1
Kalalabas ko lang galing sa university kung saan ako nag aaral nag aabang ng jeep para makauwi nako sa apartment na pinag tutuluyan ko
"Cali!!!"
napatingin ako kung sino yung tumawag ng pangalan ko, si lylel pala kaibigan ko
"Bakit?" tanong ko sa kanya pagkalapit nya sakin
"come with me punta tayo sa bahay namin, please" pag mamakaawa sakin ni lylel, napairap ako sa kanya
"Ano bang gagawin natin sa inyo?" tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami sa sasakyan nya, hindi sya marunong mag drive masyado syang maarte kaya ayaw nyang nag ddrive
"Kababalik lang kasi ni kuya galing sa ibang bansa and you know what?" at tumingin sakin at ngumiti ng nakakaloko
"GAGO! bat moko sinama siraulo kaba"
Tumawa naman sya sa kagagahan nya, no choice nakasakay nako sa kotse nya nakakahiya naman sa driver ni lylel
"Uiii iniisip si kuya, ano kaba wag kang mag alala wala pading jowa yun"
"Manahimik ka lyel kung ayaw mong sabihin ko sa kuya mo kung sino yung boyfriend mo ngayon, alam kong papagalitan ka ng bongga" pananakot ko sa kanya kaya sumimangot sya sakin kaya natawa naman ako sa itsura nya
Tinignan ko yung relo ko para makita kung anong oras na quarter to 6 na pala at may kailangan pakong ayusin na damit at pasahan na next week na hanggang ngayon wala padin akong nasisimulan, tumingin ako sa bintana at diko maiwasan na kabahan dahil makikita ko sya ulit
It's been 5 years since we saw each other
"Tara na cal"
Lumabas nako sa kotse nila lylel at tinignan ang munting mansion ng mga Jouvessac at hindi padin mawala sakin ang pagka hanga sa kalakihan ng bahay nila kahit ilang beses nako nakapunta dito
"Hoy gaga bat ka nakatulala ano kakaladkarin parin ba kita?" tanong sakin ni lyel, kaya tinarayan ko sya at nag lakad na para sundan sya
"I'm home!!!" Sigaw ni lyel pagkapasok nya sa bahay nila, kaya napatingin sa kanya yung mga katulong nila at syempre nag si labasan ang magulang nya
"You're early princess" sabi ng mama nya
"Sinama ko si cali, is it okay?" tanong nya sa parents nya
Kaya napatingin sakin si Mrs. Jouvessac, kaya ngumiti ako sa kanya ng pilit sana naman hindi nya napansin yung ngiti kong pilit diba, kinakabahan ako
"No problem, It's nice to see you again Calista" bati sakin ng mama ni lyel at lumapit sakin at binigyan ako ng yakap
"It's nice to see you again tita" he just smiled at me at nag paalam na mag luluto pa daw sya
"Tara sa kwarto ko muna tayo" sabi sakin lyel, tumango naman ako at sumunod sa kanya pataas at napatingin ako sa kwarto nya at agad ko ding tinggal yung pag tingin sa kwartong yun at pumasok na sa kwarto ni lyel
"Wait here mag papalit lang ako" kaya tumango ako sa kanya at nilabas yung sketch pad ko at nag drawing muna para mamaya pag uwi ko masimulan ko na sya kahit papano, we need to make a 5 types of dresses at ayokong magahol, ayokong maulit ulit ang nangyare sakin noon
"Miss lyel and miss Cali, bumaba na daw po kayo naka ready napo ang dinner"
"Sige po antayin ko lang po mag bihis si lyel"
" Sige po"
Tumayo ako at pumunta sa walk in closet ni lyel at nakita ko syang nakaupo sa vanity table nya at kinaltukan sya
"Aray ko naman akala mo ba di masakit yun"
"Kanina pako nag aantay sayo gaga ka tinatawag na tayo ng mama mo" sabi ko sa kanya, tinignan nya muna yung sarili at tumayo na
Niligpit ko muna yung gamit ko na nakakalat sa mini sala ni lyel sa kwarto nya
"Mamaya na yan bumalik kanalang dito sa kwarto ko, tara na hinahanap na tayo nila" Tumango nako at lumabas sa kwarto nya at bumaba na
Habang pababa kami naririnig naming nagsisitawanan sila kaya nag tinginan kami ni lyel at sabay na kaming pumasok sa kitchen
"Oh here is my beautiful daughter " tawag sa kanya ni tito
"Ohh she looks really beautiful" sabi nung babae na maganda, well he really looks doll
"Who are you?" Tanong sa kanya ni lyel, lumalabas ang pag ka mataray
"Btw I'm Sofia capanon"
"And?" tanong ulit ni lyel
"Stop it lyel" napatigil ako sa pag ngiti ko ng narinig ko yung boses na matagal ko ng inaantay, at dahan dahan tumingin sa gawi nya, he still looks handsome , he look so matured now
"Whatever, Hoy cali bat kapadin nandyan tara na dito tanga" sabi naman ni lyel sakin, kaya tumingin ako sa kanya at tinignan sya ng masama at umupo sa tabi nya
kaharap namin si Logan at yung sofia, nakatingin ako sa kanya ngayon na ngayon nakatingin din sakin, I pause my self and smile at him but he just ignored my smile at pinagsandukan ang babae
"How's your study, cali?" tanong bigla sa kanya ng papa nila logan
"Okay lang po tito, doing good po" sabi ko sa kanya
"How many years until you graduate?"
" half years nalang po"
At don na tumigil yung pag tatanong sakin ni tito, at may kasama pala kami di ko nakita kasama yung parents ng sofia, ano to meet the parents? late na ba ako ulit?
"So, when is the wedding?" biglang sabi nung mama nung sofia, napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at napatingin kay logan na nakatingin na din ngayon sakin
"I don't know , Ask my son " sabi naman ng mama nila logan
"Were still enjoying the engagement" sagot naman nung sofia
I see i'm too late, he's getting married, napangiti ako ng pakla at tinuloy nalang ang pagkain ko, nag uusap usap sila tahimik lang ako at minsan nakikitawa hanggang sa sakin ulit napunta ang atensyon
"What's your course dear?" tanong sakin nung mama nung sofia
"I'm taking Fashion design 4th year" sagot ko naman sa kanya
"I see, here's my daughter she is a model, i think you saw here in every magazine or news" at mukhang proud na proud sa anak nya
"Hindi ko po sya kilala, medyo hindi po kasi ako gumagamit ng technologies" sabi ko sa kanya, biglang nawala yung ngiti nya
"I see your not familiar with gadgets, do you have phone?or any technologies in your household?" tanong nya ulit sakin
"I have po may phone po ako and tv in my apartment"
"Oh apartment?you don't own a house, I see" sabi nya sakin, wait pinapamukha nya ba saking mahirap ako
"Btw where is your parents at bakit hindi mo alam ang mga gadgets and you don't have a house" napatulala ako sa tanong nya he's smiling so weird , like creepy
napahawak ako sa wrist ko hinaplos ito, naramdaman kong hinawakan ako ni lyel kaya napatingin ako sa kanya, like sinasabi nya don't answer it
"Patay napo sila" sabi ko
Nakita kong nagulat yung Parents nila logan at sofia , magtatanong na ulit sana yung mama ni sofia ng nagsalita si logan kaya na punta sa kanya yung atensyon
"Is this Q&A? and your asking here too much?" sabi ni logan sa parents ni sofia
"Im just asking her, is there a problem logan?" tanong sakanya, magsasalita na sana sya ng tumayo ako kaya bumaling ulit sakin yung atensyon nila
"Mauna na po ako anong oras na po kasi malayo pa po byahe ko, tita, tito mauna napo ako" sabi ko sa kanila, tumayo na din si lyel pero pinigilan ko sya
"dyan kana, kuhain ko lang gamit ko sa kwarto at aalis nako, Thank you po ulit" tumingin ako saglit kay logan at ngumiti at lumabas na sa kitchen , dumiretso ako sa kwarto ni lyel at inayos yung mga sketch pad na nakakalat sa table nya at nilagay ko sa bag ko, Huminga muna ako ng malalim at lumabas na sa kwarto nya at lumabas na ng bahay nila
Palabas na sana ako ng makita ko yung pamilyar na likod na nakatalikod at nakaharap sa fence ng bahay nila, hindi ko nalang pinansin at naglakad na ng bigla nya akong tinawag
"I see your still studying" sabi nya sakin, huminga muna ulit ako ng malalim at tumingin sa kanya
"Oo ih, ikaw sikat kana , Congrats pala" sabi ko sa kanya at ngumiti , but he didn't show any reaction
"May sasabihin kapa ba?aalis nako" sabi ko sakanya, inantay ko sya kung may sasabihin sya pero mukhang wala naman na siguro at saktong lumabas yung fiance nya si sofia
"Your'e here lang pala babe" at yumakap sa braso ni logan kaya napatingin ako don, at ngumiti
he's happy and I'm happy for him his happiness is what matters to me
"Congrats pala sa engagement nyo, happy for you both" sabi ko at tumalikod na at don nawala yung ngiti ko at napalitan ng luha
IT'S quarter to 9 na nung dumating ako sa apartment ko at ang traffic masyado nag pahinga lang ako saglit at nag bihis na, pag tapos ko mag bihis ni ready ko yung mga gagamitin ko para hindi ako paalis alis sa pwesto ko, binuksan ko na yung laptop ko at tinignan yung scratch ko na ginawa ko kanina
Nag Ig story muna ako pinicturan ko yung mga tela na nakakalat sa table ko at nag simula ng gumawa, nakapag measure naman na ako kaya gumipit nako sa tela at nilagay ko muna sa gilid , balak ko sana na maka 2 akong dress na magawa tonight at sana naman magawa ko sya
Nag pahinga lang ako saglit at nag cellphone tinignan ko yung ig story ko kung sino na mga nakakita at gulat ko ng makita ko si logan na naka see sa ig story, we didn't unfollow each other in any social media account pero hindi din naman sya masyadong active, pinindot ko yung profile nya at nakita ko na wala naman syang post sa ig nya hindi din sya mahilig mag story, pinatay ko nalang phone ko at bumalik na sa pag gawa
"Finally , I'm done" bulong ko
3 o'clock na nung natapos ako sa 2 dress , 3 more to go cali kaya mo yan, pumunta muna ako sa mini kitchen ko at uminom ng tubig at nagluto ng pancit canton nagutom ako kaya magluluto muna ako, habang inaantay ko maluto yung pancit canton ko nag scroll muna ako sa twitter ko at nag tweet
Tweet
@cali_: It's nice too see you again :)
Pagtapos ko kumain hinugasan ko muna yung pinagkainan ko at pumunta na sa kwarto ko at humiga na, nag alarm muna ako ng mga 7 am at natulog na
"CALIIIII!!!!" sigaw ni lyel pag kapasok ko sa university
"Makasigaw kanaman ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya at nag patuloy na sa pag lalakad
"Last night , I'm sorry" tinignan ko si lyel na nakayuko na ngayon
"Bat ka nag sosorry ano bang ginawa mo?" tanong ko sa kanya
"About kay kuya diko naman alam na may fiance na sya, last time na nakausap ko sya sabi nya wala " sumbong nya sakin
"Gaga wala yun, masaya na kuya mo hayaan mo na" sabi ko sa kanya at naglakad na ulit
"Sorry na libre kita lunch mamaya, wait moko sa cafeteria ha labyu" ngumiti at kumway na ako sa kanya at pumunta sa department ko
Pagpasok ko sa classroom umupo ako sa dulo at nag earphone muna wala pa naman yung prof namin at pumikit muna kulang pa naman yung tulog ko 4 hours lang tulog ko kanina
"Cali, andyan na yung prof" sabi sakin ni kalen
"Thank you, oct" sabi ko sa kanya, na pairap sya
"Eww ano ako month, call me by my name kalen, and I'm a girl duh" sabi nya sakin, kaibigan ko din ito di lang halata, tinawanan ko nalang sya at tumingin sa harap at nakinig na sa discussion
"Kalen sama ka sa cafeteria?" tanong ko sa kanya
"Sunod ako" sabi nya , tumango ako at lumabas na sa room at naglakad na papunta sa cafeteria nag hanap muna ako ng vacant seat na may tatlong upuan o apat, nakahanap naman ako umupo ako sa dulo at inantay sila lyel
nilabas ko muna yung laptop ko at inopen yung graphic design app at nag sketch na sa pangatlo kong dress na gagawin, 2 hours yung break ko at may isa pakong class ng 1 to 3 pm , siguro naman makakabuo nako ng 2 dress diba
"Hoy ang sipag mo naman" napahawak ako sa dibdib ko at tinignan kung sino yung nagsalita
"Pota ka ginulat moko" sabi ko kay kalen at umupo sa harap ko
"Gago kasi te pasahan pa nyan ilang weeks from now tas gumagawa kana" sabi nya sakin at nag labas ng sketch pad
"Gumawa kana , hilig mo mag cram" sabi ko sa kanya, kaya tinignan nya ako ng masama
"Bat dika pa kumakain?" tanong nya sakin ng wala syang nakitang plato sa table
"Antayin daw natin si lyel nag text sya sakin kanina" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa ginagawa kong design
"Kupad talaga ng babaeng yun"
"Anong makupad buwan?"
"Joke lang ito naman" sabay bawi ni kalen kasi nakatingin na ng masama si lyel sa kanya
"Hmp, ano gusto nyo kainin?" tanong ni lyel
"Libre mo? Ano sakin yung cheescake hehe" sabi ni kalen
"Tanga lunch tas cheesecake ako nalang oorder sa inyo" sabi ni lyel at umalis na sa table, nagkatinginan kami ni kalen at natawa kasi lumalabas nanaman yung pag ka mother figure ni lyel
"Gagalit mo si mama lyel" sabi ko at natawa kaming dalawa
pinatay ko muna yung laptop ko at nilagay sa tote bag na dala ko at nilinis yung table, si kalen nag drawing padin sya kaya pinatigil ko muna sya
"Maya mo nayan gawin kalen kung ayaw mo magalit si mama lyel na madumi ang table" sabi ko sa kanya
"Hala oo nga kahit spoiled yan maarte kala mo talaga" sabi ni kalen at nag ligpit na ng mga gamit nya , nag alcohol kami sa table at pinunsan ng wipes at inantay si lyel
"Ito inorder ko, then yung cheescake mamaya nayan pag tapos mag lunch"
"Yes po, let's eat" at kumain na kami
"Lyel nabalitaan ko na nakabalik na pala kuya mo" biglang salita ni kalen
"Oo kagabi lang dat sumama ka kasi, edi sana nakita mo si kuya" at nag tinginan kami ni lyel
"May biglaang meeting kasi ay alam nyo ba inarrange marriage ako ng parents ko" napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at tumingin kay kalen
"HUHH!!?" sigaw ni lyel, napatingin ako sa buong cafeteria na nakatingin nasa table namin ngayon
"Hoy gago wag ka sumigaw, Sorry po" paumanhin ni kalen
"Is it true? when? how? who?" sunod na sunod na tanong ni lyel kay kalen
"Kumalma ka nga , sasagutin kita isa isa pero wag dito madaming makakarinig" sabi ni kalen
"Let's go" at nagtayuan na kami ni kalen at sumunod kay lyel, pupunta kami sa tambayan namin kung saan wala masyadong student nakakadaan, kung baka medyo tago sya
"Spill"
"Ito kilala mo to lyel ewan ko lang sayo cali kung kilala mo to"
"Just say the name" mataray na sabi ni lyel
"Marcellus marbletail"nagkatinginan kami ni lyel at tumingin ulit kay kalen na nakatingin saming dalawa ngayon ni lyel
"Kilala nyo?" tanong nya
"Malamang kaibigan ni kuya yan " sabi ni lyel
"Ay shala, nakita ko na sya kahapon mabait naman loko loko lang yung attitude"
"So when is the wedding?" tanong ko
"Still planning, maybe next year?" sabi nya
"Ohhh Soon to be Mrs. Marbletail" asar ni lyel sa kanya
"Che, yun lang naman chika ko " sabi nya, tumambay lang kami hanggang sa may klase na si lyel
"Mauna nako may class pa ako talk to you later guys, byee" at umalis na si lyel naiwan nalang kami ni kalen sa tambayan namin, ako nag sketch nako ulit ganon din naman si kalen
"Dito kalang?" tanong sakin ni kalen
"Oo mamaya pa class natin, ikaw?" tanong ko din sa kanya
"Tumawag kasi yung mama ni Marcellus mag meet daw kami sa starbucks dyan lang, antayin nalang kita sa room pag may class na ha, ingat ka" sabi ni kalen sakin
"Sige ingat kadin, text mo ako pagdumating na prof natin" tumango nalang sakin si kalen at umalis na, naiwan nalang ako sa tambayan at pinagpatuloy yung pag sketch ko nagpatugtog nalang ako hanggang sa nag text sakin si kalen
From: buwan kalen
Cal wala daw discussion nag ka emergency meeting daw lahat ng prof, kasi next week daw pala foundation biglaang prepare (mag makakalimuten matatanda na kasi hmp) tas yung mga ginawa daw pala nating mga dress gagamitin sa pagent unknown yung model, magugulat nalang daw tayo kung sino mag susuot sa mismong pagent, yun lang pwede na daw umuwi , ingat ka pag uwi
Pagkabasa ko ng text ni kalen niligpit ko na yung gamit ko at kinuha na yung bag ko at umalis na, balak kong bumili ng bagong tela kasi kulang na yung mga tela na gagamitin ko para sa 3 pang dress, wala namang sinabing color anycolor daw pwede basta unique yung dress na gagawin namin nag aabang ako ng jeep para pumunta sa robinson, nag text nalang ako kay lyel na uuwi nako
To: Lye
Hoy, wala na pasok kami kayo ba? punta ako robinson bibili ako tela, text me pag nakauwi kana uwi agad"
nag text din ako kay kalen
To: Buwan kalen
Hoy punta ako robinson sama kaba?bibili ako tela kung hindi bye
Pagkasend ko saktong may dumating na jeep kaya sumakay nako at nagbayad, mga 30 minutes lang naman yung layo mula sa school nung robinson kung saan may magagandang tela na binebenta, umilaw yung phone ko it means may nag chat
From: Buwan kalen
Shuta ka dat nagsabi ka kagad nakauwi nako, samahan mo nalang ako pag bumili ako heheh, labyu
napailing nalang ako at pumara na , pag pasok ko sa robinson dumiretso nako sa bentahan ng tela para maaga akong makauwi at magawa ko na yung pangtalong dress, bumili ako ng kulay silver and beige at mga sinulid
"2000 po lahat maam" kinuha ko yung wallet ko sa tote bag at binigay yung bayad
"I receive 2000 , thank you maam" at kinuha ko na yung paper bag at lumabas na sa stall, naisipan kong bumili ng krispy kreme original flavor inantay ko lang at umalis nako, saktong pag labas ko ng stall sa krispy kreme nakita ko sila logan
Tumingin lang ako saglit sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad, pero biglang tinawag yung pangalan ko nung sofia fiance ni logan
"Hi, your'e the girl right?" tanong nya
"Ah oo, ano pala ginawa nyo dito?" tanong ko sa kanilang dalawa, nakitingin lang sakin si logan
"Were trying to eat krispy kreme donut, right babe" at tumingin kay logan, tumango lang si logan
"Do you want to come with us?" tanong ulit sa kanya nung sofia
"Next time nalang , may tatapusin pa kasi akong design ih" pinakita sa kanila yung binili ko at ngumiti ako sa kanila at nag lakad na palabas sa robinson , self kumalma ka huwag kang iiyak wag na wag
Pagkapasok ko sa bahay ko binaba ko na yung mga dala ko masyadong mabigat ang mga tela na pinamili ko kaya umupo agad ako at kumain ng krispy kreme habang nag scroll sa t****k, hanggang sa diko namalayan anong oras na , kaya naisipan kong magbihis na ng comfy outfit at nag ready na para matapos ko na yung mga dress na ginagawa ko
Backless dress yung balak kong gawin sa pangatlong dress kung nag tataka kayo yung measure ko is yung katawan ko and I always make sure na adjustable sya para any form ng body pwede sya which is natuwa yung prof ko sakin dahil sa idea na yun, nag gupit na ulit ako at tinahi at nilagay sa mannequin
pagkatingin ko sa orasan 7 oclock na ng gabi at natapos ko na yung pangatlong dress na ginagawa ko nasimulan ko na din yung pangapat kaya balak ko munang mag pahinga at kumain ng dinner, pumunta ako sa kusina at binuksan yung ref ko kung may pagkain at naalala ko na hindi pa pala ako nakaka grocery. Pumunta ako sa kwarto ko at pinatungan lang yung suot kong damit ng hoodie at umalis para bumili ng pagkain medyo malayo samin yung mga 7/11, kumuha lang ako ng c2 at 2 sisig at binayaran, pinainit ko na at umuwi sa bahay
kumain agad ako pagkarating ko sa bahay at naglinis ng bahay ang dami kasing nakakalat na mga tela kaya nag walis nako at nag mop para mukha namang kaaya aya, umupo lang ako sa sofa ko at binuksan yung page ko kung may umoorder ulit sakin ng damit , this is my way of living selling clothes na ginawa ko, luckily may mga kaibigan akong kilala at pinakalat yung page ko kaya medyo madami yung umoorder sakin
To: lye
Lyel!order ka may bago akong gawa na dress!!maganda bagay sayo
pagkasend ko ng text ko lyel tumayo at pumunta don sa vacant room sa bahay ko kung saan nakalagay yung mga damit na ipapack ko para ma deliever na sakanila, umupo ako at sinimulan ng mag pack ng mga damit at binalutan ng package ko at nag text sa rider para ma deliever na nila kinabukasan naka pack ako ng mga 20 malaki na kita ko nito may pambayad nako ng kuryente , tubig at ng renta ko
From: lye
Sure!!How much!!?
ito ang gusto ko sa mga kaibigan ko hindi mga kuripot
To: Lye
400 maganda tela don't worry adjustable padin to
Pagka send ko nag reply din agad sakin, bilis mag text nito ah wala atang ginawa
From: lye
suree!!bigay ko bukas bayad, post mo sa ig mo para makita ng seller mo!!
Nag text lang ako sa kanya na sure at pinicturan yung damit na ibebenta ko at pinost ko sa ig ko at agad din namang nilagay nila lyel at kalen sa story nila, buti i have a supporting friends. Nag ig story nadin ako sa sarili kong account at tinuloy na yung pag gawa ko ng pangapat na dress para wala nako masyadong problema, nakakalahati ko na yung pangapat na dress kaya nagpahinga muna ulit ako at nag cellphone, nagwawala yung puso ko ng makita kong nag message sakin si logan pero agad din naman napawi yung ngiti ko
@logaan:How much is this?
huminga muna ako ng malalim at nag reply sa kanya
@Cali_: 400 pesos
@logaan:I like to buy for my fiance , is this worth it to buy?
@Cali_: It's very worth buying sir, i can pack your order now if you want it
@logaan: Yeah sure, just give me your account and I'll send my payment
@Cali_: I don't have bank account sir maybe you can give your payment to lyel and i will deliever your order
@logaan: Okay.
At don na natapos yung usapan namin diko namalayan na tumulo yung luha ko at agad ko din namang tinuyo at huminga ng malalamin at nag pack na ulit ng order, habang nag papapack ako ng order naisip ko na bakit sya bibili sakin ih sikat yung mga brand na ginagawa nila, or she support local ?maybe? ah bahala na
"Ito kuya lahat ng idedeliever mo mga trusted seller ko yan dika tatakbuhan ng mga yan, ingat ka po" sabi ko sa rider
"Sige maam , ingat kadin po" tumango nalang ako kay rider at bumalik sa loob ng bahay at kinuha yung bag ko at yung 2 paper bag para iabot kay lyel at logan, nilock ko na yung bahay ko at umalis na, wala naman daw lesson sabi ni kalen nauna na sya sa school kaya medyo nag palate nako
pagkapasok ko ng univeristy saktong kararating lang din ni lyel kaya inantay ko syang bumaba sa kotse nya at laking gulat ko ng bumaba din si logan sa sasakyan nila, wala masyadong tao ako nalang ata tao dito baka nasa open field yung iba or gym or library madami kasing pwedeng pag tambayan dito sa university
"CALIII!!" as always lyel greeting laging pasigaw
"Ingay ingay lyel" sabi ko sa kanya
"Okay where's my dress, Im so excited to wear it!!" sabi nya sakin
"Ito, nilabhan ko na yan para masuot mo na nakakahiya naman kasi sayo diba" pero inirapan lang ako at kinuha yung paper bag na binigay ko sa kanya, si logan naman nakatingin lang saming dalawa kaya lumapit ako sa kanya
"Here, ito pala yung inorder mo" sabi ko sa kanya at inabot yung paper bag, tinignan nya muna ng matagal bago nya kinuha sakin, ay kinuha yung wallet nya at binigay sakin yung isang libo, kinuha ko yung wallet ko sa tote bag ko at kinuha yung 500 na bigay ni lyel kanina
"Keep the change" at naglakad na papasok sa university
"Gago kapatid mo lye isang libo binigay sakin ih 400 lang naman yang damit" sabi ko kay lyel
"Hayaan mona , ayaw mo yun may pambayad kana sa renta mo" napatingin naman ako sa hawak kong isang libo inagaw naman sakin ni lyel yung isang libo at wallet ko at sya na ang naglagay sa wallet ko ng pera at nilagay sa bag ko
"Yan wala ka ng problema, btw kung dika nag tataka bat andito yan si kuya, iaapprove nya yung mangyayare sa pagent sa foundation, strict gusto perfect yung mangyare" sabi ni lyel sa kanya
"Alam mo naman yang kuya mo gusto nya lahat maayos, maganda perfect kumbaga lahat" sabi ko sa kanya, tumango naman sakin si lyel
nag elevator nalang kami lyel papunta sa rooftop don namin balak tumambay, chinat nalang namin si kalen na nasa rooftop kami sumunod nalang sya kung wala syang ginagawa
"Dito lang tayo hanggang mamaya?" tanong sakin ni lyel
"Kayo ba?" tanong ko sa kanya
"Kung hindi kami ipapatawag or hindi ako ipapatawag ni mama sa office dito lang ako hanggang sa mag uwian na" tumango nalang ako sa kanya at nag labas ng sketch pad at nahg drawing na ulit
"Alam mo ba cal" biglang salita ni lyel kaya napatigil ako sa pag drawing ko at tinigna sya, I can see the sadness in her eyes
"Why?may problema ba?" tanong ko sa kanya, tumingin lang sya sakin at tumango
"Tell me makikinig ako" sabi ko sa kanya, hinawakan ko sya sa kamay at tinignan sya sa mata nya
"Wala na kami ni jason" tumingin ako sa kanya na ngayon ay umiiyak na sa harap ko
"Niloko kananaman ba ng gagong yun?" tanong ko sa kanya, dahan dahan naman syang tumango sakin
"Potangina nun, sino nanaman bago non?" pero umiling lang sya, napabuntong hininga nalang ako niyakap sya at pinatahan
"huwag mong iiyakan yung gagong yun hindi sya worth it ng luha mo, ibalik mo yan" sabi ko sa kanya na may biro kaya natawa naman sya at hinampas ako
"Gago ka talaga" at nag punas ng luha nya, at nag ayos ng makeup
"Yan dapat ganyan, mabuti pang suotin mo yang dress na binili mo sakin tas post mo ipamukha mo sa kanya kung sino yung iniwan nya" sabi ko sa kanya, ngumiti sya sakin at niyakap ako ulit kaya niyakap ko din sya pabalik
"What's going on here at may nag yayakapan na di ako kasama?"
napabitaw kami ni lyel at tinignan si kalen naka hawak na sa bewang nya ngayon at nakatingin samin ng masama ni lyel
"Late mo kasi masyado wala kana tuloy naabutan na chika" sabi ko sa kanya
"Ay chika ano yan pasagap naman po" sabi nya at umupo sa tabi namin
"Wala na kami" sabi ni lyel, tinignan ko yung reaction ni kalen at nanlake yung mata at napatayo
"WHATTT!!?KAYO?NI JASON?WALA NA?" sigaw nya, kaya napatingin ako kung may iba pang tao sa rooftop buti nalang wala
"Sige isigaw mo pang gaga ka" sabi ni lyel
"Ay sorry , alam ko na nambabae nanaman no?" hula ni kalen
"Nadale mo kalen" sabat ko naman, nag high five kami ni kalen kaya tinignan kami ng masama ni lyel , nag kwentuhan lang kami hanggang sa ipatawag si lyel ng parents nya sa office
"Mauna nako, balitaan ko kayo kung anong mangyayare, ingat kayo ha mwah" at umalis na, naiwan nalang ulit kami ni kalen na nag drawing para sa task namin
"Ilan nalang gagawin mong dress?" tanong sakin ni kalen
" Isa nalang tas titignan ko yung mga nauna kong gawa kung may mali para di ako magahol sa oras" sabi ko
"Pota ambilis mo naman gumawa, diko talaga alam kung pano mo napapagasabay ang pag gawa ng dress sa school tas mga damit na binebenta mo ilan ba kamay mo ha, pahinge naman ako isa" natawa naman ako sa sinabi nya, at pinagpatuloy nalang yung pag sketch ko
"Ay oo nga pala pa order ako 2 dress mo!!gusto din ni mommy at ng aking soon to be mother in law"
"Sure, pack ko nalang yun tas bigay ko sayo bukas" sabi ko sa kanya
Inabot kami ng alas dose ni kalen kaka sketch kaya naisipan na naming bumili ng pagkain sa cafeteria para kumain ng lunch at nagbabalak na din kami umuwi kasi wala namang ginagawa busy mag prepare lahat para sa foundation, sa department namin nag prepare ng mga gown for candidates na mag susuot in every class section 3 models mag paparticipate sa pagent at lahat kami gagawa ng dress which is yung task namin ngayon at mamimili yung mga head kung saan yung susuotin nila
"Samahan moko bumili ng tela mamaya cali, please" pagmamakaawa sakin ni kalen
"Inaya kita last time umayaw ka bala ka jan di kita sasamahan" asar ko sa kanya , nakasimangot na syang nakatingin sakin ngayon
"Kasi naman nung nagaya ka asa bahay nako nun kaya di nako sumama"
"oo na kumain kana dyan" sabi ko sa kanya
"Yehey!!" kaya napailing nalang ako sa reaction at kumain na ulit para masamahan ko na tong babaeng ito