3rd person's POV Kakasakay lang ni Elisse sa kotse niya ng biglang tumunog ang cellphone nito. Kinuha niya ito sa bag at labis ang kaniyang saya ng makitang si Julian pala ang tumatawag. Dalawang linggo silang hindi nagkita dahil sa busy ang magkasintahan sa kaniya-kaniyang propesyon. Kaya sobra niyang namiss ang nobyo. "Hon!" Masayang bati ni Elisse sa kabilang linya. "I miss you hon. Are you free tonight? Pwede ko bang i-date ang girlfriend ko?" Nakaramdam ng pag-init ng pisngi si Elisse ng marinig iyon sa kaniyang nobyo. Labis ang kaniyang pang-tango sa kausap kahit di naman siya nakikita nito. "Sure hon." "Alright! See you later hon. I will pick you up by 7 tonight. I love you." "I love you more." Binaba niya ang tawag ng may ngiti sakaniyang labi. Excited na si

