KABANATA 3

3900 Words
KABANATA 3 Narinig kong may kumatok sa pinto. Mabilis akong napabalikwas mula sa kama, halos mahulog pa ang kumot na kanina'y mahigpit kong yakap. Hindi pa man ako nakaka-recover mula sa antok, bigla na lang pumasok sa utak ko kung sino iyon. Si Riel Del. Ang personal tourist ko na hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ibinigay sa akin. Kahapon lang sa airport nagkakilala kami nang mas maayos at somehow, alam niyang "Abi" ang pangalan ko. Hindi Ali. Hindi ang tunay na ako. Kinagat ko ang labi ko bago sumilip sa peephole. Nakita ko siya—naka-denim jacket, naka-white shirt sa loob, at naka-dark jeans. Relaxed ang dating pero halatang sanay sa pag-aantay. At Diyos ko, kahit simple lang suot niya, parang photoshoot ready. "Good morning, Abi," narinig kong sabi niya nang bumukas ang pinto. Nakatayo lang siya doon, hawak ang maliit na itinerary booklet. "Ready for your first tour in Madrid?" Napakurap ako. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita nang hindi nagkakamali. Kaya ngumiti na lang ako. "Uh, yes... give me a few minutes." Tumango siya at naghintay sa gilid ng pinto. Pagkapasok ko ulit sa loob, saka ako napabuntong-hininga. Ali, huwag kang magpahalata. You're Abi today. Kaya mo 'to. "Jiayou! Fighting!" bulong ko sa sarili. Jiāyóu! Fighting! Kaya mo 'to! Laban lang! Nagmadali akong nag-ayos. Light makeup lang, BB cream, lip tint, tapos ponytail. Hindi ko rin gustong magmukhang trying-hard. Blend in. Blend in. Kinuha ko sling bag ko, nilagay passport, wallet, power bank, at maliit na notebook na dala ko para kunwari ay "tourist notes." Pagbalik ko sa pinto, nakatingin pa rin siya sa hallway. Nakangiti. "You're quick. Let's go?" "Let's go," sagot ko, pilit pinapakalma ang kaba ko. Paglabas namin ng hotel, sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Madrid in the morning—sobrang ganda. May mga taong nagmamadali papunta sa trabaho, may mga café na nagbubukas, at naamoy ko agad ang tinapay na bagong hurno mula sa isang bakery sa kanto. "First stop," sabi ni Riel, "Puerta del Sol. It's one of the busiest squares here. I think you'll like it." Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang mapatitig sa paligid. Ang mga building ay parang obra—kahit luma, eleganteng-elegante pa rin. "Zhēn piàoliang..." bulong ko nang di ko namamalayan. Zhēn piàoliang. Ang ganda talaga... Napalingon siya sa akin. "What was that?" "Ah... nothing," mabilis kong sagot sabay tawa. "Just... saying it's beautiful." "I thought so," sabi niya, nakangisi. "I don't understand Mandarin, but I can tell it was a compliment." Medyo nahiya ako pero natawa rin. Sa Puerta del Sol, halos mabingi ako sa dami ng tao. May street performers—isang lalaki naka-statue costume na parang gold knight, may nagvi-violin ng Spanish piece, at may nagbebenta ng souvenirs. "Wow..." Hindi ko napigilang i-voice out. "Parang lahat ng tao, nandito." "Because this is the heart of Madrid," paliwanag niya. "And also, many tourists start their tours here." Bigla niya akong tinapik sa balikat. "Do you want a photo?" Nagulat ako. "Ha? Ako?" "Yes. You should have photos for memories." "Uh... okay." Hinawakan niya ang phone ko at sinenyasan akong tumayo malapit sa kilalang statue ng oso na umaakyat sa puno (El Oso y El Madroño). "Smile," sabi niya. Nag-smile ako, pero hindi ko alam kung natural ba o awkward. "Another one," sabi niya. "This time, candid." "Candid?!" halos ma-awkward-an ako. Pero bago pa ako makatanggi, kinunan niya ako habang nakatingin sa gilid. "Perfect," bulong niya pagtingin sa phone. Napakunot noo ako. "Let me see." Pinakita niya. At—wow. Hindi ko alam kung ako ba talaga iyon. Parang mas maganda ako kaysa sa nakikita ko araw-araw sa salamin. "See?" he said softly. "Spain looks good on you." Napayuko ako bigla. Tama ba narinig ko 'yon? Compliment ba 'yun o napapraning lang ako? Naglakad pa kami papunta sa Plaza Mayor. Habang naglalakad, in-explain niya ang history ng lugar, kung paano naging sentro ng public life noon, pati execution site pa raw. Medyo kinilabutan ako pero interesting. "Don't worry," biro niya, "no executions today. Just coffee." Natawa ako. "Good. I still want to drink coffee in peace." Umupo kami sa isang café sa gilid ng plaza. Inorder niya ako ng churros con chocolate. "Oh my gosh..." sabi ko nung unang kagat. "This is heaven." "Better than what you've tried before?" tanong niya. "Yes. Way better." "Good. Then I did my job as a tourist guide." "Actually," sabi ko, nakangiti, "you're more like... personal company than just a guide." Nagkibit-balikat siya. "Then I'll take that as a compliment." Tanghali na nang nagpunta kami sa Mercado de San Miguel. Food paradise. May paella, tapas, fresh seafood, wine stalls. Ang dami kong gustong tikman pero syempre, nahiya rin akong mag-order ng madami. Pero si Riel, parang hindi napapagod mag-explain. Tinuro niya isa-isa ang mga pagkain, pati kung alin ang best seller. "Try this," sabi niya, sabay abot ng isang maliit na plato ng jamón ibérico. Nag-atubili ako. "This looks expensive..." "Don't worry. Part of the tour." Natawa ako. Tinikman ko. At Diyos ko, parang natunaw sa bibig ko. "Zhēn hǎo chī!" nasabi ko bigla. Zhēn hǎo chī! Ang sarap talaga! Napangiti siya. "Now that one, I understood. Delicious, right?" "Yes!" halos tumili ako. "So good!" Hapon, dinala niya ako sa Royal Palace of Madrid. Doon ako tuluyang nabighani. Ang engrande ng bawat detalye—chandeliers, paintings, marble floors. Napabuntong-hininga ako. Ali, paano kung alam niya na hindi ka si Abi? Na impostor ka lang dito... "Āiyā..." bulong ko. Āiyā! Nako! "What's wrong?" tanong niya. "Nothing. Just... overwhelmed." Gabi na nang bumalik kami sa hotel. Habang naglalakad kami sa may Gran Vía, ang mga ilaw ng shops at billboards ay parang stars na bumaba sa kalye. Tahimik lang kami. Pero hindi nakaka-awkward. More like... comfortable silence. "Thank you for today," sabi ko. "Really. I had fun." "You're welcome," sagot niya. "It's my job. But... it's nice when my tourist actually enjoys." Tumigil siya saglit at tumingin sa akin. "Tomorrow, another adventure?" "Of course," sagot ko. At bago siya tuluyang umalis, nagbitiw siya ng isang simpleng linya na tumatak sa akin buong gabi: "Abi, Madrid suits you." Ulit nanaman niya. At iniwan niya akong nakatayo sa harap ng hotel, hawak ang dibdib ko na parang hindi ko na alam kung paano mapapakalma. Kinabukasan, pagdinig ko pa lang ng katok ay alam ko na siya na iyon. Mabuti at naka-ready na ako. Pagkatapos naming kumain ng churros at maglakad-lakad sa Plaza Mayor, napansin kong may maliit na souvenir shop sa gilid ng kalsada. Puno ng magnets, keychains, at mga miniature na flamenco dolls ang display. "Do you want to check?" tanong ni Riel habang nakatingin din sa mga nakasabit na gamit. Tumango ako kahit medyo hesitant. "Sure, baka may mura." Pagpasok ko, para akong bata sa loob ng tindahan. Ang daming kulay, ang daming bagay na gusto kong hawakan. Pero syempre, kailangan kong magpigil. Budget traveler lang ang peg ko dito. "Zhège xiǎo bǎishì hěn piàoliang." This little trinket is pretty. Napasimangot ako sa sarili ko kasi halos napabulong ako ng Mandarin, buti na lang at wala sigurong nakaintindi. Kinuha ko yung isang keychain na may design ng toro. Cute siya, parang simbolo ng Spain talaga. "Uy, this one's nice." "Yeah, that suits you," sagot ni Riel. "Fiery, pero maliit." Napakurap ako at tumaas ang kilay. "Excuse me? Anong ibig mong sabihin?" He smirked. "Short but with attitude. Parang ikaw." "Wow, ang kapal!" Halos ibato ko na yung keychain sa kanya pero natawa na lang ako. Kahit nakakainis, hindi ko maitatanggi na somehow... nakaka-lighten ng mood yung banat niya. Paglabas namin ng tindahan, naglakad pa kami papunta sa isang cathedral. Malayo pa lang, kita ko na yung architecture — parang obra maestra. Ang lalaki ng mga arko, parang bumabalik ako sa ibang panahon. "Zhēn shì zài dòng rén." It's truly breathtaking. Hindi ko mapigilang huminga nang malalim. For a second, parang nakalimutan ko lahat ng bigat sa buhay ko. "Do you want to go inside?" tanong ni Riel, nakatingin din sa malaking pintuan ng cathedral. "Yes, please." Sa loob, malamig at tahimik. Ang mga ilaw ng stained glass windows ay nagpi-play ng rainbow colors sa sahig. Napatigil ako sa gitna, parang gusto kong i-absorb lahat. "First time?" he asked softly. I nodded. "First time... and it feels surreal." Pagkatapos naming mag-ikot, lumabas kami at madilim na ang kalangitan. Pero sa plaza, may street musicians na tumutugtog ng classical guitar. May nagtitinda rin ng maliit na fireworks at sparklers. Riel glanced at me. "Do you want to stay a little longer?" Tumango ako. Sa totoo lang, hindi ko gustong matapos ‘yung araw. Habang nakaupo kami sa isang bench, hawak ko yung souvenir kong toro keychain. Siya naman, tahimik lang pero ramdam ko na inoobserbahan niya ako. "Zhège rén shì yīgè mìngyùn ma?" Is this person a destiny? Agad kong iniwas ang tingin, nahuli ko ang sarili kong napapaisip ng ganito. "No, stop it, Abi," bulong ko sa isip. Pero narinig ko ang boses ni Riel, mahina lang pero sapat para marinig ko: "You know, today was fun. Thanks for coming with me." Napangiti ako. "Eh, ikaw kaya ang nag-tour sa 'kin, dapat ako mag-thank you." He looked at me for a moment, then chuckled. "You're different, Abi." At doon, ramdam ko ulit yung kilig na pilit kong tinatanggi. Pagkatapos naming umupo sa bench at makinig sa tugtog ng classical guitar, tumayo si Riel. Nauna siyang nag-abot ng kamay para tulungan akong tumayo. "Come on, I'll walk you back to hotel," he offered casually, parang natural lang sa kanya. Nagtaas ako ng kilay. "Libre ba 'yan? Or may hidden charge?" Tumawa siya, yung mababa at malalim na tawa na parang dumadampi sa gabi. "Complimentary service. No charge." Napangiwi ako pero nakangiti rin. "Okay, fine. Pero wag kang mag-expect ng tip ha. Libre mo na 'to." He tilted his head, teasing. "Your