Chapter 6

2132 Words
Chapter 6 Ellie Naalimpungatan ako sa maingay na naririnig, akala ko ay panaginip lamang pero ng magising ay nakumpirmang totoo ang ingay. Akala ko ay sa labas nagkakagulo pero nagmumula ito sa sala. Agad ako bumalikwas ng bangon, habang bumababa sa hagdan naabutan ko si dadi at mami na nagtatalo. " aalis ka agad? Kakarating mo lang ah, nakakahalata na ako enrico napapadalas na ata ang hindi mo paguwi dito " nakatalikod sa akin si mami kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero batid sa boses nito ang pagkadismaya, si dadi ay nakaupo at nakasilop ang mga kamay habang nakayuko. Dahan dahan ako sa paghakbang, maging ako ay naguguluhan sa pinagtatalunan nila. Alam ko na napapadalas nga ang madalang na pag uwi ni daddy samin pero tungkol lang ito sa kanyang hawak na mga kaso at dahil sa kanyang propesyon ay nagiingat ito kaya naisip na manatili sa maynila. Akmang sasagutin sana ni dadi ng  makita nya ako, dahilan para agad magbago ang expression ng kanyang muka mula sa iritableng hanggang sa pagbiglang pag amo ng mag angat sya ng tingin sa akin. " a-aalis na ako, uuwi din ako sa susunod na linggo " pagkatapos nya magsalita ay kinuha ang dalang gamit. Napahinto si daddy ng biglang magsalita si mami " wag ko lamang mahuli enrico, dahil kapag napatunayan ko, pagsisihan mo ang lahat " malamig na tugon ni mommy. Hindi lumingon ang daddy, at tumuloy pa rin sa pagalis. Ramdam ko ang biglang paghina ni mommy ng marinig ang pagbuhay ng makina at pagalis ng sasakyan Mabilis akong tumungo sakanya at ng hawakan nya ang kanyang dibdib at halos mapaupo, agad ko sya sinalo at inalalayan. " mommy, ayos ka lang? May masakita ba sayo?" Nagaalala kong tanong, mabilis naman syang umiling " ayos lang ako anak " hinawakan ko ang kanyang kamay " mom huwag kana magisip kay daddy ng kung ano-ano busy lang yun sa trabaho " Luminingon sya sa akin, mgumiti ako upang mapanatag at gumaan ang pakiramdam nya. " para satin naman ginagawa nya mommy kaya wag kana magalala, mahal nya tayo, kaya hindi sya gagawa ng anu mang ikakasakit natin " dahan dahan syang ngumiti at tumango, nakaramdam ako ng kapanatagan, ayoko syang magalala, hanggat wala ang daddy ako ang magbabantay sakanya at malaki ang tiwala ko sa daddy  at never nya magagawa  ang mga bagay na makakasakit kay mommy, sa akin. " salamat ellie, swerte kami ng daddy mo dahil ikaw ang pinagkaloob ng Diyos sa amin " nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makitang nagingilid ang luha nya. Hindi ako makapagsalita kaya agad ko na lang sya niyakap. Pilit na nilulunok ang nakabara sa aking lalamunan dahil sa pagpigil ng emosyon ko. Pilit ko nilalabanan ang lungkot sa tagpong natagpuan ko kanina, hindi ko nakikita nagaaway ang mommy at daddy. Kadalasan kasi pag may tampuhan sila ay parehas na tahimik, hanggang sa magbabati na lang sila, pero lately napapansin ko na madalas na sila magtalo, agad din naman sila tumatahimik pag nakikita akong papalapit sakanila. Ayoko may makakitang umiiyak ako o maging mahina sa paningin ng iba. Kaya pilit ko pinapatatag ang sarili.. Ilang segundo kaming magkayakap ng biglang tumunog ang tiyan ko, senyales na nagugutom ako. " kumain ka muna ellie halos buong araw ka natulog kaya nalipasan ka na ng gutom " sabay kalas nya sa pagkakayakap sakin, natawa na lang ako habang si mommy ay napailing na lang Alas syete na pala ng gabi. Napahaba ang tulog ko. Sabagay wala naman kasi ako tulog dahil magdamag ako nakabantay kay... bumalik ako sa ulirat ng magsalita si mommy " anjan na ang pagkain, nakahain na sa lamesa. Aakyat na ako sa kwarto " hindi na nya ako inaantay pang sumagot at nagtuloy tuloy na sa pag akyat. Pinagmasdan ko sya hanggang sa mawala sya sa aking paningin. Nakaramdam ako ng lungkot dahil ramdam kong may tinatago sa akin si mommy. Bumalik ang atensyon ko sa pagkain ng makaramdam ng gutom. Nang matapos ay agad ako nagtungo sa kwarto. " ay dyablo! " halos mabitawan ko ang pagkaing dala ko ng makitang may multo este tao na nakasandal sa bintana. Naka all black ba naman ang hudas ewan ko lang kung di makatakot sabayan pa ng sobrang puti nya. " grabe ka naman sakin " sabay halukipkip nya  " ang dami kong codename sayo ah " sabay ngisi nya at humakbang papalapit sa kama at umupo na akala mo sya ang may ari. " ano nanamang ginagawa mo dito akyat bahay?" Sabay irap ko skanya. Tumawa naman sya ng mahina. Tumalikod ako at lihim na napangiti, nakakahawa kasi yung smile nyang kita ang cute nyang dimple. Kainis " ano tara? Gala ulet?" Kunot noo akong tumungin sakanya, habang sya ay pirming nakaupo sa kama ko. " grabe, gabi gabi talaga?" Biglang lumiwanag ang muka nya na parang nakarinig ng napakagandang bagay. Maya maya ay biglang nag pigil ng tawa. " anong nginingisi ngisi mo dyan? May nakakatawa ba sa sinabi kong gabi gabi tayong..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marealize ko din ang huling sinabi ko, teka parang malaswa ata.?? Agad ako napatingin skanya na paloko loko ng nakatingin sakin. Nakaramdam ako ng hiya at pinamulahan ng muka. Bwisit talaga. " patikim nga ako nyang cookie mo " halos manlamig ako sa aking narinig, teka ano daw?  coo--- cookie ko??? nanlaki ang mata kong napatingin sakanya habang sya nakangising nakatingin sa akin. " a-anong sabi mo?" Halos mautal utal ako sa kaba. " ang sabi ko patikim ako ng cookie mo.. yang hawak mo oh " sabay turo nya sa pagkaing dala ko. Oo nga pala, balak ko mag foodtrip dito sa kwarto ko. Malay ko ba naman kasi kung ano ibig nyang sabihin diba? Oh baka ako lang green minded? Ugh! Tumawa sya sabay dekwatro ng upo. Ang hot nya tingnan s**t! " lika dito " sabay tapik sa tabi nya. " bahay mo? Kwarto mo? Maka yaya ka parang ako pa bisita ah " sabay upo ko rin sa tabi nya, di ko alam bakit napapasunod ako ng lalaking feeling close to sakin. Kumuha sya ng isang piraso at agad na sinubo ni hindi man lang magpaalam kapal ng muka diba?. Hinayaan ko na lang din. " saan mo gusto pumunta?" Tanong nya habang kumakagat ng cookie, nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago nagsalita. " pass muna ako jologs, wala ako sa mood gumala " " bakit may problema ba?"  Napatingin ako sakanya habang sya ay kanina pa pala nakatingin sa akin, umiwas ako at tumingin na lang sa mangkok na hawak ko. " hindi wala, ano kasi ayoko lang iwan si mommy, medyo masama kasi pakiramdam " tumango tango naman sya. Ilang segundo kami natahimik ng biglang nakarinig kami ng katok. " ellie anak gising kapa?" Agad ako napabalikwas ng tayo " hala si mommy" sabay tingin ko kay jologs na pakiramdam ko ay namumutla na ako sa takot. "Bilisan mo umalis kana " sabay tulak tulak ko sakanya. " teka lang hindi pa ako tapos kumain " sagot nya na parang walang pake alam kahit mahuli pa sya ng mommy sa kwarto. " mamaya na bibigyan na lang kita---" hindi pa ako tapos magsalita ng biglang pumihit ang door knob. Nanlaki ang mata ko at agad na ginapangan ng kaba. Gosh! Anong gagawin ko! Naisip ko na palabasin na sya sa bintana kaso mahuhuli pa rin sya. Nagiisip ako ng mabilis " sa ilalim ka muna ng kama bilis " maya maya ay biglang pasok ni mommy " ellie? May kasama ka ba? Bakit parang may kausap ka?" Tanong ni mommy Ako naman ay di mapakali at inayos ayos ang kama na nagulo, ramdam ko ang pawis sa buong katawan ko lalo na sa muka ko. Jusko ninenerbyos talaga ako. " ah- eh wala mom ano po kasi ah... nagprapraktis ako sa dula dulaan " sabay tawa kong peke. Teka bat yun ang naisip ko? Bahala na nga Taka syang tumitig sa akin, pinapakiramdaman ako. Sabay pasada ng  tingin sa loob ng kwarto ko hanggang sa dumako ang tingin nya sa kama. Para akong malalagutan ng hininga ng papalapit sya dito. Nanlalamig ako habang dasal ng dasal sa isip na sana hindi nya tingnan ang ilalim ng kama " mabuti marunong ka na maglinis ng kama at kwarto mo " sabay ngiti nya sa akin, agad ako nakahinga ng maluwag. Lumapit sya sa akin at inabot ang cellphone ko. " i think you're responsible enough kaya binabalik ko na sayo yan " taka akong tumingin sa kamay ko, gosh! I miss my phone. Napatingin ako sakanya ng magsalita ulit sya. " basta wag mo na uulitin yon ha?, sana wag ka magtampo, it doesn't mean na wala kaming tiwala sayo... ayaw lang kita mapahamak o masaktan ellie " Hindi ko alam pero agad ako nakaramdam ng paginit ng mata at anu mang oras ay may nagbabadya na tumulong luha. " i love you ellie, always remember that anak " sabay yakap nya sa akin. Natulala ako at hindi nakapagsalita. May kung anong nakabara sa aking lalamunan para manakit ang lalamunan. Naiwan akong tulala sa kwarto hanggang sa magisa na lang. " ay shuta ka!" Oo nga pala may kasama nga pala akong jologs " so no more grounded... " sabay upo nya ulit sa kama, ako naman ay agad na nilock ang pinto, baka bumalik si mommy. " oo kaya ikaw wag ka ng babalik dito! Dahil pwede na ulit akong lumabas" sabay kain ng cookies. Hindi nya naman pinansin ang sinabi ko. " sayo to? Marunong ka? " sabay kuha nya sa gitara na nasa gilid ng kama. " hoy wag mo nga pakealam---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakuha na nya ito at nilapag sa kandungan nya sabay injan seat nya sa kama. " gusto mo kantahan kita?" Hindi na nya ako inantay man lang sumagot at nagsimula na syang magtipa ng chords. Napatulala na lang ako sakanya sa galing nya mag gitara, intro pa lang tyak na maiinlove kana 'Di ko man maamin Ikaw ay mahalaga sa akin 'Di ko man maisip Sa pagtulog ikaw ang panaginip Malabo man ang aking pag-iisip Sana'y pakinggan mo Ang sigaw nitong damdamin Hindi ko maintindihan pero para nya akong hinaharana sa bawat titig at buka ng bibig nya. Nakakainis para akong hinahatak na mapalapit sakanya Ako'y alipin mo kahit hindi batid Aaminin ko minsan ako'y manhid Sana ay iyong naririnig Sa 'yong yakap ako'y nasasabik S a bawat pag strum nya sa gitara ay  kasing bagal ng paligid ko at kabaliktaran naman ng puso kong nagwawala sa aking loob. Bakit ganito grabe ang epekto. Nakatitig lang ako hanggang sakanya hanggang matapos ang kanta. Bumalik ako sa ulirat ng iabot nya sa akin ang gitara " oh! Ikaw naman " napatitig ako sa gitara. " wag na nakakahiya, hawak kamay lang alam ko " sabay upo malapit sa headboard ng kama habang sya ay nasa dulong bahagi. " edi tuturuan kita" sabay ngiti nya, dahilan para mapaiwas ako ng tingin " ano tuturo mo? Magbalik?" Natawa naman sya " halika dito " sabay hila sa akin, nagpatinuod naman ako. " by callalily rin ituturo ko sayo pero hindi magbalik " sabay tawa nya. Kinuha ko ang gitara at nilagay sa kandungan habang naka indianseat. Nagitla ako ng pumulupot ang braso nya sa kabilang kamay ko, para syang nakayakap na sa akin, pigil hininga para di maramdaman na nagkakagulo na ang sistema ko Basic lang ang alam ko kaya tinuro nya kung paano ang g#m chord kung saan medyo hirap ako, nang makuha ay sunod ang pag strum, Sa bawat paghawak nya sa kamay ko ay parang naninigas ang buong katawan ko, dahan dahan ako sa pagbuga ng hininga dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko Naturuan naman ako ng daddy kahit paano sa gitara kaya binilhan nya ako kaso hindi na rin ako masyado nagtuloy sa pagpractice dahil naging busy sya. Kaya naman agad ko na gets ang kanta. Lihim ako napapatingin sakanya kapag napapalapit ang aming mukha at halos maamoy ko na ang mabango nyang hininga, gosh! Medyo natatawa pa kami pag nagkakamali ako, sandaling nakalimutan ko ang lungkot. Nang makuha ko na ang chord, ay sinabayan na nya ng kanta. ( takipsilim by callalily ) Ilang hakbang papalayo Sa bawat singhot, ako'y napapaso Hinahanap ka na ng langit Saan kita itatago? Ang buhay 'di mahalaga Kung ika'y hindi makakasama Walang ibang idadalangin O Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin Nakaramdam ako ng kirot sa puso ng marinig ko ang lyrics. " ang lungkot naman " sabay ngisi ko, nagtaka naman ako ng ngumiti sya sa akin pero halata ang lungkot sa mata nya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman, sandali kami napatitig sa isat isa, parang biglang huminto ang takbo ng oras at tanging mabilis na t***k ng puso ang maririnig. Unti unti lumapit ang kanyang muka sa akin, muli nanaman nya ako nahihipnotismo at napapasunod sa lahat ng ganyang gusto. Pumikit ako at hinayaan ang sarili, hanggang sa maramdaman ang malambot at mainit nyang labi sa aking labi. Hindi makapaniwala sya ang aking unang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD