Grey’s POV Inaayos ko ang pagkakatali ng sintas ng sapatos ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ako lumingon sakaniya at tinignan ko na lamang ang sarili ko sa harap ng salamin. Alam ko na din naman kung sino tong pumasok kahit di ko siya tignan. "Asiong! Ready ka na ba? Please make it faster, me and Sissy are going to watch your game. Wag mo kaming pagantayin ha!" Tinignan ko siya dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ni Martha. Iba talaga ang dating niya sakin. Pangalan pa lang 'yon ha? Pero ang bilis na agad ng t***k ng puso ko. Lakas talaga ng tama ko sakaniya. "Okay bababa na ako. Please, dalian mo!" Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makalabas siya ng kwarto ko. Hindi naman mapagsidlan ang kaligayahan ko ng malamang manonood si Martha ng championship