smile is enough tip." Napatigil ako saglit. Ano raw? Tumingin ako sa kanya, half-skeptical, half-flustered. Pero naglakad na siya pauna, kaya wala akong choice kundi sumunod. Naglakad kami sa makipot na cobblestone streets ng lumang bayan. Ang daming fairy lights na nakasabit sa balkonahe ng mga apartment, at sa bawat hakbang, ramdam ko yung kakaibang atmosphere. Parang lahat ng romantic movie clichés pinagsama-sama—pero weirdly, hindi ako nainis. Sinabi ko naman na gusto ko maglakad papunta sa hotel kaya okay lang naman na magsiksikan, ginusto ko ito. Humihip ang malamig na hangin, kaya mas hinigpitan ko yung hawak ko sa jacket ko. Hindi ko mapigilang hindi pansinin ang katahimikan. Wala masyadong tao sa daan; tanging tunog ng mga hakbang namin at paminsan-minsang tawanan ng mga nasa malalayong café ang naririnig. Biglang, nadulas ako ng konti sa uneven na bato. "Oh my—!" Napahawak ako sa braso niya bago pa ako bumagsak. Automatic niyang hinawakan ang kamay ko. "Careful," he murmured, low and steady. Tā de shǒu hěn wēnnuǎn. His hand is so warm. Napakagat ako ng labi. Agad kong inalis yung kamay ko, baka isipin niya kung ano. "Sorry," sabi ko, halos pabulong, pilit na hindi nagpapanic. "It's fine." Simpleng sagot niya, pero may ngiti sa labi. Yung tipong ngiti na parang alam niya na hindi ko talaga gustong bitiwan yung kamay niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. This time mas mabagal, mas maingat. Paminsan-minsan, nagbabanggaan yung siko namin, at sa bawat bangga, parang may kuryenteng dumadaan. "So," siya ang bumasag ng katahimikan, "tell me honestly. Did you enjoy today?" "Yeah," sagot ko agad, tapos ngumiti kahit medyo naiilang. "Actually, sobra. I didn't expect it would be this fun." "That's good." Tumingin siya sa akin nang diretso, at parang sinisilip lahat ng layers ko. "I like seeing you smile, Abi." Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung paano sasagutin yun. Kaya tumingin na lang ako sa kabilang direksyon, kunwari busy sa pagtingin ng mga pader na may graffiti. Wǒ de xīn zài tiàodòng. My heart is beating so fast. Pagdating namin malapit sa hotel, mas lumalim yung katahimikan. Ang weird, kasi hindi siya awkward. Parang safe silence lang. Naririnig ko lang yung tunog ng heels ko sa bato at yung mahinang tawa niya nang minsan akong nadapa ulit. "Clumsy," bulong niya. "Excuse me, hindi ako clumsy. The street is." Sagot ko na may kasamang irap. He chuckled. "Right. The street is against you." "Exactly!" natawa rin ako, at sa hindi ko inaasahan, halos sabay kaming tumawa nang malakas sa gitna ng kalsada. For some reason, that laughter felt... real. Hindi pilit, hindi scripted. Ngayon na nasa tapat na kami ng hotel, pareho kaming natigil. Walang nagsasalita agad. Yung tipong parehong hesitant kung paano magpaalam. "Well," sabi ko, clearing my throat. "Thanks for the tour... tour guide." He smirked. "Anytime, tourist." Nakataas pa yung isang kilay niya, parang may ibig pang sabihin. For a second, akala ko tapos na. Pero bago siya lumayo, may dagdag pa siya: "Get some rest. Tomorrow, maybe I'll show you another hidden spot." Tumango lang ako, pero ang totoo gusto ko sanang itanong kung bakit niya ginagawa 'to. Bakit parang sobra niyang invested sa oras ko? Pero naunahan ako ng kaba, kaya ngumiti na lang ako at kumaway. Sabagay, trabaho naman niya iyan. Kailangan niya talaga na alagaan ako. Nakakainis! Bakit parang ang bilis ko naman ata mahulog? Agad siyang naglakad palayo, confident stride, parang may sariling soundtrack sa bawat hakbang niya. Naiwan akong nakatayo sa harap ng hotel, hawak-hawak yung keychain ko sa bulsa. Zhè shì shénme gǎnjué? What is this feeling? bulong ko sa isip ko. Sa kwarto, habang nakahiga ako, hindi ko mapigilang ulitin sa isip ko lahat ng nangyari. Yung mga ngiti niya. Yung hawak niya sa kamay ko. Yung sinabi niyang gusto niya makita akong nakangiti. Ang mas nakakalito? Hindi ko siya kilala ng matagal. Kahapon lang kami unang nagkita, at ngayon parang nahuhulog na ako sa isang bagay na hindi ko dapat tinitingnan nang seryoso. Pero habang pinipikit ko iyong mga mata ko, ang huling larawan na nakita ng isip ko ay ang mukha niya—at yung half-smile na parang siya lang ang may hawak ng sikreto na hindi ko pa kayang maintindihan. Napatikom ako sa kwarto, parang biglang naging masyadong tahimik. Kanina lang, punong-puno ng music at ingay ng pinapanood ko, tapos ngayon... parang ang lakas ng bawat hinga ko, bawat tunog ng sapatos kong tinatanggal. Hinubad ko ‘yung jacket ko at ibinato sa gilid kama. Tapos naupo ako sa gilid, nakatingin lang sa sahig. Hindi ko mapigilan. Lahat ng eksenang nangyari kanina, isa-isang bumabalik. Yung bench scene. Yung pagtawag niya sa'kin na "smile is enough tip." Yung mahigpit at mainit niyang hawak nung muntik akong madapa. Yung ngiti niya bago umalis sa harap ng hotel. Zhè jiù shì diàoluò de kāishǐ ma? Is this how falling begins? Hawak ko pa sa dibdib ko. Napahiga ako nang bigla, humarap sa kisame. Ang daming tanong sa utak ko na hindi ko kayang sagutin. Sandali lamang nang kinuha ko ang phone ko, nag-scroll lang sa gallery. May mga stolen shots ako ng mga lugar kanina, pero napansin kong may isa pala akong nahuling shot habang tumatawa siya. Hindi ko sinasadya, dapat street lamp ang kukunan ko, pero sa gilid, kita yung profile niya. Pinagmasdan ko yun nang matagal. Bakit parang kahit anong angle, may dating siya? Hindi siya yung typical na gwapo lang. May aura. May lakas. At may kakaibang presensya na kahit simpleng ngiti, parang kayang guluhin ang buong sistema ko. "Ugh, shénme dōngxī! What the heck!" ibinaba ko yung phone ko at tinakpan ng unan yung mukha ko. Sinubukan kong matulog, pero ang hirap. Pabalik-balik lang ako. Nakatalikod sa bintana. Humarap sa bintana. Nakayakap sa unan. Nakapatong sa unan. Walang kwenta. Ang ending ay nakatitig pa rin ako sa kisame, iniisip kung anong meron sa kanya na hindi ko maipaliwanag. "Huì bù huì zhǐshì yī shí de gǎnjué?” Could this just be temporary, bulong ko sa isip ko. Pero ang mas nakakatakot? Yung thought na baka hindi lang ito temporary. Hindi pwede! May asawa ka na pag-uwi mo, Alisha Chan! Napatingin ako sa maliit na keychain na souvenir na binili ko kanina. Pinaglaruan ko ito sa daliri ko. Naalala ko bigla yung sinabi niya: "Tomorrow, maybe I'll show you another hidden spot." I shouldn't be this excited, right? Hindi ko siya kilala nang matagal. Tourist lang ako dito. Any day now, aalis din ako. Pero bakit parang may anticipation na kumakain sa dibdib ko? "Wǒ zài xiǎng tā.” I'm thinking about him. Lumipas ang ilang minuto, pero hindi ko pa rin kayang pumikit nang matagal. Kaya kinuha ko yung maliit na notebook ko na lagi kong dala. Sinubukan kong magsulat. Tonight was strange. Or maybe magical. I can't decide. He was supposed to be just a stranger guiding me through the town. But the way he laughed, the way he looked at me, the way he caught my hand... it felt like more than that. I don't know if I'm overthinking, or if I'm already starting to lose myself in this city—and in him… Nabitawan ko yung ballpen. Umupo ako ulit sa kama, yumakap sa tuhod. "Zhè tài kuáng le.” This is too crazy. Pero kahit ilang beses kong sabihin yun, hindi ko matakpan yung katotohanan: I want to see him again tomorrow. The clock blinked past midnight. At last, napagod din ako sa kakaisip. Pero bago tuluyang makatulog, yung huling thought na pumasok sa utak ko ay hindi tungkol sa mga lugar na nakita ko, hindi tungkol sa pagkain na tinikman ko, hindi tungkol sa city lights—kundi tungkol lang sa kanya. Riel. At yung tanong na hindi ko kayang sagutin. "Shuí jiùshì shéi?” Who exactly is he? At doon na lamang ako nakatulog… Pagkatapos naming magpahinga sa maliit na café na may churros at tsokolate, akala ko ay tapos na ang araw. Pero syempre, mali ako. Hindi pa pala nakokontento ang tourist guide-s***h-pang-asar kong si Riel. Pagkalabas namin ng café, tumingin siya sa relo niya at ngumisi. "Still early. Sayang naman kung uuwi na lang tayo agad, right? Come on, Abi, let me show you the real Madrid at night." Nagtaas ako ng kilay. "Real Madrid? Football team ba 'to?" Napailing siya, halatang pinipigilan ang tawa. "Not the team. The city. But if you want, I can also talk about the football club's history. Did you know Santiago Bernabéu—" "Stop, stop!" natawa ako, kahit pilit. "Huwag na. Ayoko ng trivia mo." Pero in fairness, ang gaan ng pakiramdam ko habang naglalakad kami. Ang simoy ng hangin, mas malamig na kumpara kanina, at bawat kanto ng Madrid ay may ilaw na parang eksena sa pelikula. Ang dami ring tao—may mga turista, may mga lokal na naglalakad lang o nagkukwentuhan sa tabi. Narinig ko ang sarili kong bumuntong-hininga. "Zhēn de hěn piàoliang." (Ang ganda talaga.) "Hmm?" tanong agad ni Riel, lumilingon sa akin. "What was that?" Iwinasiwas ko lang ang kamay ko, naglalakad nang mas mabilis. "Wala. Private thought." Hindi ko alam kung napansin niya, pero ramdam ko na kahit hindi ko i-explain, curious siya. At ayoko siyang bigyan ng pagkakataon para asarin na naman ako. Pagdating namin sa Plaza Mayor, muntik akong mapahinto. Malawak ang espasyo, may mga arko at lumang building na kulay terracotta, at ang gitna nito ay puno ng tao. May banda na tumutugtog ng live music—Spanish guitar na sobrang lambing ng tono. May mga sumasayaw, may mga batang tumatawa, at may mga street artist na nagpipinta sa gilid. "Wow..." hindi ko napigilang masabi. "Zhèlǐ de yèwǎn tài rènao le." (Ang buhay-buhay ng gabi dito.) "See? I told you," sabi ni Riel, proud na proud na parang siya ang may-ari ng plaza. "Madrid at night is something else." Umupo kami sa isang bakanteng bench. Saktong may street performer na nag-violin malapit, at ang tunog nito ay sumasabay sa ambiance ng ilaw at tawanan sa paligid. "Wait here," biglang sabi ni Riel. Bago pa ako makatanggi, tumayo na siya at nawala sa maliit na crowd. Ako, naiwan na parang ewan, nagbabantay ng bag namin. Ilang minuto lang naman ang lumipas, pero nung bumalik siya, may hawak na maliit na paper bag. "Here," sabi niya, inabot sa akin. "Ano 'to?" nagdududa kong tanong. "Souvenir. Para hindi mo makalimutan na I was your tourist guide today and I think I like you, Abi.” Binuksan ko 'yung bag. Isang maliit na keychain na may hugis ng guitar at nakalagay "Madrid" sa gilid. Simple lang, pero hindi ko alam bakit biglang parang lumambot ang loob ko. "Keychain? Seriously?" Tama rin ba ang pagkakarinig ko? Gusto niya ko? "Yeah. Practical. Every time you open your bag or your door, you'll remember me. Genius, right?" Napatawa ako kahit gusto ko siyang irapan. "Grabe ka talaga, may pagka-sellout din pala." "Hey, you smiled. That's already a win for me. Gusto kita, Abi,” sambit niya pa muli. "Zhège rén zhēn de hěn fán, dàn shì yě hěn kě'ài." (Nakakainis siya, pero nakakaaliw din.) “I love you, Riel…” sagot ko pa muli. Nagtagpo ang tingin namin. Sandali lang iyon, pero parang tumahimik ang buong plaza sa loob ng isang segundo. Ako na mismo ang unang umiwas, kunwari busy sa pagbukas ng bag ko para ilagay ang keychain. “I love you, too…” saka niya ako hinalikan sa pisngi at saka naman nagtanong. “Hungry again?" tanong niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa mga food stalls sa gilid. "Kinda. Pero baka mataba na ako nito." "Don't worry. Walking burns calories." Tawa ako nang tawa. "Grabe ka, parang fitness coach." "Kailangan. Hindi pwedeng pabayaan ang sarili. Saka, admit it, masarap kumain dito sa Spain." Naglakad kami papunta sa isa sa mga food stalls. Bumili siya ng bocadillo—sandwich na puno ng jamón at cheese. Ako naman, nagpumilit bumili ng roasted chestnuts dahil curious ako. Naglakad kami habang kumakain, nagsheshare ng pagkain na parang matagal na kaming magkaibigan. "Abi, you know..." nagsimula siya bigla, seryosong tono. "It's kinda refreshing, touring with you. You don't act like the usual tourist, gusto na nga kita pakasalan, e.” Nagulat ako. "What do you mean?" "Well, most people just take photos nonstop. You... you actually look. You take it in. Parang you're really living the moment at nahulog ang puso ko sa iyo.” Bigla akong nahiya. Tinago ko ang mukha ko sa paper cone ng chestnuts. "Tā zěnme zhème rènzhēn de shuō ne..." (Bakit siya biglang nagsalita nang ganito, parang seryoso talaga?) Habang naglalakad kami pabalik sa bench, may nagsimulang fireworks show sa malapit. Hindi kalakihan, pero sapat para makapigil ng tao at makapagbigay ng collective "ooooh." Halos automatic na tumigil kami pareho para manood. Ang kulay ng ilaw sa langit ay sumasalamin sa mata niya, at para bang may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. "Zhège shùnjiān tài měihǎo le..." (Ang ganda ng moment na 'to.) Hindi ko na binigkas ang translation. Sa loob-loob ko lang, gusto kong i-freeze ang sandaling ito. "Abi," tawag ni Riel, mababa ang boses. "Thanks for today." Napatingin ako sa kanya, napakagat-labi. "Thanks din," mahina kong sagot and he kissed me… “Please, marry me.” Agad akong kinabahan. I can’t marry him… kasal na ako. Ano ang gagawin ko? “I’m sorry… I’m married…” “What? All this time? Niloloko mo ang asawa mo? Ganiyan ka pala? Manloloko ka?” Agad naman akong nagising. The hell! Anong klaseng panaginip ‘yon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD