Hans "Tama ba ako ng nadinig, Fourth .. engage ka na? kay ... kay Charlene?" Nauutal kong sabi rito habang nakatingin sa kanyang mga mata na siya namang umiiwas ng tingin. Pinipigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha dahil nararamdaman ko na any time ay babagsak na lamang ito. Tumango ito ng dalawang beses na siyang sagot niya sa aking tanong. Ako naman ay mariing umiling at hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. "Fourth .. hindi ito totoo 'di ba?! ginu-good time mo lang ako tama ba?! Fourth naman .. seryoso ako sa mga sinabi ko kaya please naman, maging seryoso ka rin!" Ang sabi ko rito at kinuha ang dalawang kamay nito tsaka hinawakan ng mahigpit. "Fourth .. hindi ito totoo! tama ako di ba?! hindi kayo ni Charlene?! Walang mangyayaring engagement sa inyo! Di ba, Fourth?! Di ba?!"

