Hans "Ano sa tingin mo, Hans? Gusto mo bang sumali sa campus knights?" tanong sa akin ng kaharap ko na sa Dom habang kakatapos lang naming kumain dito sa cafeteria ng Memalo University. "Hindi ko pa alam, Dom. Hindi pa ako sigurado e." sagot ko sa kanya. "Hindi ba't gusto mong mapalapit muli kay Fourth?" Nakatinging tanong sa akin ni Dominic. Tumango ako sa kanya bilang sagot. "Kung gusto mo ulit bumalik yung friendship niyo ni Fourth, here's the chance, Hans! Ito na 'yung chance na mapalit muli kay Fourth! Hindi mo na kailangang mag-try out sa volleyball! Kung gusto mo ng mabilisan, subukan mong sumali sa campus knights!" Saad nito sa akin dahilan upang mapaisip ako. May punto naman 'tong si Dom sa totoo lang dahil once na sumali ako at magregister sa campus knights, mapapalapit ako

