KABANATA 13 Habang nakatayo ako sa tabi niya sa buhangin, ang mga alon sa dagat ay tumatama sa paa ko, pero hindi ko ito ramdam. Ang tanging alam ko lang ay ang init ng katawan niya, ang lalim ng tingin niya, at ang pangako na kahit sandali lang, akin siya—for now. Ang lahat ng kaba, lahat ng takot, lahat ng hiya, lahat ng guilt, lahat ng longing ko ay nagsanib sa isang matinding kilig at excitement na hindi ko alam kung paano haharapin. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naramdaman ko na kahit sandali lang, safe ako sa tabi niya. Safe na magpakita ng tunay na sarili, safe na magpahinga, safe na magmahal kahit sandali lang. Paglapag ko sa harap ng hotel, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga kamay ko. Nakayuko lang ako, pilit pinipigilan ang sarili ko na tumingin sa kany

