Chapter 5

1882 Words
Chapter 5 dahan dahan ko minulat ang mata. Nahagit ko ang aking hininga dahil sa aking nakita. Nagkanda duling duling na ako sa sobrang lapit namin sa isat isa. " sabi ko sayo sasaluhin kita diba " Hindi ako nakapagsalita, ilang segundo kami sa ganoong posisyon na mapagtanto kong buhat nya pala ako (bridal style). Kaya pala halos maamoy ko lahat ng hininga nya dahil nakapulupot ang braso ko sakanyang leeg. Nakaramdam ako ng ilang " i-ibaba mo nga ako " mautal utal pa ako. " tsk ang sungit ang bigat bigat naman " pinanliitan ko sya ng mata sabay irap. Rinig ko ang pag mahina nyang tawa kaya lalong kumulo ang dugo ko. " halika na baka mamaya mahuli pa tayo, takot ka pa naman " akmang sasabunutan ko sya ng kumaripas sya ng takbo. Sa gigil ko ay hinabol ko din sya. Habol hininga akong napahinto ng makitang nakasandal sya sa kotse. Hindi pa ako nakakalapit sakanya ng biglang sumakay sya sa kotse. Namilog ang mata ko at dali daling lumapit sakanya. " hoy abnormal kaba anong ginagawa mo dyan, bumaba ka nga mamaya mahuli ka ng may ari ng sasakyan " mayamaya ay bigla syang tumawa ng malakas. Luh may saltik ata to eh. Sinandal nya ang siko sa bintana at sumilip sa akin. " akin to " sabay hagalpak nya ulit ng tawa. " alam mo hindi ka lang akyat bahay, carnaper kapa ay hindi kidnaper din pala " sabay halukipkip ko. " kidnap? May kidnap bang kusang sumama ? " sabay tawa nya ulit. Sa inis ko ay umalis ako. Bwisit sya hindi matino kausap isasali pa ata ako sa gang nilang mandurugas. " huy ellie saan ka pupunta " hindi ko sya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Nagitla ako ng bigla nya akong hatakin sa wrist ko at pabalang na nasubsob sa dibdib nya. Nakatingala ako sakanya habang titig na titig sa mata nya. " where are you going " nanlamig ang katawan ko, ngayon ko lang narinig ang seryoso nyang boses. Kung titingnan ay Para kaming magjowa na nagaway at ayaw paalisin sa tindi ng kapit nya. " u-uwi na ako " lakas loob kong sagot. " agad agad? Hindi pa nga natin napupuntahan yung lugar eh " kunot noo akong tumingin sakanya. Ngayon naman bigla umamo ang boses nya. " san ba tayo pupunta?" Wala sa loob kong tanong. " paano mo malalaman kung di ka sasama " napapikit na lang ako sa inis, pa mysterious pa tong lalaking to hindi pa sabihin kung saan eh, mamaya sa sm lang pala eh ilang beses na ako nagpunta doon. Tsk boooringggg! Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng kotse nya. Tinitigan ko ang bawat galaw nya. Napaisip tuloy ako, kanya ata talaga tong sasakyan kasi kabisado nya lahat pag paandar ng makina, ang bintana at aircon ay kusang bunukas at sumara. Maya maya ay umaandar na ang sasakyan, tumingin sya sa akin " elib ka no? " sabay ngisi sakin. Ngumiti naman ako ng peke yung ngiti na pinakita ko talagang pilit lang. Bwisit na lalaki talaga to, hindi ko alam bakit ako napapayag sa trip neto. Bumaling na lang ako ng tingin sa bintana. Wala ako sa mood makipag usap masira pa gabi ko sakanya. Maya maya ay nagpatugtog sya ng radyo. Hindi ko alam kung inaasar din ako ng tadhana, close to you by carpenters lang naman ang tugtog. Napapikit na lang ako at napasandal sa inis " you like that song?" Basag nya sa katahimikan. Napamulat ako ng mata at tumingin sakanya. Sya naman ay diretsyo pa rin ang tingin sa kalsada. " oo " sabay balik sa pagpikit ulit. " why, may naalala kaba?" Napabuntong hininga na lang ako. " oo meron, pero yung taong yun bwisit sa buhay ko " sagot ko habang nakapikit pa rin. Hindi naman nya alam na sya yun eh. Bahala sya dyan. Hindi ko alam kung ilang minuto kami nasa byahe. Pero buti naka kotse kami, malayo sya kapag nilakad mo baka bukas kapa makarating. Maya maya ay huminto na kami, hindi ko maaninag ang lugar dahil madilim. Lumabas ako ng makitang nasa labas na na rin sya, ramdam ko ang lamig kaya agad ko niyakap ang sarili. Nasa isang mataas na lugar kami, mapuno at  maaliwalas, sa di kalayuan ay matatanaw mo ang syudad. Agad ako ginapangan ng kaba ng makitang nakatitig sya sa akin. Napaatras ako ng makitang papalapit sa akin habang tinatanggal ang suot na jacket. " a-anong ginagawa mo jologs " kinakabahan kong tanong. Ngumisi lang sya sa akin patuloy pa rin ang paglapit. Napahawak ako sa katawan. Gosh! Kasalanan mo to ellie sumama sama kapa kasi. Hindi na ako mapakali. Hanggang sa huminto sya sa harap ko. Madilim ang paligid pero kitang kita ko ang kanyang maamong  muka dahil sa liwanag ng buwan. " lumayo ka sa akin! " lakas loob kong sabi. Humakbang naman sya paatras, isang hakbang lang talaga. " okay naba yan ?" Kunot noo akong napatingin sakanya " ano bang iniisip mo?" Sabay ngisi nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay. " tara doon tayo para mas maganda " sabay turo nya sa taas ng puno. " a-anong gagawin natin dyan?" Kinakabahan kong tanong. Bigla syang tumawa ng malakas baliw na ata to eh. " sight seeing, ano ba iniisip mo? Halika na nga, dumi ng isip mo " sabay hagalpak nya nanaman ng tawa. Hindi naman ako mapakali sa paghila nya sa akin habang hawak hawak sa aking kamay. Nagpatinuod ako sakanya at titig na titig sa magkawak naming kamay. Haist ellie hinila nya lang kamay mo wag kang ilusyunada. sa puno ay meron ditong nakababang hagdan na gawa sa kahoy at makapal na tali. Umakyat sya dito hindi naman ganun kataas. Nang makaakyat at sumilip sya sa maliit na pinto nito. " akyat kana dali " sabay ngiti nya sa akin. Dahan dahan ako umakyat medyo magalaw ito dahil naka hanging ito. Nilahad nya ang kamay nya ng malapit na ako. Pagakyat ay biglang binuhay nya ang ilaw. Namangha ako sa aking nakita. Nasa tree house kami at napapalibutan ito ng christmas lights na dilaw na syang nagsisilbing ilaw nito. Pinalibutan ko ito ng tingin " wow " hindi ko maalis ang tingin sa paligid may nakalatag na furr fabric sa sahig at may ilang unan. Maya maya ay binuksan nya ang maliit na bintana kung saan matatanaw mo ang kabuuan ng syudad. Dahil gabi ay mas lumitaw ang ganda nitong mga ilaw. " this is my favorite place " rinig ko mula sa aking likod. Para akong naestatwa sa aking posisyon ng maramdaman ang kanyang hininga sa tenga. Para akong kinikiliti ugh! " d-dito kaba nakatira?" Bigla kong tanong. Nakakatuliro posisyon namin. Nakatanaw ako sa labas ng bintana habang sya ay nasa likod ko at kinulong sa kanyang dalawang braso dahil naka kapit din sya sa bintana. And ending para syang nakayakap sakin. Konting galaw ay didikit ang mga balat namin Napalunok ako, nanunuyot ang lalamunan. " a-ang ganda " sabay kabig sa kamay nyang nakaharang. Whew! Naglalakad lakad ako sa loob na akala mo ay napakalaking lugar nito. " hey sit here " sabay tapik nya sakanyang tabi. Di ko namalayan na nakaupo na pala sya sa furr fabric na nakasapin sa lapag. Wala sa sarili akong sumundo, di ko alam para nya akong nahihipnotismo para sumunod sa lahat ng kanyang gusto. Upo ako sa tabi nya, saby higa naman nya, katulad nya ay humiga na din ako. Doon ko nalaman na bukas pala ang ibabaw ng tree house " ang ganda " saad ko habang nakatanaw sa kalangitan. Kitang kita mo ang bituin at buwan na nagkikislapan sa sobrang liwanag, para bang nakikisama din ito sa ganda ng panahon. " paano kapag umulan?" Tanong ko habang nakatanaw pa rin dito. " May trapal ako sa gilid, hihilahin na lang kapag uulan " sagot nya habang nakatanaw din sa kalangitan. " ikaw ba ang gumawa nito?" Hindi sya sumagot, kinuha nya ang unan at binigay sa akin. " oh mangangalay ka " sabay ngiti nya, umiwas ako ng tingin. Kainis ang cute nya kasi. " daddy ko ang may gawa " bigla nyang sagot, napatingin ako sakanya gusto ko sana magtanong pa pero naunahan ng hiya. Kaya bumalik na ulit ako ng tingin sa langit Nagulat ako ng bigla nya tinaas ang kamay na parang inaabot ang nakikita sa langit " peaceful right? " tumango ako ginaya ang ginawa nya . " para tayong tanga dito " sabay tawa ko, tumingin sya sa akin at natawa na din. " ikaw kaya yun, ang dumi ng utak mo kubg ano ano iniisip mo " tawa nya ulit. Pinanliitan ko naman sya ng mata " malay ko ba kung anong gagawin natin dito " napanguso na lang ako dala ng hiya " bakit gusto mo ba ?" Napatingin ako sakanya sabay iwas din. Bakit ang seryoso nya. Haist " ewan ko sayo " akma na akong tatayo ng bigla nya ako hilahin sa balikat kaya nawalan ng balanse at napa patong sakanya. Napanganga ako sakanyang ginawa. Halos maubusan ng hininga sa sobrang lapit naman sa isat isa. " ah eh jologs uwi na ta---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin. Na lalong nagpakabog ng puso ko. " please stay, i need to calm " pagkatapos nya magsalita ay lalo nya hinigpitan ang yakap sakin. Dahilan para Lalong magkagulo ang lahat ng laman loob ko. Hindi ko alam kung ilang minuto kami nasa ganung posisyon. Hanggang sa marinig ko ang mahina nyang paghilik " ang walang hiya nakatulog na nga " bulong ko, akmang tatayo ako pero sa tuwing gagalaw ako ay mas lalo nyang hinihigpitan ang yakap. Ano ako unan? Habang tulog ay nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang kanyang muka. Ang amo amo ng lalo na kapag tulog, makinis ang muka pero halatang may papatubo na mga bigote, mahabang pilikmata at matangos na ilong, samahan mo pa ng labi nyang parang alaga sa lip mask  gosh! ang perfect naman nito how to be you po? Sa sobrang busy ko na pagnasaan este diniscribe ko lang naman yung muka nya. Nasilayan ko na lang ang labas na magkulay asul ang langit. Hala umaga na!! " jologs, jologs " sabay tapik tapik sa muka nya. " huy jologs gising! " umungol lang naman sya na parang kasalanan ko pa na naistorbo ko ang pagtulog nya. Agad ako tumayo, bahala sya jan kung masaktan braso nya. Inayos ko ang damit at buhok ko. Nagkusot kusot pa sya ng mata habang pilit na minumulat ang mata " huy umaga na! Umuwi na tayo!" Nagpababa ako Medyo malayo sa bahay. Maya maya habang papalapit sa amin ay tanaw ko na si mommy na nagwawalis sa labas. Lagot! Nakailang lunok ako, binagalan ang lakad. Ano idadahilan ko ? Huhuhu Haanggang sa makita ako ni mommy, gulat na gulat " ellie?" Hindi ko alam ang sasbihin ko o anong klaseng paliwanag ang gagawin ko. Namamawis na ang buong muka ko " mommy, ano po kasi---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla sya magsalita " nag jogging ka nanaman?, ikaw tlaagang bata ka hindi kita pinapalabas diba? " sabay iling iling nya. agad ako nakahinga ng maluwag na yun pala ang inisip ni mami. Whew " sorry po, feeling ko po kasi nananaba na ako kakakulong sa kwarto. Sige po pasok na ako " Hindi ko na pinakinggan ang sinabi nya dahil agad ako tumakbo papasok sa loob. Agad na padapa akong humiga sa kama. At nagpagulong gulong, pilit na winawaksi sa isip ang nangyari kanina hanggang sa makatulugan ko ang kilig na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD