KABANATA 23 Umupo kami sa sala, si Abi sa tabi ko, at habang iniayos niya ang sarili niya, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko—ang bigat ng lahat ng nangyari sa Spain, ang halik, ang tawa, ang mga gabing hindi ko makakalimutan. “Ali, tell me everything,” sabi niya habang nakatingin sa akin na parang alam niyang may pinapasan akong mabigat na emosyon. Agad akong huminga nang malalim, pinilit kontrolin ang kaba at ang excitement sa puso ko. “Abi… it’s… everything,” bulong ko, sabay pagtitig sa sahig. “Spain was… different. Riel… he’s different. I don’t know how to explain, pero iba siya.” Napangiti si Abi nang bahagya, pero may halong curiosity at medyo inggit. “Iba, paano? Ano nangyari? Don’t leave anything out, Ali. Hindi ako pupunta sa details, pero gusto kong malaman kung bakit iba siya

