2

5000 Words
Saturday OTW nako sa school at dala dala yung 4 na dress na nagagawa ko, biglaang chat kasi sa gc at sinabi samin na dalhin yung mga nagawa naming dress at titignan daw ng head para masukat na ng mga candidates na lalaban "Para po" at bumaba na sa jeep habang bitbit yung dress na hawak ko dumiretso ako sa open field don daw kasi gaganapin yun at saktong pagpasok ko madami nading tao, dumiretso ako sa room na para saming mga 4th year at nilagay don yung dala ko "Cali!!, andyan kana pala asan gawa mo lagay mona daw don sa gilid" sabi sakin ng pres namin kaya tumango ako at binigay don sa coordinator yung 4 na dress na dala ko "Pakiingatan po " sabi ko, ayaw kong masira yung gawa ko ilang araw ko pinagpuyatan yang mga yan "Okay guys tutal nabigay naman sa mga coordinator yung gown /dress na nagawa natin pwede na tayo lumabas then pag yung sainyo yung napili or may tanong lalapit daw sa harap then explain or sagutin ang tatanungin ng mga head, okay?" tumango kami at lumabas na sa bandang gitna kami umupo ni kalen si lyel nasa dulo ng seat don sya banda sa department nya kaya malayo kami sa kanya, nag simulang mag point ang mga head inuna nila yung mga representative ng first year "Maganda yung white na yun kaso pang kasal lang ang weird kung susuotin" rinig kung usapan ng nasa likod namin kaya nag katinginan kami ni kalen at natawa 2 dress lang yung napili sa dami ng first year mataas ang standard nila "Gago te 2 lang na dress nakuha sa lahat ng first year kinakabahan ako para satin" bulong sakin ni kalen "Ako din nakakaba naman to" sabi ko sakanya at pinanood na ulit nasa 2nd year na next 3rd and kami, nakakatakot talaga at tsaka hindi namin nakikita yung mga head kasi nakatalikod sila samin "Okay next 4th year" mc Nilabas na yung mga dress na ginawa namin at inisa isang lagay sa mannequin random yung pagkuha ng mga dress unang napili yung kay kalen kaya tinignan ko sya at halata sa mukha nya na kinakabahan sya kaya palihim akong kumuha ng picture "makakahinga na ng maluwag" sabi ni kalen, pano ba naman kasi isa palang nagagawa nyang dress pero kahit papano nagustuhan ng mga head yung dress na gawa nya kaya goods nadin yun hindi padin nakukuha yung sakin kaya kinakabahan ako hanggang sa last batch nadaw ng mga 4th year at sakin yung huling nilabas na dress, tinignan ko yung dress ko mukha naman syang kaaya aya, nakita namin nag taas ng kamay yung isa sa mga head kaya nilapitan sya ng mc "Okay everyone, I would like to ask kung sino yung gumawa ng dress natin , please stand up" sabi nung mc nakita kong naghanap hanap sila kung sino yung gumawa kaya tinignan ko si kalen at sinesenyasan akong tumayo kaya dahan dahan akong tumayo kaya sakin bumaling yung atensyon "Here she is" sabi nung mc pinababa ako para pumunta sa harap kaya kinakabahan akong maglakad kasi halos lahat ng students sakin nakatingin sakin, parang ang bagal ko maglakad kaya medyo tumakbo ako at humarap sa mga head at gulat ko na nasa harap si logan "Okay, miss kindly introduce yourself" at binigay sakin yung mic "Uhm, Hi I'm Calista Abeni 4th year" sabi ko at binigay ulit yung mic sakanya "Okay, One of the head would like to ask you questions is it okay?" tanong sa kanya "Yes po , okay lang" sabi ko naman "Sir Mike?" sabi nung mc imbes na kay sir mike ako tumingin napatitig ako kay logan na ngayon nakatingin sakin, nalulusaw ako sa tingin mo wag kang ganyan kaya inalis ko yung tingin sa kanya "I like to ask about your dress looks so payat you know yung parang hindi sya masusuot ng mga may katabaan ang katawan, what will you do if na choose namin tong dress nato and medyo chubby yung magususot" binigay sakin yung mic "I make sure po na any kind of body type makakasuot ng dress na ginawa ko po, it's adjustable po sa likod at sa gilid, I don't like using zipper po kaya I choice stretchable rubber po para msusuot sya ng ibang body type" pag sagot ko kay sir mike, nakita ko namang namangha sila at yung ibang students "Okay who want's to volunteer na suotin to yung medyo chubby na girl everyone" sabi ni sir mike, yung iba naman nagsi taasan ng kamay "You, come here" sabi ni sir mike at pinapunta sa harap, medyo chubby sya confident naman ako sa ginawa kong damit " i would like to see if it's true miss calista" sabi ni sir mike "Okay sir" sabi ko at inaya kami sa vacant room at sinuotan ko sya ng dress na ginawa ko, mabilis namang napasok "Masikip ba?" tanong ko sa kanya "Hindi po maluwag pa po" sabi nya sakin, kaya medyo hinigpitan ko yung sa adjusan at tinanong ulit sya "Yan nakakahinga kapadin ba sinikapan ko unti" sabi ko sakanya "Nakakahinga pa naman po" sabi nya kaya inayos ko na yung gawa ko at inayos saglit at inaya na syang lumabas paglabas namin nakaabang lang sila kaya pumunta kami sa harap at nasi tayuan yung mga head kasama si logan and examine the dress I made na nakasuot sa 2nd year na babae na chubby girl, hinawakan nila yung tela at nag tanong sa 2nd year "Masikip ba? nakakahinga kaba ng maayos?" tanong ni sir mike "Maluwag pa po sakin, and nakakahinga po ako ng maayos, hindi din po mainit or makati yung tela , comfy po sya" pag detail nya pinabalik sa vacant room yung 2nd year para magbihis na naiwan naman akong nakatayo sa field na ngayon nakatingin sakin mga istudyante , nag usap usap pa yung mga head "Okay we made a decision na Si Miss Sofia ang magsusuot ng ginawa mong dress, the superstar model" sabi ni sir mike, na wow naman yung mga ibang estudyante ako na bigla then realization sya yung fiance ni logan "Okay po sir" sabi ko at bumalik na sa upuan ko nag congrats sakin yung iba kaya tipid lang akong ngumiti sa kanila at umupo sa tabi ni kalen na nakatingin sakin ngayong ng malawak "So proud of you sis, parang interview kanina sa harap at shala nasagot naman lahat ng tanong sayo iba ka talaga ghorl" sabi nya sakin, ngumiti nalang ako sa kanya at nanood nalang ulit hanggang sa matapos na yung pagtingin ng mga head sa ginawa naming dresses kaya halos lahat ng fashion design department naiwan kasi inaantay yung mga dress na pinakita inuna yung mga 4th year kaya kami sunod "Tara na" aya sakin ni kalen at kinuha nanamin yung mga dress sa room at nilagay sa lagayan para hindi masira at umalis na "Uuwi kana ba agad?" tanong sakin ni kalen "Oo, ikaw ba?" tanong ko din sa kanya "Oo, papapunta ako sa wedding organizer" sabi nya kaya ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko kaya pinalo ako sa braso "Sige na umalis kana ingat ka ay kayo pala" pangaasar ko sa kanya, tinarayan nya nalang ako at umalis na nag lakad na din ako palabas ng university para mag antay ng jeep ng may tumigil sa harap ko na kotse "ay potangina" bulong ko at napahawak sa dibdib ko at tinignan ang kotse na nasa harap ko "CALI!! SABAY KANA SAMIN HATID KANAMIN NI KUYA" biglang sigaw ni lyel na nakaupo sa back seat, tinignan ko si logan na naka straight lang yung tingin "Huwag na sige na umalis na kayo" sabi ko kay lyel "tara na mabigat yang mga dress mo para magawa mo na yung isang dress mo para wala ka ng problema" sabi ni lyel "Just get in" sabi naman ni logan, tinignan ko muna si lyel at tinaasan ako ng kilay at nakangiti ng nakakaloko kaya pumasok nalang ako at nag seatbelt at inutusan akong ilagay yung location ng apartment ko Tahimik lang kami buong byahe nag uusap kami saglit ni lyel tas mahihinto yung paguusap namin kasi sumasabat si logan "Dyan tas liko ka" sabi ko kay logan hanggang sa makarating ako sa bahay ko, tinignan ni logan yung buong apartment ko mukha namang kaaya aya yung bahay ko, napansin kong nakaabang sa labas ng bahay ko yung landlord kaya bumaba na ako "Oh calista andyan kana pala may pambayad kana ba sa renta mo na ngangailangan na kasi ako ih, birthday na nung bunso ko wala akong pangastos" kinuha ko naman yung wallet ko at nag labas ng 1500 bayad sa renta at tubig at binigay "Ito ate sakto lang kakakita ko lang" sabi ko "Salamat sa diyos , maiwan na kita calista mag ingat ka" sabi nung landlord namin, ngumiti nalang ako at kumaway sa kanya at lumapit ako sa kotse nila lyel at nakita kong nakadungaw si lyle at parang pinakinggan yung paguusap namin ni landlord "Yung nguso mo humahaba" sabi ko sa kanya, grabe kasi yung nguso nya kaya natatawa ako sa itsura "May pera kapa ba?mamaya wala kang pangkain mo naubos yung kinita mo ngayon" pagaalala ni lyel sakin "May pera pa ako nakapag deliever naman yung rider may kita padin ako kahit papano" sabi ko sa kanya "Sigurado ka?" tanong ulit ni lyel "Oo nga sige na umalis na kayo, logan thank you lyel" sabi ko at kumaway na sa kanila tinignan ko saglit si logan na nakatitig sakin kaya ngumiti ako sa kanya at kumaway ulit inaantay ko muna sila makaalis bago ako pumasok sa loob ng bahay ko at umupo NAGISING ako ng mag 8 o'clock na ng gabi kaya naligo muna ako saglit at lumabas sa kwarto ko para sana magluto ng dinner ko nang biglang may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko muna, nanlaki yung mata ko kung sino yung kumatok "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, pero hindi nya ako pinansin at pumasok sa loob ng apartment ko kaya tinignan ko muna yung labas ng bahay ko kung may naka kita ba sa kanya bago ko sinara "Anong ginagawa mo dito ,logan?" tanong ko sa kanya na ngayon inikot yung buong tingin sa apartment ko bago ako tinignan at pumunta sa kitchen ko kaya sinundan ko sya binuksan buksan nya yung mga cabinet, ref at kung ano ano "Tinatanong kita logan" salita ko ulit kaya tumingin sya sa gawi ko bago nag salita "I bought you some groceries" sabi nya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay "Hindi ko kailangan yan" sabi ko sa kanya at tinarayan sya, lumapit sya sakin ng konti at tinignan ako ng matagal sa mata ko syempre di rin ako papatalo kaya tinignan ko din sya "You need it, damn I don't leave you for this kind lifestyle" sabi nya sakin kaya napanganga naman ako sa sinabi at tinulak sya "Umuwi kana logan hindi magandang tignan na pupunta ka sa bahay ng ex mo, lalo na ikakasal kana" sabi ko sa kanya at binuksan yung pinto at tinulak sya pero masyado syang malakas kaya hinawakan nya yung braso ko at tinignan ako "Is this the reason why you broke up with me? to live in this kind of lifestyle? in this place?" sabi nya sakin pero tinignan ko lang sya at tinanggal yung hawak nya sa braso ko "Umalis kana wala kang makukuhang sagot sakin" sabi ko sa kanya tumingin lang sya ng mga ilang minuto at nakita kong umigting yung panga nya it means galit sya at lumabas sa bahay ko pero bago ko isara nag salita ulit sya "I'll be back tomorrow, lock your door" hindi ko nalang pinansin at sinarado na yung pinto ko at umupo sa couch at napapikit sa nangyare at napahawak sa ulo ko Tumayo nako para magluto na sana ng nakita ko yung mga plastic sa gilid ng pinto ko mga grocery mga 5 plastic din, napailing nalang ako at kinuha at kumuha lang ng pagkain na pwedeng lutuin saglit katulad ng nuggets. Nag saing muna ako tas nag luto at inantay maluto yung kanin ko mga ilang minuto naluto nadin yung kanina ko at habang kumakain ako tinignan ko yung mga grocery na pinamili ni logan at nag text kay lyel To: lye Hoy lyel yung kapatid mo may binigay na grocery ano akala nya sakin naghihirap -_- pagkatapos ko isend kay lyel hinugasan ko muna yung pinagkainan ko at pumunta na sa sala para manood ng movie linggo naman bukas at walang pasok binuksan ko yung phone ko at nakita kong nag reply na si lyel From: Lye Crzay sinamahan ako ni kuya mag grocery bibigay ko talaga sayo yan kaso nagka emergency meeting ako pinatawag ako nila mommy kaya si kuya nalang pinadala ko heheh napahawak ako sa ulo ko at napailing dahil sa kagagahan ni lyel To: lye Dat iniform mo muna ako siraulo ka talaga sent From: lye Sorry na hehehe love u hindi nako nag reply kay lyel at pinatay ko nalang yung phone ko at nanonood na ng fast and furious habang kumakain ng honey butter, hanggang sa matapos ko yung isang pelikula at nag linis ng kalat ko sa sala tinapon yung mga junk foods naglagay ng tubig at pumunta nasa kwarto ko at humiga , nag scroll lang ako sa social media ko and time check it's already 12 am papatayin ko nasana yung cellphone ko ng may nag message sakin sa ig @logaan: Have you eaten? tinignan ko lang yung message nya sakin at nag dadalawang isip kung mag rereply ba ako o hindi, inalis ko nalang at pinatay na yung cellphone ko at natulog na at may aasikasuhin pa ako bukas Woke up at 7 am para mag jogging at ako nalang mag hahatid ng order ni kalen sa kanila tutal alam ko naman kung saan yung bahay nila, nag suot nalang ako ng leggings tas sports bra at nag suot ng jogging shoes at pinatong nalang sa sports bra ko na suot at lumabas na nag jog ako hanggang park at nag pahinga saglit wala masyadong tao kasi medyo maaga pa kaya umikot nalang muna ako sa park at mga ilang minuto naisipan ng umuwi. Malapit nako sa bahay ko ng may nakita akong sasakyan na nakapark sa harap ng bahay ko kaya tinignan ko ng maiigi kung kaninong sasakyan yun "Where did you go?" "Ay potangina mo" at napahawak sa dibdib ko at tinignan sya ng masama "Ano nanaman ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at binuksan yung pinto at pumasok isasarado ko na sana ng sumunod syang pumasok sakin at umupo sa sofa ko "I told you last night" sabi nya sakin at tinignan ako, napailing nalang ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig Pagtapos ko uminom ng tubig bumalik ako sa sala at nandoon padin sya nakaupo at tinignan ako nung bumalik ako sa sala. Tinignan ko sya at humawak sa bewang ko "Anong kailangan mo sakin?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot at tinignan lang ako ulo hanggang paa kaya napatingin din ako sa sarili ko at don lang nag sink in yung itsura ko mukha akong baliw kasi kakatapos ko lang mag jogging kaya pawis pako "Take a bath first" sabi nya sakin, tinarayan ko nalang sya at pumunta sa kwarto ko at nilock yung pinto at napasandal sa pintuan ko napa hawak ako sa puso ko na nagwawala "Puso kumalma ka wag kang ganyan" sabi ko sa sarili ko Pumunta nako sa cr at naligo para naman mukha akong fresh sa harap ni logan habang nag bibihis ako biglang tumawag sakin si kalen "Sis, pupunta ka dito sa bahay dibaa?" tanong nya sakin "Oo maya maya kakain lang ako bfast, bakit?"tanong ko naman sa kanya habang palabas ako sa kwarto ko "Halaa edi makikita mo si marcellus mamaya" sabi nya naman sakin natawa naman ako parang hiyang hiya sya na makikita ko fiancee nya "Oh ano naman" sagot ko sa kanya, nakita kong wala na sa sala si logan kaya naisip ko na umalis na sya pero naka amoy ako ng masarap na amoy kaya napapunta ako sa kusina "Ih hiya aqqq" sabi nya "Ay ewan ko sayo mag text nalang ako pag malapit nako sainyo" sabi ko sa kanya bago pinatay yung tawag Napatingin ako ngayon sa lalaking nagluluto sa kusina ko ng pagkain kaya nilapitan ko sya unti at nagsalita kaya napalingo sya sakin "Bat dika pa umaalis?" tanong ko sa kanya, I know it's sound rude but sobrang mali na pupunta sya dito ngayon na may fiance na sya "I cook bfast" sabi nya sakin at tinuloy yung pag luluto nya kaya umupo nalang ako at inantay syang matapos magluto Nakita kong pinatay nya na yung stove so tapos na syang magluto kaya tinignan ko yung mga niluto nya, k fine its look so yummy . Kaya kumuha nako ng plato at kutsara at nagsimula ng kaming kumain tahimik lang ako pati sya na kumakain ni isa samin walang nag salita sobrang awkward ng atmosphere sa kusina kaya minadali ko na yung pagkain ko haggang sa mabulunan ako. "Here" sabay abot nya sakin ng tubig, kinuha ko naman yun at agad na ininum hanggang sa makahinga na ako ng maayos "What the hell ,are you doing?" tanong nya sakin tinignan ko sya at ang sama na ng tingin sakin "Wala, dika pa ba aalis?" tanong ko sa kanya habang nag liligpit ng mga pinggan "I'm staying" sabi nya sakin, kaya napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay, anong trip nito sa buhay nya? "Bahala ka aalis ako" sabi ko sakanya at pinag patuloy yung paghuhugas ko "Where are you going?" tanong nya ulit sakin "Nila kalen" sagot ko nalang sa kanya at pumunta don sa isang room para kuhain yung inorder ni kalen at pumunta sa kwarto ko para kuhain yung wallet ko at lumabas na Nakaupo si logan sa sofa ko habang tinitignan yung mga galaw ko, ni lock ko muna yung mga bintana ko at humarap sa kanya "Aalis nako paki lock nalang yung gate at pinto pag umalis kana" sabi ko sa kanya at nag lakad na palabas pero nakarinig ako ng yapak ng paa sa likod ko kaya nilingon ko sya "Let's go" sabi nya at nauna ng lumabas sakin kaya kumunot yung noo ko sa sinabi nya Sinundan ko sya pero ni lock ko muna yung pinto at gate ng bahay lalagpasan ko na sana sya nang hawakan nya yung braso ko kaya napahinto ako sa paglakad "Get in" sabi nya sakin at hinatak ako papunta sa passenger seat at pinagbuksan ako ng pinto "Ayoko nga" sabi ko sa kanya at pinipilit tanggalin yung kamay nya na nasa braso ko "Get in, don't make me mad cali" Kaya pumasok nalang ako sa sasakyan nya at nag seatbelt na kagad pumasok na din sya at nag drive na papunta sa bahay nila kalen, hindi kami nag usap buong byahe hanggang sa makarating sa bahay nila kalen. Nauna na akong bumaba at nag text kay kalen na nasa tapat nako ng bahay nila From: kalen Ayaw mo na pumasok?sige waiit lang inantay ko nalang sya lumabas si logan naka sandal lang sa kotse nya habang naka tingin sakin, grabe naman yang tingin nya sakin para akong matutunaw "Caliii" sabi agad ni kalen at pumunta sakin at yumakap kala mo naman ilang araw di nag kita apaka OA ng mga kaibigan ko "Ito na yung order mo swerte mo wala ng delivery fee yan" biro ko "Oh bayad ko, nakapag bayad kana ba sa renta mo?may pagkain kapa ba?" sunod sunod na tanong nya sakin "Nakapag bayad nako kahapon " sagot ko sa kanya Magsasalita na sana sya ng may kotse na nag park sa tapat ng bahay nila kaya napatingin kami ni kalen kung sino, may lumabas na lalake. Nilingon ko si kalen na kulay kamatis na ngayon "Babe" sabi ni marcellus kay kalen, kaya siniko ko si kalen kaya kinurot nya ko sa tagiliran kaya natawa ako sa itsura nya "Hey" sabi nya at lumapit kay marcellus, napalingon naman sakin si marcellus kaya ngumiti lang ako sa kanya "Bro?" patanong nyang sabi kay logan "yeah?" sabi naman ni logan "What are you doing here?long time no see" sabi ni marcellus "We just meet last week fucker, the hell are you saying" sabi naman ni logan kaya natawa ako, isa din pala tong si marcellus. Natawa naman si marcellus at kalen dahil sa sinabi logan kaya napatingin ako sa gawi ni logan na naka tingin sakin at tinaasan ako ng kilay kaya nag poker face nalang ulit ako "Do you want to come?let's hangout" sabi ni kalen sakin "Wag na, next time nalang" tanggi ko sa kanila "Dali na cali sumama na kayo" sabi ni marcellus sakin "Sigurado ba kayo, 3rd wheel ako salamat nalang" biro ko "sasama naman si logan, diba?" sabi ni kalen "All right" logan "So let's go?" aya nila kalen at marcellus Tumango nalang ako sa kanila at inaya nako ni logan na sumakay sa kotse nya kaya wala akong choice kundi sumakay don at nag text nalang sakin si kalen kung saan daw kami pupunta at sinabi ko naman kay logan kasi sya ang nag ddrive Kakarating lang namin sa isang restaurant ata to inantay ko munang patayin ni logan yung engine ng sasakyan nya bago ako lumabas at inantay sya lumabas "Let's go" sabi nya at nauna nang mag lakad kaya sumunod nako sa kanya at pumasok sa isang restaurant shit mukhang mamahalin naman dito wala akong dalang pera ngayon. Tinignan ko yung buong restaurant at umupo sa seat na binigay samin, katabi ko si kalen kasi mapapatay ko sya kung hindi ako katabi nya "What's yours?" tanong ni logan sakin, tinignan ko yung menu at wala akong mapili kaya binaba ko nalang yung menu "Ikaw na mamili" sabi ko sa kanya, tumango nalang sya at tumawag na sila ng waiter at nag order na, habang inaantay namin yung order nag usap usap silang tatlo ako tahimik lang sa gilid at nag cellphone nalang "How about you, cali? kailan ka g-graduate?" tanong sakin ni marcellus "3 months from now nalang" sabi ko "Wow that's cool, ilang years din bago ka tumuloy sa pag aaral mo" sabi ni marcellus "2 years din " sabi ko sa kanya, nakita kong tumaas yung kilay ni logan sa sinabi ko "What happen ba kaya ka tumigil?" tanong sakin ni marcellus, hindi ko alam kung ikwekwento ko ba or hindi "Namatay kasi yung parents ko kaya ganon" sabi ko sa kanya, tumango nalang sya at nag usap usap sila napayuko ako naramdaman kong nanginginig ako s**t ngayon pako tatamaan ng anxiety ko , kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si lyel "Excuse lang" paalam ko sa kanila, tumango lang sakin si kalen, kaya umalis ako at lumabas sa restaurant para lumanghap ng hangin "What happen?" tanong kagad ni lyel pag ka sagot nya sa tawag ko "inaanxiety ako" sabi ko sa kanya, narinig kong parang may bumagsak "are you okay?did you drink your meds? where are you?" tanong nya sakin "Nasa isang restaurant kami malapit lang sa bahay nila kalen, hindi ko dala meds ko" sabi ko sa kanya "Wait, I'm coming wait me there" pinatay ko nalang yung tawag at nag inhale exhale ayoko ng ganto iba padin yung trauma pag pinaguusapan yung parents ko, inaantay ko lang si lyel at pinapakalma yung sarili ko, mga ilang minuto na kita ko na si lyel na tumatakbo papalapit sakin "Are you okay?" tanong nya kagad pagkalapit sakin "I'm okay" sabi ko sa kanya "What are you doing here " may nagsalita sa likod namin, kaya sabay kaming napalingon ni lyel . Nakita naming naka tayo si logan sa likod namin "Oh kuya bat andito ka?" tanong nya at lumapit sa kuya nya para yumakap "Where eating here" sagot naman ni logan at tinignan ako kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at nauna nang pumasok sa restaurant ulit at umupo Pag ka upo ko agad naman akong tinanong ni kalen kung okay lang ba daw ako kaya tumango lang ako sa kanya, sumunod namang pumasok si lyel kasunod yung kuya nya at nagulat sya sa nakita nya "Okay, what's going on here? is this double date?" tanong ni lyel, agad naman akong umiling bilang sagot sa kanya pero ngumisi lang sya sakin at umupo sa tabi ko hanggang sa dumating na yung order namin "Let's eat" nagsikuhaan na kami ng pagkain ang balak ko lang kainin is yung pasta tas umorder din sila ng pizza kaya yun lang kinuha ko , medyo busog pako sa kinain ko kaninang umaga, tahimik lang ako habang nag uusap sila hanggang sa matapos akong kumain, kinalabit ko si lyel "Akin na" sabi ko lang sa kanya at nagets nya naman kagad pero hindi nya nilabas, kumuha lang sya ng isang tablet pills at binigay sakin. Patago ko namang ininum at pag katapos kong ininum yung gamot nakita kong nakatingin sakin si logan tinitignan yung mga galaw ko. Nag stay pa kami ng ilang minutes hanggang sa naisipan na naming umalis, nauna na sila kalen kasi may pupuntahan pa daw sila kaya naiwan kami nila lyel at logan "Wait here, I'll get my car" sabi ni logan at nag lakad na papunta sa car park "Okay kana?" tanong sakin ni lyel, ngumiti ako at tumango "bat hindi mo ba dala gamot mo?" tanong nya sakin "Mag hahatid lang kasi talaga ako ng order ni kalen tas nag aya si marcellus na kumain kaya sumama nalang ako sa kanila" kwento ko naman sa kanya "sa susunod dalhin mo yung pills mo, kinakabahan ako sayo" "Yes maam" biro ko, tinignan nya ako ng masama "Get in" sabi ni logan kaya pumasok na kaming dalawa ni lyel asa back seat na umupo si lyel at ako nasa passenger seat, hinatid lang nila ako sa bahay ko "Thank you, ingat kayo" sabi ko "Lock your door" bilin ni logan sakin "Call me pag may nangyare" sabi naman ni lyel , tumango nalang ako at kumaway nasa kanila inantay ko lang sila makaalis bago ako pumasok sa bahay ko at umupo sa sofa ko feeling ko pagod na pagod ako sa nangyare ngayon , nag patugtog nalang muna ako hanggang sa diko na namalayan na nakatulog nako. Nagising ako at tumingin sa cellphone ko kung anong oras na, it's already 6pm matagal tagal din yung tulog ko Naligo muna ako bago nag luto ng ulam ko, kumuha lang ako sa ref ng kakainin ko at nagluto na, habang nag luluto nag patugtog muna ako ng kanta. Naghain ako pag katapos ko mag luto at nag simula ng kumain. Mga ilang minuto natapos na ako kumain kaya nag hugas na ako ng pinagkainan ko at pumunta sa sala para manood Habang nanonood ako ng movie biglang umulan ng malakas ang biglaan naman kanina ang init init tas ngayon umuulan na. Tumayo ako at sinarado yung mga bintana ko sa kwarto at sa sala at bumalik na sa panonood, pero bago ko iplay tumingin muna ako saglit sa cellphone ko at kaka release lang ng news na may bagyo daw na papasok pero bat ang bilis naman umulan Pinagpatuloy ko na yung panonood ko at kumakain lang ng chichirya nang biglang nag black out, agad akong napahawak sa sofa ko ng mahigpit ayoko ng dilim, ayoko. Kinakapa ko yung cellphone ko pero hindi ko talaga mahanap hanggang sa naisipan kong tumayo at pumunta sana sa kusina ng biglang kumidlat ng malakas "AHH" tili ko at napaupo sa gilid hindi ko alam kung saang gilid ako nakaupo, naramdaman ko nalang na tumulo na yung luha ko sa takot, hinantay ko nalang bumalik yung kuryente andoon lang ako sa gilid naka upo at umiiyak at di alam ang gagawin Mas dumoble yung kaba at takot ko nung may pilit bumubukas ng pinto ko pero agad nawala pero bigla ulit gumalaw hanggang sa mabuksan iyon kaya napapikit ako sa takot "CALI!!" Sigaw nung pumasok, habang iniikot yung flashlight sa cellphone "Where are you ,baby?" tanong nya ulit hindi ako makapagsalita sa takot na naramdaman ko, hanggang sa bigla ulit kumidlat ng malakas at napatili nanaman ako, naramdaman kong init nung flashlight na tumutok sakin "Are you okay? are you hurt?" sunod na sunod na tanong ni logan sakin, hindi ko mataas yung ulo ko sa takot at sa mga tingin nyang nakakatunaw, tumango nalang ako sa kanya Inalalayan nya ako makatayo at nag flashlight papunta sa sofa hawak hawak nya ako hanggang sa makaupo kami sa sofa "Stay here, I'll get you some water" sabi nya bago sya makatayo hinawakan ko yung laylayan ng damit nya kaya napatigil sya sa paglakad at lumingon sakin "Why?" "Stay" sabi ko sa kanya , feeling ko nasabi ko yun kasi takot na takot ako sobrang dilim at yung kidlat lang yung liwanag namin "I'll just get you some water, stay here" sabi nya ulit sakin, pero hinigpitan ko yung hawak sa laylayan ng damit nya. Narinig kong napa buntong hininga sya at hinawakan yung kamay ko na laylayan ng damit nya "Let's go" sabay kaming naglakad papunta sa kusina ko, humihigpit yung hawak ko sa kamay nya nung narinig ko yung kulog "It's okay, i'm here" sabi nya sakin Diko nalang pinansin yung sinabi nya at dahan dahan nag lakad papunta sa kitchen ko at naka use padin si logan ng flashligh binaba nya muna yung cellphone sa countertop tas kumuha ng baso at nag lagay ng tubig at binigay sakin. kinuha ko naman yun at ininum masyado akong na dehydrate sa nangyare ngayon bat nawala naman kasi biglaan yung ilaw wala man lang pasabi "Are you okay?" tanong nya sakin "Okay nako" sabi ko naman sa kanya, kinuha nya na ulit yung cellphone nya at sabay kaming pumunta sa sala at umupo sa sofa, hindi nya padin binibitawan yung kamay ko nanginginig padin ako sa nangyare
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD