Chapter 3

1783 Words
Chapter 3 Habang nasa kotse ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Nice may nauto ako dami kong token. Mehehe " huy ellie, bakit pangiti ngiti ka jan. Kumain kana " agad ako tumalima at sunod sunod na sinubo ang fries na hawak ko. Nakakahiya nahuli ako nila mommy na nag de-daydreaming. tahimik lang kami sa byahe, dahil busy kami sa pagkain. Nag take out na lang kasi kami ng jollibee at sa kotse na kami kumain. Napapangiti pa ako at sinasabayan ng asar tuwing susubuan ng burger ni mami ang dadi. Sweet talaga sila sa isat isa. Sana balang araw ako din. Mahanap ko ang katulad ni dadi. Para kasi sakin perfect guy ang dadi kahit hindi kagwapuhan char! Syempre gwapo tatay ko. Tatay ko yan e. Parehas lang kami kinapos sa height. Ala singko na kami nakauwi sa bahay. Si mami ay diretsyo sa kusina para ayusin ang pinamili tinulungan sya ng dadi. Ako naman ay diretsyo sa kwarto dala ng pagod ay agad na humilata kahit hindi pa nagpapalit mg damit. Pumikit ako para makatulog pero hindi ako dalawin ng antok dahil naalala ko ang muka ng lalaking yon. Napatakip ako ng unan sa mukha. Maya maya ay nagring ang cellphone ko. Wala ako sa mood na sinagot ito. " hello ?" " hoy kanina pa ako chat ng chat sayo wlaa man lang seen " sigaw sakin ni jana " gaga, malamang hindi ako naka online tsaka kakarating lang namin galing sm " sagot ko " tss. Ano sasama kaba? " napabalikwas ako ng upo ," saan? " " ano ba yan. may pa battle of the bands si kap ngayon. Alam mo na palakas para sa darating na botohan " rinig ko ang tawa sa kabilang linya na pang mangkukulam " ano oras ba? " " ang tanong papayagan kaba?" " oo andito amg dadi kaya makakagala ako " rinig ko ang pagsigaw nya. Sinabi nya sa akin kung ano oras kami magkikita at saan. Pero sinabi ko na sunduin ako at sya angmagpaalam sakin. Hehehe matalino kaya ako. Kailangan ipagpaalam ako para payagan. At syempre wala sya nagawa. 7pm na ng dumating sa bahay si jana. Ngiting tagumpay ako samantala sya e nakabusangot ang mukha. Lihim akong napapatawa ng ipag paalam ako. Nanginginig ang kamay nya pati ang boses. Akala mo may nagawang kasalanan sa mami para makiusap. " salamat po tita, promise uuwi din po kami. Papasama lang po ako para mapanood si kuya lumaban " sabay tango nya. Nang makalabas na ay kinurot kurot nya ako. Ako naman ay tawa ng tawa na parang kinikiliti nya. " walangya ka talaga, inalay moko kay tita maggie alam mo naman takot ako dun, okay lang kay tito enrico kasi papayag agad yun si tita jusko kahit mag laslas ako malabo pa sa sabaw ng pusit pumayag. " sabay kurot ulit sakin. Napatigil kami sa harutan ng may narinig kaming grupo ng maiingay sa likod. Napatingin naman kami don. Nakita namin ang kaaway naming grupo. Sila yung nakatira sa kabilang kanto kaya di namin ka close. Inirapan lang kami ng mga babaeng hito syempre ako di papayag umirap din ako sakanila . Aba eskinita namin to kaya wag nila ako tarayan. Napa angat ulit ako ng kilay ng makita ang babaeng kinapos sa tela ang damit. Diba kapatid to ni.... Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang lalaking mala anghel ang muka. Shuta muntik na ako matawa sa pormahan nya. Naka jeans sya maluwag na kapos, sweater na stripe na green and yellow green tapos naka converse. Para namang huminto amg mundo ko ng ngumiti sya sa akin. s**t! Agad ako umiwas ng tingin, binagalan ang lakad at gumilid. Pinauna na namin sila. Ewan bigla ako na concious " huy okay ka lang? Bakit bigla ka nanahimik dyan?" Tanong sakin ni jana. Di ko na lang sya pinansin at maglakad na lang uli. Halos mapuno rin court namin ngayon. Ang kaibahan nga lang ay puro kabataan. Grabe iba ibang pormahan makikita mo ngayon. Mostly mga rakers, meron din mga hiphop, kikay iba nakapambahay, may jejemon, may kinapos sa tela yung iba kala mo aatend ng birthday. Napatingin tuloy kami sa suot naamin ni jana. Simpleng tshirt at jogging pants. Kumakain kami ng tokneneng habang pinapanood ang mga tumutugtog. Iba ibang genre ang kanilang tinutugtog yung iba masakit sa tenga, mga nasigaw mga nagpapatulog at ano pa. Nandito kami ngayon malapit sa stage. Malakas to si jana sa isang organizer palibhasa crush sya ng matandang yun. Tapos kasali pa kuya nya kaya di kami nahirapan. Nang tumungtong na sa stage ang kuya nya ay halos maubusan na kami ng hininga at malagutan ng litid sa leeg kakasigaw. Syempre support kami dito. Kakaiba ang tinugtog ng kuya nya pang underground music tapos headbang ng headbang. Nakakaliw panoorin kasi ang likot sa stage ng vocalist, lead guitarist ang kuya nya. Haanggang sa tinawag na ang susunod na tutugtog. Napahikab pa nga ako kasi inaantok na ako. Gusto ko na nga sana umuwi eh. Naestatwa ako sa aking nakita. Teka sya ba to? Bakit long hair sya ngayon?. Muka syang babae kasi may side bangs sya. Napaisip ako. Hindi kaya nakaipit sya kaya hindi ko napapansin? O masyado lang akong nakapokus sa muka nya kaya di ko napansin ang buhok nya? Bat nung nakaraan muka syang emong bano? Ngayon muka syang babae sa itchura nya? Kaasar mukang mas maganda pa sya kesa sakin. Halos mapasabunot na ako sa nakikita ko. Pero sigurado akong syang to kase yung pormahan nya yun na yun. Para naman akong naubusan ng hininga at naestatwa ng magsalita sya sa harap. " mic test mic test " Naalala ko si ely buendia ng tumugtog dito samin. Grabe amg kilig ko kung paano sya tumayo sinuot amg gitara at paano tumitig sakin. Teka nakatitig sya sa akin. Gosh! Teka sakin ba atalaga nakatitig tong lalaking to. Sabay tingin ko sa likod ko. Para akong malalagutan ng hininga ng kumindat sya sa akin. s**t! Napatitig ako sakanya. Para syang si ely vocalist at the same time guitarist. Nagsimula na magstrum ng gitara intro pa lang hiyawan na ang tao. Lalo na ang grupo ng mga hito. Grabe sa banner te mukang pinaghandaan. Sa laki e hindi na makita ang nasa likod. Kawawa. Nagsimula na sya kumanta. Load up on guns, bring your friends It's fun to lose and to pretend She's over-bored and self-assured Oh no, I know a dirty word Hello, hello, hello, how low Hello, hello, hello, how low Hello, hello, hello, how low Hello, hello, hello Medyo weird pakinggan halos wala masyado nakakasaabay. With the lights out, it's less dangerous Here we are now, entertain us I feel stupid and contagious Here we are now, entertain us A mulatto, an albino, a mosquito, my libido Yeah, hey I'm worse at what I do best And for this gift I feel blessed Our little group has always been And always will until the end Hello, hello, hello, how low Hello, hello, hello, how low Hello, hello, hello, how low Hello, hello, hello Hanggang sa tumatagal na papatango tamgo na ang ulo ko. Hindi ko alam ang kanta pero familiar sya sa akin dahil pinapakinggan din ito ni daddy. May ilan ilan na napapasabay sakanila. Merom ding nakabusangot ang mukha. Kakaiba kasi kinanta nila. Smells like teens spirit ng nirvana. Lalo ako namangha sakanya. Hindi sya yung tipo ng papogi o paimpress para kiligin ka. Yung buhok nyang kimpi na blonde tapos yung pormahan nya na basta na lang nagsuot na halatang walang pake. Yung boses nyang bagay na bagay sakanya. Para sakin nakadagdag sa kagwapuhan nya. At ng matapos ang kanta ay pumalakpak ako ng pagkalakas lakas. Noong una ako lang pumalakpak,  Hanggang sa nakisali na rin si jana pati na rin ang ibang nanonood. Kung ako judge panalo sakin to. Natulala ako ng tinitigan nya ako at ngumiti ng magpasalamat sya. Hinila ako ni jana papuntang back stage. Agad namin pinuntahan ang kuya nya. " ang galing mo kuya, ikaw din jairuz " bati ni jana sabay pacute nya sa crush nyang si jairuz. " weh kahit di mo naintindihan yung kanta?" Sabat ko, siniko nya naman ako. Bahagya pa ako napangiwi. Takteng babaeng to ang sakit nun ha! Habang nakikipag kwentuhan doon sa kabanda ni kuya jack bigla akong napaigtad ng may bumulong sa aking tenga " hanggang dito sinusundan moko ha" sabay ngisi nya. Pinanliitan ko naman sya ng mata " ha.ha.ha feeling ka din e no. Si kuya jack pinunta nmin dito. Di ko nga alm na lalaban din kayo dito eh " sabay irap ko. " nagustuhan mo ba yung tinugtog namin?" Parang may kung anong nilalang sa tyan ko ng ngumiti sya sa akin at makita ko ang cute nyang dimple. " hi-hindi kaya " nauutal kong sagot " panget kaya ng boses mo " hindi agad sya sumagot walang reaksyon ang mukha. Nakonsensya ako ng biglang bagsak balikat syang tumalikod sakin. " oy wait lang " parang may kuryenteng dumaloy sakin ng hawakan ko ang balikat nya kaya agad ko nabitawan. Bahagya syang lumingon " joke lang ikaw naman hindi mabiro. Ang gwapo mo kaya ay este ang galing ng banda nyo " hilaw akong tumawa. Tipid syang ngumiti. Yung ngiting pilit. Di ko tuloy alam amg mararamdaman ko. Malungkot hindi lang ako pati puso ko. Ano ba yan bakit ba ako apektado. Magsasalita pa sana ako pero bigla sya umalis. Hala na offend ko ata. Bibig ko kasi walang filter! Hanggang nawala sya sa paningin ko. Nawalan na rin ako ng mood. Kahit anong chika sa akin ni jana wala ako sa mood makipag harutan Nagkayayaan na ng uwian 1 am na natapos. Hindi ako nangangamba na mapapagalitan anjan naman si dadi.hehe Sila kuya jack ang nanalo total performer ang peg nila. Samantalang 3rd placer naman sila.. sila teka ano pangalan nya? Naguusap kami at nagaasaran pero di ko alam pangalan nya? Ano just a stranger lang ang peg? Habang nakikipagchikahan si jana ay naisip kong hanapin si jologs para makahingi ng sorry . Oo jologs codename nya sa akin tutal di ko alam pangalan nya. At jologs ng porma nya. Hindi naman ako nahirapan hanapin sya. Paano nangingibabaw ang natural blonde hair nya. yung blonde kasi ng iba dito kulay mais na hilaw. Akma ko nang lalapitan sya ng biglang dumugin sya ng fans club nyang kulang sa pagmamahal. Halos matulak na nga ako paatras kakasiksik ng mga babaeng to. Mas marami pa nga nagpapicture sakanya kesa sa nanalong vocalist. Ayaw ba nila mag pa pic kay barney? Char! Kyut kaya nila. Si kuya jack nga kamuka ni daddy pig eh. Dahil hindi naman ako makakasingit balak ko sana sya icongratulate na lang sya. Kaso hindi ako makasingit kaya umalis na lang ako. Kakabwisit sobrang gwapo nya ba para pagkaguluhan. Muli akong lumingon sa likod. Mukang hindi naman nya ako napansin. Bahala sya dyan. Kainis.!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD