Hans [ PHONE CALLING ] [ PHONE CALLING ] [ PHONE CALLING ] "Ang aga-aga namang tumawag nito?!" inis kong sabi habang nagkakamot ng aking ulo. Badtrip kasi 'tong kaibigan ko e! Ang aga-aga tumawag! "Oh bakit anong problema mo, Dominic?!" Naiirita kong sabi sa kanya. Sino pa nga ba ang kaibigan kong pa-epal? Edi ang bida-bidang si Dominic na palaging pinapainit ang ulo ko! Hays. "Anong problema ka d'yan? Hoy Hansel, hindi ba't nag-usap tayo kahapon na aalis tayo ngayong sabado?!" Sagot ni Dominic na nasa kabilang linya. Naghikab muna ako ng mga limang segundo bago magsalita sa telepono. "Oo alam ko 'yon, Dom! pero kasi ang aga-aga pa po kaya! anong oras pa nga lang oh! Badtrip ka sa panaginip ko e! hahalikan na'ko ng prince charming ko tapos biglang umeksena ka! gwapo ka ba ha?! Tss!

