Hans "Huy!" napabalikwas ako ng may taong nanggulat sa akin. Napalingon ako kung sino man 'tong siraulo na 'to at tama nga ako. sino pa nga ba ang naninira palagi ng umaga ko? "Ang aga-aga nambibwisit ka, Dominic! Aish!" Naiinis ko ritong sabi. Tinignan ko ito at umupo siya sa tabi ko. Nandito kasi ako ngayon sa isa sa mga bench ng school dahil maagang nagpalabas ang professor namin kung saan ito ang una at huling subject namin ngayong araw dahil tuwing lunes ay iisang subject lang ang pinapasukan namin. "Kumain ka na ba, Buddy? bakit yata parang matamlay ka ngayon? tapos kanina tulala ka pa? may problema ka ba?" sunud-sunod na tanong nitong katabi ko. Mabilis akong umiling sa kanya "Kumain na ako Buddy kanina bago pumasok." Tanging sagot ko sa kanyang tanong. "May problema ka ba, Han

