaga ako pumasok. Feel na feel ko ang papasikat na araw at usok na sumasalubong sa akin. Goodmood ako kahit puyat, Pisting jigs yon chat ng chat eh busy ako kakastalk kay miguel. Gusto ko nga sana mag friendrequest kaso nahiya ako. Baka isipin nya Stalker ako, nag wave na lang ako sa messenger. Dejoke lang. Nasa hallway pa lang ako naglalakad ng biglang may umakbay sakin. Hindi na ako umeffort lumingon o tingnan kung sinong lapastangan ang humawak sakin. Umirap na lang ako sa ere na ikinatawa naman nya. " so ano good news mo?, siguruduhin mong good talaga yan ha kung hindi kukunin ko pang isang linggong baon mo " saad ko habang binababa ang bag ko. Tumawa naman sya. " easy ka lang mamaya malalaman mo din " Pagkatapos ng Lunchbreak nagpunta kami sa music hall. Halos lumuwa ang mata ko ng makita na pasok si jigs sa bagong member ng xavier music club, na agad ko din iki nasamid ng makita na kasama din pala ako. " i told you " rinig ko mula sa aking likod, sinamaan ko ng tingin si jigs na pirming nakapamulsa sa pantalon nya. " wag ka na umangal, ikaw ang dahilan bakit gusto ko sumali. Ayoko ma o.p " sabay akbay nya sa akin, kunyaring naiirita kong tinatanggal ang braso nyang nakapulupot sa leeg ko, lalo naman nya tinitigasan kaya hirap na hirap ako, ang loko tawa pa ng tawa. Muntik na ako masubsob ng biglang may sumanggi sa akin... ay hindi nga lang basta sanggi eh parang sinadyang itulak ako, buti nasalo agad ako ni jigs kung hindi baka plakda na ako sa sahig. " pahara hara kasi sa daanan pa naglalampungan " akmang mumurahin ko sana yung nanulak sa akin ng makitang si villaverde pala yung nagsalita, inismiran nya lang ako ng magtama ang mata namin. Problema nito? Halos gilid na gilid na nga kami ni jigs tapos nakaharang pa sa daanan nila? Bumalik ako sa ulirat ng magsalita ulit sya. " see you later devera " mayabang ntang sambit sabay tingin ulit sa akin, tinaasan nya ako ng kilay sabay lakad ulit paalis, kasama nya ang dalawa nya pang kaibigan na nakangisi din sa amin. Hanggang sa mawala sila sa paningin ko nakatulala pa rin ako. " i think he's jelous " napatingin naman ako kay jigs na nauna nang naglakad at iniwan ako sa kinatatayuan ko. " sama ka mamaya " saad ni jigs Habang nililigpit ang gamit ko sa bag. " ayoko may gagawin pa ako " mabilis ko sinukbit ang bag pack ko at umalis. Dali dali naman nya ako hinabol. " tara na wala ako kasama eh, ma o.op ako dun tsaka pa welcome yun para sa new members ng xavier music club " tuloy tuloy pa rin ako sa mabilis na paglalakad pero dahil sa maliit lang ang biyas ko, nahahabol pa rin ako ni jigs haist. Agad nya ako hinarangan sa harap Humalukipkip ako at sinamaan sya ng tingin. Pinagdikit naman nya ang palad nya na parang nagdadasal at umarte na parang nakakaawa ang muka, tss di nya alam muka syang bulldog. Napahinga na lang ako ng malalim. " oo na oo na! Basta libre moko foods " sabay lakad ulit. Napayes naman loko at sumabay na sa akin palabas ng gate. Pasalamat sya lagi nya ako nililibre ng lunch kundi hindi ko sasayangin oras ko sa pawelcome welcome na yan. 8pm sinundo ako sa bahay ni jigs na cool na cool na nakaupo sa bigbike nyang motor. Nagsuot ako ng sweater na puti at leggings. Hindi naman ganun kalayo ang pinuntahan namin, malapit lang din sa school pero sakop pa rin daw sya ng university. First time ko lang makarating doon kaya grabe ang pagkamangha ko. Mapuno ang lugar pero maaliwalas, ang malaking bonfire ang nagbibigay ng liwanag bukod sa mga ilaw na nakasabit sa puno. May tent meron ding nagdala ng sapin para doon matulog, ang iba ay nakaupo lang. May ilan ilang estudyante na ang nandoon, isa din siguro sa mga bagong myembro. Agad kami nagtungo sa mga kaibigan ni jigs na kanina pa nandon at nakaupo sa mga putol na puno. Sila ang pasimuno ng ingay at kantahan, may dala rin silang beatbox at gitara. Bumati sila samin at ngiti ang sagot ko, ang saya naman pala, hindi ako maboboring. Tumabi kami sa kaibigan nya. Hanggang sa mapadako ang tingin ko kay villaverde na nandon rin pala, syempre imposibleng wala, sya ang founder nila eh. Nang magtama ang mata namin ay agad ako umiwas at binaling ang tingin kay jigs na kanina pa pala ako kinakausap. Puno ng kantahan at hiyawan ang lugar. Lalo na kapag si jigs ang nag gigitara at pinapaduet ako. Sandali ko nakalimutan ang homesick, pero tuwing magtatama ang paningin namin ni villaverde parang gusto na ako patayin. Bigla tumahimik ang lahat ng may dumating na babae, naestatwa ako ng humalik sya sa pisngi ni zion at tumabi sakanya, " buti nakarating ka angel akala ko iindyanin mo si villaverde eh " tukso ng isang lalaki. Napatikhim ako. Angel pala pangalan nya. Tamang tama sa itchura nya muka talaga syang anghel sa ganda. " alright kumpleto na tayo let's start " saad ng lalaking biglang sumulpot kung saan saan. Halos lahat ay nagpuntahan sa pwesto namin habang napapagitnaan ang bonfire. " let's start the game never have i ever " singit ni jigs, napatingin ako sakanya at napalunok. Parang kinabahan ako kahit hindi ko alam kung anong klaseng laro yun. Ungguy ungguyan lang kasi nilalaro namin ni jana eh. " i start ... never have i ever been... arrested " halos lahat ay natahimik pi napakiramdaman ang bawat isa hanggang sa unti unti at pa isa isang nagtataasan ng kamay ang ilan. May babae din at lalake yung iba nahihiya pa sa nagawa nila. Truth or dare lang naman ang consequence. Yung iba pinakanta may sumayaw. Habang kinukwento ang karanasan nila ay halos sumakit ang tyan namin kakatawa, " so next ellie " saad ni jigs sabay tingin nila, ang atensyon ay sakin na nakatuon. Lumunok muna ako bago magsalita, nanunuyot na ang lalamunan ko sa kaba " n-never... never have...i.. ever been ... " napalunok ulit ako napadako ang tingin ko kay zion na nakatitig sakin sabay iwas din nya, hanggang sa mapatingin sa katabi nyang babae. " never have i ever been.... kiss " ang lahat ay napanganga maririnig mo din ang pagkagulat ng iba. Pasimple akong napahinga ng malalim Ellie bakit yun ang sinabi mo?? Shocks! Ano ba tong nasabi ko, bwisit kasi tong miguel zion villaverde. Letse talaga. Kung anu man kung anong totoo nyang pangalan Pati si jigs ay napa nganga. Ang lahat ay ganun ang reaksyon maliban sa isa. Tumawa.. tumawa ng puno ng sarkistiko. " never been kiss? Seriously? ... ellie? " malamig at seryosong boses ang napatahimik sa lahat. Maging ako ay kinabahan. " never ZION " buong tapang kong sagot at pinagdiinan ang huling sinabi. Kitang kita ko kung paano nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Gotcha! " liar " sabay iwas nya ng tingin. " hindi ako nagsisinungaling, hindi mo naman ako kilala para sabihang liar ZION! " ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin, muli diniinan ang kanyang pangalan. Ang bonfire sa gitna ay parang lalong naghatid ng init sa aming ulo " shut the f**k up ellie " kasabay non ang pagtayo nya. Tinitigan ko naman sya ng masama. Sya pa ngayon ang galit? Pagkatapos nya akong tratuhing hangin. Sya pa talaga? " don't mind him, he's a jerk " rinig kong sabi ni jigs. Pinipigilan ko ang bigat na nararamdaman ko. Bwisit na lalaki talaga to. Hanggang sa nagpatuloy pa rin ang laro. Pero nawalan na ako ng gana. " uuwi na ako " walang emosyon kong saad, agad ako tumayo at umalis. Hinabol naman ako ni jigs para ihatid pauwi. Habang naglalakad naalala nya ang helmet kakamadali ay nakalimutan nya sa tent na pinagiwanan nya. Dahil medyo nakalayo na kami sya na lang magisa bumalik. Habang nagaantay sa motor nakarinig ako ng kaluskos. " liar " malamig na boses. Halos kilabutan ako sa naramdaman kong hiningang dumampi sa leeg ko. Hindi ako kumilos napako ang paa at katawan ko. " never been kiss? Really ellie?" Patuloy nya pa. Dahil hindi ko na kaya ang kilabot na lumamon sa kaibuturan ko lakas loob akong lumingon at nagsalita " hu u? Do i know you?" Pagtataray ko. Ngumisi naman sya. Shocks i miss your dimple! " gusto mo magpakilala ako sayo?" Humakbang sya papalapit, umatras ako. Papalapit ng papalapit paatras ako ng paatras. Magpakatatag ka ellie pagsubok lang yan!. " Zion right?, hindi tayo magkakilala kaya wag mo akong kausapin. Ang kilala ko lang ay yung miguel... yung miguel na mahilig sa thrill masayahin at kilala ako. Ikaw zion na bugnutin,masungit, isnabero----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng siilin nya ako ng halik. Sandali ako natulala. Sa ilalim ng madilim na langit, sa maliwanag na buwan at bituin, muli kong natikman ang matamis nyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD