KABANATA 2
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang chineck ang screen ng phone ko. Same lang—walang sagot si Abi. Wala ring kahit isang chat notification mula sa kaniya.
Kung ibang araw siguro 'to, baka tatalon pa ang puso ko sa excitement. Pero ngayon? Hindi. May bigat sa dibdib ko na hindi kayang takpan ng magagandang tanawin.
Tinawagan ko ulit. Still nothing. What is she doing?
Si Abi, kapag hindi sumasagot, ibig sabihin ay may ginagawa siyang alam niyang hindi ko magugustuhan. Ganoon lagi ang pattern. At dahil kambal ko siya, alam ko ang lahat ng micro-expression niya, kahit sa boses pa lang.
"Hindi kaya..." pinutol ko agad ang sariling hinala, pero bumalik din. What if she's with him? What if ngayong oras na 'to, she's already doing something na hindi na pwedeng bawiin? Oh, my God! Baka pinipilit na siya makipag… No! No! No!
Sinubukan kong kumalma. Pumikit ako sandali, pero ang utak ko, ayaw tumigil. Naalala ko pa yung huling message niya: Don't stress, I got this.
Right. She got this. Pero ilang beses ko na bang narinig 'yon bago siya sumemplang?
Humugot ako ng malalim na hininga at tinitigan ang buong kwarto. Kung hindi ko lang siya kapatid... kung hindi lang talaga... baka iniwan ko na siya sa gulo niyang sarili. Pero ito ako ngayon, nasa gitna ng banyagang bansa, dala ang problema niya—at pangalan ko pa ang ginamit niya.
Still no missed calls. No chats. Wala.
Abi, where the hell are you?
Mabilis na nag-vibrate ang phone ko, halos mahulog pa mula sa pagkakahawak ko.
Abi.
Finally.
"Hello?!" agad kong sagot, hindi man lang tinipid ang tono ko.
"Okay lang ako," sagot niya, kalmado pa rin na parang wala lang. "Natapos na agad 'yung kasal. After nun... umalis na si Gabriel."
Parang napaso ang tainga ko sa pangalan na 'yon. "Umalis?" madiin kong tanong, pilit pinapakalma ang sarili. "As in iniwan ka agad?"
"Hindi naman iniwan. May—" naputol siya saglit, parang may gustong ikatwiran, "—may lakad lang daw."
Napahawak ako sa sentido. "Abi..." Napapikit ako, sinusubukang hindi sumabog. "Usap-usapan sa buong hotel—at sa lahat ng Chinese-Filipino community—na ang napangasawa mo, si Gabriel, ay isang bato. Wala raw puso. Wala raw pakialam sa kahit sino. At ngayong oras na 'to, pinatunayan niya."
Tumahimik siya sa kabilang linya.
"Are you okay? Wala aking pakialam sa kaniya kahit ano pa siya." halos pabulong pero puno ng diin ang boses ko.
"Don't tell me na okay lang 'to para sa'yo. Kasi kahit sino, Ali, masasaktan kapag sa mismong wedding day mo, umalis ang groom,” ani niya sa kabilang linya. Napalunok naman ako. Wala naman kasi iyan sa akin.
Siya lang talaga ang inaalala ko.
Narinig ko lang ang mahinang hinga niya. "Ali... I’m fine here. Don't overthink, okay."
Gusto kong magbato ng kung anong bagay sa pader. Don't overthink? Seryoso? Pero bago pa ako makabira ulit, pinutol niya na ang tawag.
Nag-pop ang notification sa phone ko.
Isang mensahe mula kay Abi.
Enjoy your vacation, Ali. Live your life for once. Ako na muna bahala kay Māma at Bàba.
Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa screen. Para bang sa simpleng text na 'yon, gumaan bigla ang dibdib ko.
Live your life for once.
Parang ang dali lang sabihin. Pero alam kong para sa amin ni Abi, hindi lang basta-basta 'yon. Lumaki kami na lahat may plano, may limitasyon, may reputation na dapat alagaan. Walang puwang para magkamali.
May dapat isugal kahit pamilya o sarili mong puso at kaluluwa para sa pamilyang ito. Pamilyang kinasusuklaman ko.
Na inihiling ko pa na sana hindi na lang ako nabuhay pa at ipinanganak. Hindi na sana ako naghihirap ngayon. Na sana hindi na kami binuhay pa at ginawa ng nanay ko, dahil parehas lang kami ng kapatid ko ang naghihirap sa mundong ‘to.
Pero ngayon? Nasa Spain ako. Sa lugar na hindi ko akalaing mararating ko, dala-dala ang pangalan at pagkatao ng kakambal ko. Ang saya, 'di ba? Pero at the back of my mind... para akong may countdown na tumatakbo.
Days lang ang mayroon ako. After nito? Babalik na ako sa impyerno. Babalik na ako sa buhay na kinasusuklaman ko.
Pagbalik ko, kailangan ko nang gawin ang lahat ng gulo na iniwan ko kay Abi saglir. At hindi lang basta gulo—legal, emotional, at kung ano pang klase ng gulo na p'wede isipin.
Yi ri you. Iyon lang ang hawak ko ngayon—day trip.
Kaya kahit gustuhin kong magmukmok, I have to savor this. Shuo bu ding—who knows, baka ito na ang last time na makakahinga ako nang ganito.
Pagkabasa ko ng huling linya sa message ni Abi, para bang may biglang gumaan sa loob ko. Shuō bù dìng—baka nga tama siya. Siguro kailangan ko ring magpahinga at maging normal na tao kahit sandali lang.
Nang makabalik na ako sa sala, agad kong hinanap ang maliit kong journal sa bag. Iyong luma na, halos mahulog na ang ibang pahina, pero dala ko pa rin palagi. Ewan, pero pakiramdam ko kasi, kapag naisusulat ko ang isang bagay, mas malinaw siyang nagiging bahagi ng plano ko.
Umupo ako sa maliit na mesa sa tabi ng bintana. Binuksan ko ang journal sa isang blangkong pahina, kinuha ang ballpen, at nagsimulang magsulat.
Trip Itinerary – Ali Edition
Uminom ng legit Spanish coffee—iyong hindi instant at hindi galing sa convenience store.
Maglakad sa makikitid na kalye at tingnan ang mga makukulay na gusali.
Tikman ang tapas kahit hindi ko alam kung magugustuhan ko.
Bumili ng isang bagay na kulay pula. Sabi ni Abi, lucky color daw namin ngayong taon.
Huwag mag-isip ng trabaho. Bù kě yǐ.
Napahinto ako sa huling item. "Huwag mag-isip ng trabaho." Oo, parang imposibleng mangyari 'yon. Bù kěnéng.
Pero sige. This is my one day. Isang araw lang para maging ako—hindi si Alisha Chan na perfect sa paningin ng lahat, kundi si Abi. Ang overproud mas’yado sa sarili. Wait, paano ba ang mga style ni Abi?
Inisip ko kung paano ba siya magsalita kasama ang friends niya. Habang siya ay parang walang pakialam sa magulang ko at ang mga sasabihin nila ay ako naman itong sobrang nakikinig. I’ve been the golden child of Chans’. Halos ako na ang pinakapinagmamayabang nila na ako ang magmamana ng lahat—not Abi, me…
Because I did what they wanted… magpakasal sa isang Del Cantara. Napataray naman ako agad nang maisip ko iyon. Kasal na kami ngayon at ngayon pa lang ay ayaw ko na umuwi!
Nagdagdag pa ako ng ilang sulat sa gilid: Find a bookstore. Buy a local magazine. Maybe talk to one stranger. Like, duh! Ni hindi pa nga ako nakipag-flirt sa lalaki tapos nagkaroon agad ako ng asawa!
Napangiti ako nang makita ko ang huling note. "Talk to one stranger." Eh sa totoo lang, may isa na akong "stranger" na kasama ngayon—si Riel Del. At hanggang ngayon, parang biro pa rin sa akin ang pangalan niya, na parang laging may kasunod na Do.
Riel Del Do.
Pero hindi ko na siya iniisip nang matagal. Hindi ako nandito para mag-analyze ng tao. Nandito ako para mabuhay. Zhǐ yǒu jīn tiān—only today.
Isinara ko ang journal, iniwan sa mesa ang ballpen, at huminga nang malalim. Bukas, wala nang ganitong oras para sa sarili ko dahil gagala na ako nang gagala.
Hindi pwedeng si Ali ang ipapakita ko sa buong trip na 'to—dapat si Abi.
At doon nagsimulang gumulong ang isip ko. Kailangan kong maging eksaktong kopya niya—‘yung ugali, kilos, at buong estilo. The full Abigail Chan experience.
Si Abi... mabunganga. Parang laging may rebuttal sa kahit anong sasabihin mo, mabilis sumagot na parang may script sa utak. Palaban din—kahit pa minsan wala sa lugar, wala siyang pakialam. Siya ‘yung tipo na kapag may hindi nagustuhan, sasabihin agad. Walang sugarcoat.
Samantalang ako? Tahimik. Mahinhin. Yung tipong kapag may mali, tinitiis ko na lang. Sabi nga nila, parang delicadeza girl from an old painting—marunong ngumiti sa lahat pero bihira magsalita. At oo, madalas din nilang sabihing mababa ang tolerance ko sa gulo.
But that won't work now, Ali. Hindi pwedeng mahuli ako sa akto. Isa lang ang mali kong kilos, tapos na ang palabas.
I tried to picture it—Abi's walk, Abi's smirk, even that subtle head tilt she does kapag gusto niyang ipakita na hindi siya impressed. God, she's like a human firework. Ako? I'm more like... a scented candle.
Huminga ako nang malalim. "Okay," bulong ko sa sarili. "From this point on, you're Abigail Chan. Period."
Pero sa loob-loob ko, naiisip ko rin...
Paano kung may makasalamuha kami na mas kilala si Abi kaysa sa kilala ko siya? Paano kung hindi ko kayang sabayan yung bilis ng dila niya?
At mas nakakatakot—paano kung mapansin ni Riel Del na hindi ako ang totoong Abi, baka kasi naka-fling iyon ni Abi!
Agad kong binuksan ang maleta. Isang mabilis na pagbuklat, at para akong tinamaan ng katotohanan sa pinaka-unang tingin pa lang.
Lahat. As in, lahat ng damit ay kay Abi.
Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapamura. Halos wala ni isang piraso na puwedeng ituring na "safe choice" para sa isang mahinhin at low-key na babae tulad ko. Parang pinaluto ako para sa fine dining tapos ang binigay sa akin, mga sangkap pang-street food.
I should've guessed. Si Abi kasi ang naghanda ng gamit ko bago ako umalis, at obviously, hindi siya nagpaalam kina Mama at Baba tungkol sa trip na 'to. Bakit? Dahil nag-away sila. Classic Abi move.
Napahugot ako ng hininga at tumitig sa laman ng maleta—may crop top na literal kalahati lang ng tela, may dress na parang isang hininga lang ang pagitan sa wardrobe malfunction, at may shorts na kung titingnan mo mula sa malayo, halos mukhang belt lang.
Okay, Ali, sabi ko sa sarili ko, this is it. Method acting tayo ngayon.
Lumapit ako sa salamin para magsimula ng "Be Abi" training. Una, inayos ko ang postura ko—balikat paatras, baba bahagyang nakataas, tingin na parang I own this place.
Tapos, sa pinaka-confident tone na kaya ko, sinabi ko, "What's up, homie!"
Tumigil ako. Napakunot ang noo ko. Nope, parang rapper na hindi sure sa genre.
Nagpalit ako ng outfit—yung pinakamatinding choice sa maleta: isang body-hugging dress na parang isang maling galaw lang, kita na kaluluwa ko. Pagharap ko ulit sa salamin, tinapunan ko ang sarili ko ng mapang-akit na tingin.
"Mamacita... rawrr..." Kumamot pa ako sa ere na parang catwoman wannabe, tapos natigilan, napangiwi, at biglang natawa nang malakas. God, I look ridiculous.
At sa gitna ng tawa ko—ay nahinto ako.
Napatigil ako, nanigas.
Pinagmasdan ko ang pintuan pero kumatok ito ulit. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto... at bumungad doon si Riel Del.
Nanlaki ang mga mata niya. Kita sa ekspresyon niya na nag-glitch ang utak niya sa nakita—parang hindi niya alam kung titingin sa mukha ko o sa outfit na halos sumigaw ng Rated SPG.
Bago pa siya makapagsalita, mabilis kong isinara ang pinto.
Napaatras ako, napahawak sa dibdib. Oh my God. Oh my God. Oh my God.
Hindi ko alam kung gusto kong matunaw, mag-teleport, o mag-file ng restraining order laban sa sariling kahihiyan.
Halos mapasandal ako sa likod nito, hinihingal sa kaba. Para akong nahuli sa krimen na hindi ko naman sinasadya—well, except na ako rin ang gumawa ng ebidensya.
Okay, Ali, calm down. Hindi pa ito katapusan ng mundo. But it's very, very close.
Agad kong tinanggal ang nakakakulong sa katawan kong dress. Hindi ko alam kung adrenaline ba 'to o pure humiliation, pero nagmamadali akong naghalukay sa maleta. Wala akong pakialam kung ano na lang mahagilap ko, basta mas safe sa mata ng sinumang muling kakatok sa pintuan.
Pero paano ka naman magpapalit nang matinong damit kung ang choices mo ay—isang white tank top na halos see-through, o isang floral romper na may slit hanggang kaluluwa?
Napabuntong-hininga ako. Thanks, Abi. Love you too.
Kinuha ko ang romper. At least may design, at kung tatayo lang ako nang maayos, baka hindi mahalata ang slit. Pero habang sinusukat ko sa harap ng salamin, nai-imagine ko pa rin ang reaksyon ni Riel Del kanina—yung nakakairitang widening of his eyes, tapos 'yung parang nagpi-pixelate ang utak niya sa harap ko.
God, please burahin mo na 'yon sa memory niya.
Hinila ko ang buhok ko sa ponytail, pinaypay ang sarili ko gamit ang kamay, at pilit kinakalma ang utak ko. Okay. Game face. No more rawrr moments. Let's just be... boring. Yes. Boring Ali.
Pero bago pa ako tuluyang maka-recover, narinig ko ulit ang mahinang tok sa pinto.