Chapter 11

1977 Words
Chapter 11 Ilang araw na ang lumilipas mula ng pasukan pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita si miguel. Hindi ako masyado nakakatulog this past few days dahil sa huling na kita ko. Sya ba talaga yun? Baka kamuka lang, pero imposible talaga. Pero kamuka nya tyalaga. Hindi namamalikmata ka lang Halos mabaliw na ako at napapasabunot pa sa buhok dahil sa paulit ulit na tumatakabo sa isip ko. Nagtatalo ang isip at isip ko. oo hindi ko alam kung sino ang papaniwalaan ko. Yung tipong alam mo ang sagot at katotohanan pero pinaniniwala mo pa rin sarili mo sa kasinungalingan. Bumalik ako sa ulirat ng ilapag ni jigs sa harap ko ang inorder nya. " anu yan?" Takang tanong ko " milktea?" Napangiwi naman ako. " hindi ako mahilig dyan lasang kawayan " natawa naman sya " tikman mo muna bago ka umangal, baka pag natikman mo yan makalimutan mo pangalan mo " tawa nya ulit. Ngumiti naman ako na pahalatamg pilit lang. " may kilala ka bang miguel?" Out of nowhere kong tanong. Kasalukuyan kaming nasa field p.e namin pero habang inaantay ang prof tumambay muna kami. " miguel?" Ano apelyido?" Napatingin ako sakanya. Apelyido? Hindi ko alam kahit ano sakanya alam ko lang dito sya nagaaral at sya ang tumulong para makapasok sa mamahaling eskwelahan na to. " mukang malabo mo ata makikita yang sinasabi mong miguel, sa dami ng students dito. Unless kung popular sya dito " bigla ako napatulala. Bakit nga wala ako alam sakanya? Pero tuwing magkasma kami parang ang tagal tagal na naming magkakilala.ang labo nga kung anong meron kami. Hindi ko alam saan sya hahagilapin. Lumipas amg araw na hidni ko man lang sya nakikita parang ang layo namin sa isat isa pero sa isang school lang kami nagaaral. Excited pa naman ako kasi sa wakas magkakasma na akmi pero parang nasa laguna pa rin ako at sya ay nasa maynila haist. " jigs" tawag ko sakanya habang sya ay busy na nakatingin sa billboard " ano yan?" Tanong ko " announcements from music club.. gusto mo sumali?" Yaya nya sa akin. Agad naman ako umiling " ha? Ayoko nahihiya ako, hindi ako sanay sa mga ganyan. Maging fan lang ng eheads okay na ako " sabay ngiti ko " samahan mo na lang ako mag audition, gusto ko talaga makapasok jan sa music club " kitang kita ko kung gaano sya kasabik na makapasok sa music club at kung paano lumaki ang ngiti nya ng bigkasin nya ito,  like miguel marunong din sya kumanta at mag gitara. Haist miguel nanaman. hindi ako nagdalawang isip at agad na pumayag. Simulat pasukan sya na ang naging close ko dito sa campus. Hindi katulad ng mga kaklase kong babae na parang nandidiri sa akin, public attorney ang daddy ko at dating teacher sa public si mommy nakakaproud kaya. Palibhasa mga magulang nila nagmamayari ng kung ano ano. Nang hapon ding yon ay nagtungo kami sa music hall, sa entrance inantay ko si jigs habang nakapila para magpalista. Napatingin ako kay jigs na may dalang gitara habang papalapit sa akin, ang gwapong nilalang naman nito. Kung hindi ko lang kilala si miguel crush ko na to eh. " tara na sa loob" ngumiti sya sa akin at sabay na pumasok. Katulad ni jigs madami din ang naghahangad na makapasok sa music club ng xavier university. " kanina pa nga kami dito eh, yung iba nga umalis na lang ang tagal kasi dumating ng villaverde na yan. Lagi paimportante " rinig kong reklamo mula sa kausap na lalaki ni jigs. May katangkaran ito at moreno din, long na kimpi ang buhok. Katulad ni miguel kaibahan nga lang natural blonde ang buhok. Haist miguel nanaman Napatawa na lang si jigs at napailing " parang hindi ka na nasanay simulat sapul high school pa lang tayo ganyan na yan "  napaiwas ako ng tingin ng mabaling sakin ang mata ng lalaking kausap nya. Mula sa bulong bulungan na maririnig mo ay biglang natahimik ang lahat. Parang may anghel na dumaan. Kasabay nito ang pagpasok ng kalalakihan mga nasa lima ata sila,  yung iba may dalang libro at bag, yung isang naka taas taas na buhok may dalang drum stick at yung nasa bandang unahan may dalang gitara na nakasukbit sa likod. Hindi ko maaninag ang kabuuang muka nila dahil medyo malayo kami sa entrance at nasa bandang dulo pa, sabay pa na ang liit ko. Hinarangan pa ako nila jigs, Wala na talaga ako makita. Umupo na kami sa bandang dulo, nagsimula na ang audition. Hindi ako kasali pero parang ako yung kinakabahan para kay jigs halo halong estudyante ang sumasali. Kung minsan napapadako ang tingin ko sa mga lalaking nasa bandang unahan katabi nila ang iba pang mga senior coach sa pagkilatis ng mga sumasali. Masyado mapili ang isa sakanila, yun ata yung tinatawag nilang villaverde. Magagaling naman halos lahat masyadong mahigpit at makilatis lang ang mga ito. Next Jigs Devera. Ngumiti ako sakanya at sabay kami na nag AJA, sasandal na sana ako para makadaan sya ng biglang tawagin din ang pangalan ko and Ellie Rose Ramirez. literal na namilog ang mata ko at napa nganga sa aking narinig.. Teka pangalan ko ba yun? Baka kapangalan ko lang. Bumalik ako sa ulirat ng hilahin ako sa kamay ni jigs halos lahat ay tinukso kami lalo na ng kaibigan nya dahil magkahawak kamay kaming nagpunta sa stage, yung ibang babae kulang na lang lumagpas sa noo yung kilay sa sobrang taas. Napayuko na lang ako sa hiya. Hindi ko alam kung anong gagawin namin ni jigs wala akong alam sa anong plano nya. Napagpatinuod na lang ako sa paghila dahil kahit anong hatak ko sa kamay ay mahigpit nya itong hinawakan. Namamawis na ang buong katawan ko sa sobrang kaba, kurot kurot ko ang kamay dahil sa hiyang nararamdaman.. Haist sabi na kasing ayoko ng ganito. Ramdam ko ang tensyon maging ang mabigat na titig sa akin ay damang dama ko pero hindi ko alam kung saan nanggaling ang matang nanlilisik sa titig parang gusto akong sakmalin. Bahagya ako nasilaw dahil tumapat sa amin ang spotlight. Ang kaba ay lalong nadagdagan ng maghiyawan ang lahat at ang kanilang atensyon ay sa amin nakatuon. " hi everyone im jigs and this is my friend ellie. Ang kakantahin namin ay pangarap lang kita by parokya ni edgar and yeng constantino. Sana magustuhan nyo po" Kasabay ng pagstrum ng gitara ni jigs ang paghiyawan ng mga babae. Tumitig ako kay jigs naghahanap ng sagot. Ngumiti lang sya " isipin mo nalang nag jajam lang tayo wag mo sila intindihin isipin mo tayong dalawa lang nandito " sabay kindat nya inirapan ko lang naman sya at sabay kaming napangiti. Gusto ko sana umalis, pero parang napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Mabuti at alam ko ang kanta, eto kasi kadalasan ang trip namin ni jigs tuwing walang prof o pag breaktime, ang mag jam. Kung minsan sa loob ng room o di kaya sa lagoon kung saan kami lagi natambay.  Kaya lagi nya dala ang paborito nyang gitara. Natahimik ang lahat ng nagsimula na syang kumanta (Pangarap Lang Kita- Parokya ni Edgar and yeng Mabuti pa sa lotto. May pag-asang manalo... Di tulad sayo.impossible... Prinsesa ka.ako'y dukha Sa TV lang naman kasi may mangyayari At kahit mahal kita... Wala akong magagawa Tanggap ko 'to aking sinta. Pangarap lang kita... Ang kaba ko sa puso ko ay pabilis ng pabilis, na co conscious tuloy ako bak mamaya mapangitan sa boses ko madamay pa si jigs hindi pa makapasok dahil sa akin. Plus pa na iisa lang ang mic na nandito na nakalagay sa stand Inhale exhale sa mata lang ako ni jigs nakatitig. Ayoko humarap sa mga taong nasa harap ko lalo na dun sa villaverde. At magsimula na kumanta Ang hirap maging babae Kung torpe iyong lalaki Kahit may gusto ka... Di mo masabi Hinde ako iyong tipong Nagbibigay motibo Conservative ako kaya di maaari sabay kami napangiti ni jigs nang nag duet na kami sa chorus. At kahit mahal kita... Wala ako magagawa Tanggap ko 'to aking sinta Pangrap lang kita Sobrang lapit namin sa isat isa habang sya ay cool na cool sa pag gitara. At kahit mahal kita Wala ako magagawa Tanggap ko 'to aking sinta Pangrap lang kita Maya maya ay bigla kami napatingin sa mga estudyante ng magsipalakpakan sila. Hinawakan ni jigs ang kamay ko at sabay kami nag bow. Hanggang sa mapako ang mata ko sa lalaking nasa unahan. Sya sya ang tinatawag nilang villaverde. Ang puso ko ay walang paglagyan dahil sa gusto nitong kumuwala, untinunti ako napapangiti ngunit agad ding napawi. Bakit parang hindi sya masaya na makita ako? Bakit ang lamig ng titig nya sa akin na parang hindi ako kilala? Wala sa sarili na nagpahila ako kay jigs paalis sa stage pero hindi pa kami nakakaalis ng tawagin nya ang pangalan ko. " stop there! " napahinto kami dahil sa pagalingawngaw ng malamig nyang boses. " Ellie right? " tanong nya pa. Dahan dahan ako tumango, hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako nito ni miguel o ano pero base sa muka nya seryoso sya lalo na sa pagtawag ng pangalan ko. " we know jigs, he is a very talented man. Now hindi ko alam kung ganun ka rin ba " sabay tawanan ng mga estudyante. Nanikip ang dibdib ko dahil sa pagpapahiyang ginawa nya. Part rin ba to ng tripping nya? Kasi hindi ako natutuwa. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakapit ni jigs sa  kamay ko. Pero tinatagan ko ang sarili ko at tinago ang sakit na naramdaman. " anong gusto mo mangyari?" matapang kong tanong kasabay ng pagtaas ng kilay ko. " kumanta ka magisa... Wag ka umasa sa iba " para namang may punyal na libo libo ang tumusok sa dibdib ko. Seryoso ba sya? Joke lang to diba? Wala naman sya ibig sabihin sa mga sinasabi nya sa akin. Part lang to ng pagkilatis nya sa mga gusto maging parte ng club nila. Akmang magsasalita sana ako ng hilahin ako ni jigs paalis ng stage. Hindi ko alam pero para akong bata na nagpaubaya dahil sa walang magawa kundi ang umiyak at humingi ng saklolo. Nang makarating sa baba ng stage ay nanatiling tulala. Pilit nilalabanan ang emosyon. " okay ka lang ba ellie?" nagaalalang tanong ni jigs. " ganun ba talaga sya? Kahit sa kakilala nya o kaibigan? " naguguluhan kong tanong " yes, the cold hearted villaverde " walang emosyon nyang sagot " k-kilala mo ba sya? Matagal mo na ba syang kilala?" hindi agad sya sumagot, napa hinga pa sya ng malalim bago ulit sumagot. " he's my ex bestfriend. Old friend? Zion villaverde " para akong nabuhusan na malamig na tubig sa narinig. " z-zion? Zion villaverde?" ulit ko," kunot noo syang tumitig sakin " zion miguel diba? Or miguel zion totoo nyang pangalan diba?" " just zion, san mo nakuha yang miguel?" sabay bahagya syang natawa pero ako nanatiling nasa kalituhan ang utak ko. Bakit miguel ang sinabi nyang pangalan nya? May dahilan naman sya diba? Hindi nya magagawa na magsinungaling sa akin. Kailangan ko sya kausapin. Kailangan ko maliwanagan kasi parang sasabog na utak ko. Nagantay ako hanggang sa matapos ang audition nila. Mailan ilan na lang ang natira at halatang wala na sa mood ang mga nanonood. Nang matapos ay agad ako tumayo hindi ko inaalis sa paningin ko si miguel o zion kahit ano pa dyan importante makausap ko sya. Naglalakad na sya paalis habang busy sa pakikipag usap sa mga kaklase at senior nila. Sa tapat ng pinto ako mismo nag abang para walang kawala. Ang bawat hakbang nya papalapit ay pabigat ng pabigat ang aking dibdib. Hanggang sa magtama ang mata namin. Ang kasabikan ko makita ko sya ay parang kabaliktaran sakanya. Si miguel ba talaga to? Parang hindi. Kasi walang emosyon ang mata nyang nakatitig sakin. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili para may lumabas na boses sa aking bibig. Pero ng makalapit na sya ay parang hangin lang akong dinaanan nya. Napanganga ako. At napakapit ng mahigpit sa strap ng bag pack ko. Nagsisimula manlabo ang mata. Lumingon ako pero hanggang sa lumabas na sya ng hall ay hindi man lang ako nilingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD