Chapter 4
Ellie
Halos dalawang araw na akong nakakulong dito sa bahay. Grounded lang naman ako. No cellphone, laptop and worst bawal lumabas haist!.
Akala ko naman kasi na makakaligtas na ako kay mommy, dahil bukod sa pinagpaalam naman ako ni jana, panatag ako na pagtatanggol ako ni daddy kay mommy.
Ang kaso parehas nagalit ng halos maguumaga na ako umuwi. Tumambay pa kasi kami ni jana sa plaza,
Nakailang paikot ikot na ako sa kama.
Natupi ko ang damitan tapos sa sobrang boring ko ginuli ko ulit at tinupi.
Na general cleaning ko na din ang kwarto ko at sa sobrang boring ko ulit nagkalat ulit ako.
Haist! Pati si jana bawal muna sa bahay. Banned sya! Hahaha kaya tuloy hanggang silip na lang kami sa bintana.
Habang inaayos ko ang napagtripan kong gamit. Naalala ko nanaman ang pang iisnob sakin ni jologs.
porke pinagkakaguluhan sya ng mga babae don, bigla sya hindi mang iisnob hmmmp!
" ellie, mamalengke lang ako ha kung nagugutom ka may pagkain dyan, babalik din ako at..... wag kang lalabas " pinagdiinan pa talaga ni mami ang huling sinabi nya. pagkatapos magbilin ni mommy ay agad nya sinarado ang pinto.
Napairap na lang ako sa ere at binasa ang hawak na libro. Sa sobrang boring ko nabasa ko na lahat ng libro na nakatambak dito sa bahay. Malamang sa pasukan sobrang talino ko na.
Narinig kong bumukas ang pinto at sinarado ulit. Si mommy malamang may nakalimutan sabihin. Hindi ko na pinansin at nanatiling nakatuon ang mata sa binabasa.
" baka tumalino ka nyan "
" ay shuta ka!" halos mabitawan ko at mapatalon sa kama dahil sa boses lalaki na nagsalita.
" jologs? Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong. Kunot noo naman syang tumingin sa akin
" jologs? Ako jologs?" Inirapan ko lang naman sya.
" oo sino pa ba kausap ko? Teka anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Paano ka nakapasok sa bahay? Magnanakaw ka no? O kaya rapist.... tulong, tulong " sigaw ko.
Dahil sa pagwawala ko ay agad syang tumakbo papalapit sa akin at tinakpan ang bibig ko. Dahil sa kakapilit na tanggalin ang kamay nya ay na out of balance kaming dalawa at bumagsak sa kama.
Halos lumuwa ang mata ko at hindi makahinga dahil sa pwesto naming dalawa. Nakapatong lang naman ako sàkanya at halos isang dangkal ang layo sa isat isa.
Amoy na amoy ko amg mabango nyang hininga. Simpleng napatingin sa kanyang labi. Amg sarap kagatin. Siguro lasang cherry yan kasi sobrang pula.
" mukang kailangan ko ng sumigaw ng rape " bumalik ako sa ulirat ng magsalita sya. Kaya agad agad ako tumayo at inayos ang damit.
Umiwas ako ng tingin, ngumisi naman sya sa akin
" h-hndi ko yun sinasadya no, ang g-gaslaw mo kasi " halos mautal utal ako sa sinasabi ko. Ang lakas ng kalabog ng puso ko parang galing sa ehersisyo.
Tumayo sya sa kama. Rinig ko ang pag ngisi nya. Pero nanatili akong iwas tingin.
Lumakad lakad naman sya sa kwarto parang sinisiyasat kung may mali rito, napatingin din ako sa bawat pag suyod ng mata nya. Bigla tuloy ako na concious ang gulo kasi ng kwarto ko.
Lumapit sya sa radio cassette tinitigan nya ito saka binuhay. Namilog ang aking mata
" hoy! Sino nagsabi sayo mangelam ka ng gamit ko?" Tuloy tuloy lang sya sa paglakad. Hindi initindi ang sinabi ko
" aba bastos tong batangg to ah feeling close bulong ko. Akma na sana akong magsasalita ng unahan nya ako.
" Ayos din tong kwarto mo ah makaluma, " sabay pirming upo nya sa bintana ko. " mukang antique, parang yung mayari " sabay hagalpak nya ng tawa. Aba gagong to ah,
Sa inis ay naghanap ako ng bagay na maibabato sa kanya, unang nahagilap ng mata ko ang hawak kong kaninang libro.
Nang ibabato ko na sakanya ay bigla syang nawala sa bintana,
Asan yung baliw na yun? . Hinanap ko sa kwarto. Sa likod ng pinto at sa ilalim ng kama. Tumingin ako sa labas bintana
Pinanliitan ko sya ng mata ng makitang nasa labas na ito ng bahay, akyat bahay ata to ah. Kumaway sya sa akin at ngumiti ng pang asar. Sabay takbo nyang karipas
" sira ulo!" Sigaw ko mula sa bintana
" ellie!" Halos lumuwa ang mata ko kung sino ang sumuway sa akin mula sa baba. Kitang kita ko si mommy na gulat sa ginawa ko na Sakto namang kakababa lang sa tricycle
Halos ako naman ay hindi alam ang gagawin. Lagot ako neto kay mommy. Baka di na ako pakainin neto susunod na araw.
Rinig na narinig ni mommy ang pagsigaw ko.
Bwisit na lalaking yon. Pag na extend tong grounded ko susunugin ko bahay nila.
Tahimik lang akong kumakain ng hapunan, dahil ramdam ko ang paninitig sa akin ni mommy, kase naman hindi ko alam ano idadahilan ko kung bakit at sino ang sinagawan ko sa labas.
Pero mabuti na rin na hindi alam ni mommy kung sino yon. Mas lagot ako kapag nalaman nila na may lalaki galing sa kwarto ko. Haaaay
Pagkatapos ko maghugas ng sangkaterbang plato ay naglinis pa ako ng dining bago umakyat sa kwarto. Parusa sakin ni mommy. Sinabi ko kasi si mang tonyo ying sinigawan ko dahil naniningil nanaman ng utang. Muntik pa ako makutusan.
Pasalampak akong humiga sa kama bwisit hindi ko makalimutan yung ginawa ng lalaking yon. Ilang oras akong nasa ganung posisyon.
Dahil wala akong magawa at hindi agad mkatulog muli ko binuhay ang radyo, yun na lang ang papalipas oras ko.
Binuksan ang sliding na bintana, dinama ang malamig na simoy na hangin, kinuha ang suklay at sinabayan ang kanta.
(Playing ewan by imago )
'Di ko alam kung bakit ka ganyan
Mahirap kausapin at 'di pa namamansin
'Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Ngunit 'di bale na basta't malaman mo na
Mahal kita, mahal kita
Hindi 'to bola
Ngumiti ka man lang sana
Ako'y nasa langit na
Mahal kita, mahal kita
Hindi 'to bola
Sumagot ka naman 'wag lang
Ewan
Feel na feel ko ang pagkanta na akala mong nasa concert.
feeling ko na ako yung tunay na kumakanta with matching pagpikit ng mata
Tinaas taas pa ang kamay at pinilig pilig ang buhok.
Sana naman itigil mo na 'yang
Kakasabi ng ewan at anong bola na naman 'yan
Bakit ba ganyan, dalaga'y 'di alam
Na ang ewan ay katulad na rin ng oong inaasam
Akmang sasabyan na ang chorus ng may boses na lalaki ang sumabay.
Mahal kita, mahal kita
Hindi 'to bola
Ngumiti ka man lang sana
Ako'y nasa langit na
Napatingin agad ako kung saan nanggaling ang magandang boses ng nilalayang na yon. s**t! Parang nagsoslowmo ang paligid at tanging boses mo lang nya ang tanging maririnig.
Bakit ganito parang ni revive nya yung kanta yung tipong recording artist lang ang peg.
Gwapo ang ganda ng boses.
Mahal kita, mahal kita
Hindi 'to bola
Sumagot ka naman 'wag lang
Ewan
Bumalik ako sa ulirat ng matapos ang kanta pinikit pikit ko ang mata baka akoy namamalikmata.
sabay ngiti sa akin.
" hoy shuta ka!" Impit kong sigaw dahil may gwapong nilalang na cool.na cool na nakaupo sa bintana
" hoy panong..." sabay lapit ko sa bintana mabilis na tiningna ang kalsada kung may nakakita sakanya. Mabuti walang tao. Agad ko sya.hinila papasok sa loob.
" hoy anong ginagawa mo dito? Tsaka paano ka nakaakyat dyan? Siguro akyat bahay ka no? " pinamulsahan nya lang naman ako.
" hindi ka ba naboboring? Dalawang araw ka ng nakakulongg dito sa kwarto oh. " Sabay upo sa kama ko. Aba!
" paano mo nalaman? Tsaka ano bang pake mo! Lumayas ka nga dito!" Sabay tulak sakanya paalis ng kama. Binigatan nya ang sarili para hindi sya matulak. Para akong nagtutulak ng bato eh... oy! Di ako adik ah.
" kung ako sasayo, tatakas ako " cool na cool nyang sagot.
" baliw kaba? Tsaka nagawa ko na yun no! Akala mo sa akin " pagmamayabang ko.
" nagawa mo na pala e, bakit di mo gawin " hindi ako sumagot, sabay ngiti naman nya sa akin ng nakakaloko " natatakot ka no? "
Pinanliitan ko naman sya ng mata " hindi no, gusto mo su-subukan ko ngayon eh " halos mautal ako sa sinabi ko, shuta! Napasubo ata ako ngayon ah! Bwisit na lalaking to! Wala naman ako balak maglakwatsa at lumyerda ngayon.
Bigla sya tumayo " alright! So let's go?" Sabay lahad ng kamay nya sa akin.
" ano ka feeling close " sabay irap ko skanya. Nilagpasan ko sya at binangga ang balikat. Kaso braso nya lang ang natamaan ko, hindi ko abot balikat nya. Huhuhu liit ko kasi, kainis!.
Dire-diretsyo ako sa aparador ko at binuksan ito upang kumuha ng tshirt at jogging pants. Nakapantulog kasi ako.. magbibihis na sana ako ng makita ko sya sa salamin at nakatitig sa akin. Para akong nakakita ng multo at agad na humarap sakanya
. " hoy baka gusto mo lumayas dito magbibihis ako" Nagkibit balikat lang sya. " edi magbihis ka, feeling mo naman pagnanasaan kita " sabay upo nya sa kama at kinuha ang song book.
Tinitigan ko sya at minura sa isipan ng ilang beses. " what? Magbihis kana. Di kita trip " sabay ngisi nya. Bumuga ako ng hininga at pinakalma ang sarili.
" tumalikod ka na lng please, hindi ako kumportable" pakiusap ko. Parang sya yung may ari ng bahay para makiusap pa ko no?. Maya maya ay tumalikod na din sya. Nakahinga ako ng maluwag.
Hindi naman talaga ako mghuhubad. Pinatungan ko lang yung suot kong damit. Naka sando at maiksing short kasi ako. " okay na humarap kana kahiya naman sayo " sabay lakad ko papuntang pinto. Akmang hahawakan ko ang doorknob ng magsalita sya.
" hep!hep! Saan ka pupunta?" Takang tanong nya. " lalabas " sagot ko.
" bakit dyan ka dadaan? Walang thrill dyan eh " sabay lakad nya papalapit sa bintana. " dito, dito tayo dadaan " sabay taas baba nya ng kilay
" a-ano? Dyan tayo dadaan, ayoko nga mamaya mabalian pa ako dyan eh " pagtutol ko. Natawa naman sya.
" akala ko ba hindi ka takot?" Sabay taas ng kilay nya sa akin. Pamaktol akong lumapit sakanya. Tinitigan ko ang bab, napapikit ako.
Hindi naman ganun kataas ang bahay kaso hindi ako sanay sa ganito. Mas sanay ako tumakas pero sa pintuan ako dadaan.
" haist! Paano ako bababa jan?" Inis kong tanong. " una muna ako tapos gagayahin mo lang ako " pormal nyang sagot.
" alam mo bwisit ka, pinapahirapan mo pa ako pwede naman sa pinto dumaan "
" eh kasi nga----"
" walang thrill " walang gana kong dugtong sa sinabi nya. Pigil syang tumawa, napatingin ako sa muka nya ang cute nya kasi ngumiti labas pa yung cute nyang dimple.
" wag kang magalala hindi kita iiwan sasaluhin kita " napatingin ako sa mata nya na nakatitig sa akin. Inaantay kong tumawa sya pero ilang segundo na ang nakakalipas seryoso pa rin syang nakatitig sa akin.
Bigla ako nakaramdam ng kaba, at may kung anong nilalang na naglalaro sa aking tiyan.
Ako ang unang umiwas ng tingin, feeling ko bigla ako babagsak dahil sa panghihina ng tuhod ko dulot ng paninitig pa lang nya. Haist ellie kalma!
Tumikhim muna ako bago nagsalita. " h-halika na nga dami mo pang sinasabi "
Una syang umakyat sa bintana at dahan dahan na umapak sa bubong, bahagya pa ako nagitla ng ilahad nya ang kamay nya para alalayan ako sa paghakbang. Kahit na naiilang no choice ako kesa naman madisgrasya pa ako.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Ito ang una kong mahawakan sa kamay ng isang lalaki. Pilit ko hindi pinapansin ang magkahawak kamay namin kahit na nagkakagulo na ang buong sistema ko.
" stay there " saad nya sabay bitaw sa kamay ko, kumapit sya puno. habang isang kamay ay nakakapit sa sanga ang isa ay nakadepende sa bubong, pagkatapos nya bumwelo ay tumalon na sya pababa.
Bigla ako nakaramdam ng takot dahil magisa na lang ako. Bwisit na lalaking yon iniwan ako. Hindi ko na tuloy ano gagawin ko. Balik na lang kaya ako sa loob? Huhu help me dad
Bumalik ako sa ulirat ng makarinig ng may sumisigaw na pabulong " ellie! Ellie!" Dahan dahan ako naglakad. Buti na lang ang yero namin ay hindi pa gaano bulok. Meron din naman itong semento sa likod nito kaya hindi ka mahuhulog.
Nakita ko sya ng medyo lumayo sa pinagtalunan nya, sumenyas sya na lumapit pa at ng nasa banda dulo na ay lumapit sya sa akin.
" kumapit ka sa sanga " mahina nyang sabi.
" ha? Baka mahulog ako jologs " saad ko habang tinitingnan ang pwede pagbabaan.
" wag ka matakot, humawak ka sa sanga lumambitin ka ----- " hindi ko na maintindihan ang sunod nyang sinasabi dahil puno na ako ng nerbyos at busy ang utak ko paano bumaba.
" basta sundin mo ang sinasabi ko ellie, lumambitin kana baka mahuli tayo " nagulat ako ng medyo nilakasan nya ang boses nya.
Bwisit na lalaki talaga to, dahil sa naghalo halo na ang nararamdaman ko napabilis ako ng kilos.
Sinundan ko kung saan sya tumapak at humawak. Napapikit ako para maibsan ang kaba.
" bilis!" Agad ako napabalikwas ng kilos dahil sa pagmamadali nya sa akin. Hanggang sa nakalambitin na ako sa sanga na Hindi ko alam paano ko nagawa
" bitaw na ellie "
" ha?"
" bitaw " wala pang segundo ay bumitaw nga ako. Pumikit ako at hinanda ang sarili pagbagsak sa lupa
Wala akong maramdaman na sumakit ang katawan ko o sumayad ang anu mang katawan sa lupa
" dahan dahan ko minulat ang mata. Nahagit ko ang aking hininga dahil sa aking nakita.
Nagkanda duling duling na ako sa sobrang lapit namin sa isat isa.
" sabi ko sayo sasaluhin kita diba " hindi ko alam pero may kung anong saya akong naramdaman. Dahil sa pagsalo nya? O dahil sa sinabi nya.